Thursday, January 31, 2008

habol sa enero

sabi ko isa sa mga new year's resolution ko e magkaron ng blog. kasi nakakapagod magkwento ng paulit-ulit. naks, kasi dami ng friends ng lola mo, at karamihan ay nag liparan na sa ibang bansa sa totoo lang, ako na lang ata ang naiwan dito sa lupang hinirang.(kaya mahal magkwento sa kanila kahit sa text lang. di naman pwede na send to all ang e-mail at me masama ako experience dun).

eniwey,sana maging source ito ng information at kung anu-anu pang kwento sa aking pang-araw-araw (okay, pang-lingguhan o buwanang) pangyayari sa aking buhay at sa buhay ng Pilipinas. Pero gugustuhin ba nyo na makabasa lang ng dalamhati at problema? syempre hindi. kaya, try ng lola mo na puro happy story dito at magagandang site.