sabi nila da truth shall set you free. ano nga ulit yon? syempre, maingay na naman ang Pilipinas dahil sa mga isiniwalat ni Jun Lozada tungkol sa mga katiwalian ng gobyernong ito, but then, hindi ba natin alam ito nuon pa man?
kitang kita naman kung sino sa kanila ang nagtatahi-tahi ng istorya, kung sino ang depensiv at kung sino ang may isponteneous combustion ng mga pangyayari. so, ang tanung ngayon is, whereto philippines? nuong nag edsa1 (circa marcos v. cory, elementary pa lang ako) wiz ako join sa edsa although during those times e gusto ko ng makilahok sa mga pangyayari nagaganap. syempre, di naman ako madunong sumakay ng bus no, tumawid nga sa kalsada e takot pa ako nung mga panahong iyon, kaya nagsulat na lang ako ng mga munimuni ko sa papel kasi wala pa blog nuon a pinabasa ko sa mga kaklase ko sa mababang paaralan. as expected, wala naman nakaintindi kasi ang importante nuon sa kanila e manguha ng luad na ipambabala nila sa mga sumpit nila. hmp..in frustration, tinapon ko ang aking unang obra maestra sa palaisdaan. cut to, edsa2. syempre, nagparticipate na ako dito. dun pa kami sa may fly-over sa ortigas nakaposisyon nun, talagang go ako after hindi pinayagan na buksan ang second envelop. kaya, oo, isa ako sa dapat sisihin kung bakit naging presidente agad si ate glow. malay ko ba na daig pa nito ang velcro sa pagkakadikit sa kapangyarihan. in fairness, tinry ko rin naman na pagsilbihan sya. kasi naman libre ang kolehiyo ko kaya nag public service din ako, for a year, tapos nun hindi ko na kaya...ayoko na ng senate hearing, ayoko na ng intriga, ayoko na ng putik, ayoko ng masikip..ayoko na maging mahirap (but this is another story). heniwey, ano na ngayon ang dapat gawin? kung itataboy si ate glow sa palasyo, sino ang iluluklok? pwde bang i iskip natin si kabayan at iupo si sipag at tyaga? syempre hindi pwede yun. too close a victory si kabayan to forgo the opportunity. ang sa akin lang, kahit sino ang ilagay natin sa trono, walang mangyayari kung ang sariling kapakanan lamang ang uunahin lagi. na sya namang nangyayari. show me a leader na namatay na yagit. syempre wala. nakakaawa lang si jun lozada, sana nga may patunguhan ang mga sakripisyo nya. sabi nga ni rizal, cancer na ang sakit ng gobyernong ito.sana tumalab ang panalangin nila tita cory, kaso, pati simbahan ay nakakadisappoint ang katahimikan. siguro dail wala rin naman sila maioofer na alternative. hay, kawawa naman kami. pero kung iisipin natin, lahat naman tayo e may kasalanan dito. kahit di mo ibinoto si ate glow, binantayan mo ba ang boto mo nuon? nag lecture ka ba sa mga kapitbahay mo at sa mga alipin na bumuto ng tamang tao. alam naman natin na may vote buying, pero, kebs lang tayo. unless ang tao will have their own initiative to care for his bretheren, wala..wala at wala.
we already know the truth. we are free. of what..ma.
Monday, February 18, 2008
Sunday, February 3, 2008
umpisa ng pebrero
naubos ang weekend sa pagpunta sa mga mall sa paghahanap ng sapatos na pwedeng pang opis ko. awa ng jus, wala ako nakita. kaya nga ako ngayon nag hanap kasi ayon sa aking hororscope, ngayong panahon daw ako makakakita ng mga bagay na makakapagpaligaya sa akin. nakalimutan ko na altho "sale season - up to 70% further reduction", wala pa nga pala lami sweldo. kaya, ayun, imbes na nakabili ako ng sapatos, eto ang naiuwi ko. (post picture here of yellow crocs, in the meantime, wala pa ako digicam so mag imagine na ang kayo ng picture nun) sana bagay ito sa costume ko pag monday to friday.
heniwey, since malapit na ang chinese new year, ang daming gimmick ng mall, me lion at dragon dance pa. me wushu presentation din, lalo tuloy ako na inspire na mag aral mag wushu tutal meron pa naman ako free schedule (mon & wed, badminton ako, tuesday-boxing, pwede pa ng thurs.) sabi sa aking hororscope, maswerte daw ako this year kasi taon ko, year of the rat kasi ako, 1984 (wehehe)
me pasok na naman bukas, in all probability, ma le late ako, kasi monday. ang hirap bumangon. sino ba naman sa atin ang gusto pumasok sa opisina di ba? kung pwede nga lang, kaso ang showbiz career ay di pangmatagalan.
heniwey, since malapit na ang chinese new year, ang daming gimmick ng mall, me lion at dragon dance pa. me wushu presentation din, lalo tuloy ako na inspire na mag aral mag wushu tutal meron pa naman ako free schedule (mon & wed, badminton ako, tuesday-boxing, pwede pa ng thurs.) sabi sa aking hororscope, maswerte daw ako this year kasi taon ko, year of the rat kasi ako, 1984 (wehehe)
me pasok na naman bukas, in all probability, ma le late ako, kasi monday. ang hirap bumangon. sino ba naman sa atin ang gusto pumasok sa opisina di ba? kung pwede nga lang, kaso ang showbiz career ay di pangmatagalan.
Subscribe to:
Posts (Atom)