Sunday, March 23, 2008

isang linggo

...na akong absent. kasi naman sobra init na dito, at sa dinami-dami naman na pwedeng ipamana sa akin ng mga kamag-anak ko, ang sumpa pa ng asthma ang napulot ko. hmp..

eniwey, tapos na ang mahal na araw, malapit na naman ang pasko..gastos ulit.

nung huwebes santo, sa isang simbahan lang kami nag via crusis, dun sa bagong tayong shrine ni st. therese sa villamor air base. hindi ko alam kung saan ako nag daan, basta ang alam ko ilang fly-over ang inikutan ko para marating yun. at me website ang simbahang iyon ha.. stthereseshrine.com

o well, sa sobrang nagandahan ako sa place, nag decide ako na dito na lang itago ang mga labi ko pag ako'y naging abo na. bumili este, naghuhulog pala ako ng "locker" dito. so in the next five years, di pa ako pwede maded, kasi di pa bayad ang aking locker. at least di ko man alam kung ano ang gagawin ko pa sa mundong ito, e alam ko na kung saan ako hahantong.

Saturday, March 15, 2008

semana santa

palm sunday 

medyo matagal na din walang post. kasi naman di pa rin gawa ang lumang laptop ko. sino kaya ang mag s--sponsor ng bagong laptop?

sa totoo lang, di ko alam kung bibili na ako ng bagong huhuluga na naman, kasi bago ko pa man matapos ang paghuhulog, e obsolete na ang laptop na binili ko. 

hindi ko pa alam kung mag bibisita iglesia ako this holy thursday..kasi parang napuntahan ko na lahat ng simbahan dito sa metro manila. kaya lang, sabi ng iba, kung may hinihiling, mas maganda na bumisita ng 14 na simbahan sa hwebes santo. so malamang maglibot ako sa thursday. hanggang wala pang nananalo sa mega lotto, hope por da best!