Tuesday, January 26, 2010

Wai Ying Restarurant








love na love ko talaga itong restaurant na ito along benavidez st. ito ang literal na hole in the wall restaurant.. no pretensyen pero ang sarap ng pagkain at reasonable ang price.. wag ka lang maghahanap ng ambiance...at pagalingan sa parking.. ang trick dito, magpark ka dun sa may simbahan sa troso..along metropolitan hospital tapos lakarin mo na lang.

ang tsismis, ito ay sister restaurant ng Presidents..yung malaking restaurant sa binondo.. which i think is true..ksi me mga sign sila na nakalagay e president's seafood restaurant.. sayang at konti lang ang pictures ko.. kasi naman diet ako. pero marami pa sila fabolous fud.. pero hindi nga lang mga grand orders ha, parang mga rice toppings at meryenda lang ito..saka mga dimsum, mami, siopao, chiken feet, spare ribs...

Monday, January 25, 2010

Romulo


hindi ko kamera ang ginamit dito.. nanghihiram lang ako ng pictures kasi di ko nadala ang aking trusted canon ixus...

eniwey... masarap naman dito at mejo soshal ang place.. filipino food..reasonable din ang price.. ..buti na lang may sponsor kami dat night.(kaya sa susunod, wag ka na mag aabsent ha)..

another place na pwedeng puntahan ng mga nagtatago.. it is located in the deep, deep street of sct. lozcano.. bago ko nga nakita itong restaurant na ito e muntik na ako mag give up kasi feeling ko e papunta na ako into a residential barangay..




drinks nila

hindi daw ito masarap


eto masarap soshal na kool -aid


chicharon-- di ko natikman ito dahil isa na lang nung dumating ako


sabaw- nila..sa sobrang tagal ko daw e naka order sila ng appetizer at soup tuloy
molo soup ata ito



kare-kare.. malambot naman ang karne.. hindi ko lang alam kung bakit ang bagoong nila e kailangang isabaw...





the liquid bagoong





baby pusits..winner itey..




pork in honey and garlic.. winner din




dessert















Sunday, January 24, 2010

Finally

natapos ko na ang aking black and white project...at dahil nga ginabi-gabi ko ang paggawa dito.. eto nakaratay ako sa kama ng low bloodedness.. pagising ko kaninang umaga akala ko me hang-over ako...only to remember na hindi nga pala ako nakipag inuman kagabi..sayang..

eniwey.. yung basic color naman ang titirahin ko over the week.. dapat makatapos ako kasi sa February 6 na ang aming culminating activity...magkakaroon daw kami ng mini- exhibit.. asus..parang professional ang dating...

serious na ako dito sa aking new career mga teh..

Friday, January 22, 2010

Charol

mula pa nung nag ba bak n forth si mudra sa oder side of the world, hindi na ako bumibili ng shoes ko dito.. kasi mas mura duon at mas marami choices..

nung last punta nya duon, ito ang uwi nya sa akin as for my everyday shoes





kintab di ba? e since luma na ito at kadadating lang ni mudra ulit from the oder side of the world, inuwian nya ako ulet ng mga bagong shoes..





at eto pa..


charol pa rin.. akala siguro ni inay, grade one pa rin ako...

oo, alam ko, ingrata ako..

Wednesday, January 20, 2010

Linseed Oil




i swear, hindi na ako bibili ng linseed oil in a "push- down- and- twist- cap- bottle".. kesehodang magkatapon-tapon ang langis sa bag ko. ang hirap - este- napakahirap kasi buksan nito.. achuli, ito ang dahilan kung bakit hanggan ngayun e di ko pa tapos ang mga projects ko.. hindi ko kasi mabuksan ang lintek na bote na ito.. e kailangan ko ng linseed oil para bongga ang aking oil paintings no! at hindi naman pwede gumamit ng baby oil o virgin coconut oil..

Saturday, January 16, 2010

Second Art project


para sa aking ikalawang project..pinapili kami ni teacher ng bonsai plant na aming i do drawing sa canvas.. on site painting na daw.. kaya pinalabas kami sa garden ng school at pinapili ng plant..e bonsai plant lang daw ang pwede piliin.. sabi nya pumili ng halaman na me shade para di kami mahirapan o mainitan pag nag paint na.. e ang shoshonget naman ng mga bonsai na under the shade.. totoo pala ang kasabihan na ang hindi nasisikatan ng araw ay hindi kagandahan..

kaya shempre, nagmagaling na naman ang byuti ko at pinili itong bonggang bonsai under the heat of the sun.. kasi maganda ang porma nito at malalago ang dahon.. pwede ko dayain ang pagkulay dito later...

e kaso, asa ilalim nga ito ng init ng araw..

kaya ang ginawa ko nag baseball cap ako at nag drape ng aking burberry inspired pashmina para ma cover ang aking arms.. sus di pa naman ako nakapag sunblock at nakapag deodorant.. weekend kasi..

kaya kung napadaan ka nung sabado along fine arts at me nakita ka mga taong sumasamba sa bonsai..don't panic.. mga special art class student lang yun

Sunday, January 10, 2010

Bisi-bisihan

sus, 2010 na pala at wala pa ako post..

kasi naman...hindi ko pa rin natatapos ang mga labada ko..magagalit na tiyak si da oder boss...
tapos ang painting ko hindi pa rin tapos. ang black n white version.. last saturday e na in situ na kami meaning ..on site, outside the classroom.. e biglang umulan.. ang project namin e draw the bonsai plant.. ang kaso na inspire ako sa bonsai plant na nuknukan ng hirap i drawing ang mga dahon..so good luck to me again..tinatanung nga ng techer ko kung bakit di ko pa tapos ang blak n white painting ko e ang haba ng bakasyon.. helo.. social butterfly kaya ako..tapos hindi pa ako inspired to do it kasi wala pa ako easel noh.. artist ako.. i cannot be rushed..

hay, mukang give up na ako manuod ang cats ni ate leah.. sobrang mahal ng ticket.. sana magkaron ako ng powerful friends sa CCP para pwede ma gate crash..