Wednesday, September 29, 2010

Kapagod

lately ko lang na realize na tatlo pala ang trabaho ko....

kanina dahil nga wala naman ang blu boss , e ako ang kailangang makipagkita sa isang boy bibo na senador at makipagbalitaktakan tungkol sa VAT. lecturean ba naman ako tungkol sa Vat, tama ba ito.. mabait lang ako talaga at hindi ko talampakang sinabi sa kanya na yung mga assumptions nya ay wrong..hay back to the drawing board ako mga ateh...buti na lang andun yung anak ng kanyang misis na artista at gwaping..but then, since i was there as an expert chorva..kailangan muka ako serious and dignified. kaya wiz ako pa picture sa gwapong dating bf ni angel l. kainis.

hayan, wala tuloy masyado mga posts..kasi naman, im so tired na..

hanggang sa muli...

Monday, September 20, 2010

Dulaang UP's Shock value



Naman, weeks and weeks na pala ang nakakalipas mula nang ako ay huling mag post...

kasi naman.. masyado madami labada.. kaya nung nung sabado, tried my best to go out and watch this play...



kaya lang bwiset na SM city yan at meron pala three day sale kaya nagka late-late ako.. na miss ko tuloy ang sex scene in the beginning at unfortunately, iyon lang ang da onli sex scene.. meron na lang g2g torrid kissing later...

sobrang fun ito mga teh.. with spoofs of all the famous tv characters. di ko alam kung si mike enriquez, korina sanchez o mel tiangco ang pinapanuod ko. magagagaling ang mga aktors and aktresses...pati yung singer ng popoke feys..popopoke feys.. winner! ang daming song and dance including a number na i will survive in thai buddha attire.. temptation island part 2 ata ito.