Wednesday, October 27, 2010

biglaang SL

kanina ay may ka meeting na naman ako courtesy of boss #3... the next thing i know, nag te text na ako sa aking assistant to say na SL ako for the day dahil may dapat akong gawin at isabmit sa kapasigan.. e bukas SL ako ulet kasi me seminar naman ako na pupuntahan sa malayong lugar ng makati..

hay buhay... how long can i keep this up?

Monday, October 25, 2010

working on holiday

piyesta opisyal ngayon..so technically dapat long weekend..kaso parang wala ako weekend.. kasi nung sabado go ako ng Makati to verify something..then syemre para makapunta ka ng makati e buhol-buhol na trapik ang kailangan suogin para makabalik sa lungga ko...kaya, in fairness hindi ko nagawa ang mga pending ko na trabaho..

kahapon naman, linggo. araw ng pangilin..papagalitan ako ng tatay ko kung mag work ako..plus, kailangan ko tapusin ang stage 3 sa aking plants vs. zombies.. bwiset kasi yung pamangkin ko ni-reset ang settings ko..nawala tuloy ang quick play options ko..bwiset!

so kanina ginawa ko na ang aking assignment for my fourth job.. akala ko e matatapos ko yun in 3 hours.. syet 7PM na hindi pa ako tapos... ang hirap pala mag fastbreak ng Appeal...partida di pa ako bumoto nyan.. kaya ang mga nakapila ko work for my 2nd and 3rd job..hayun naka pila pa rin..haywish tumama na ako sa loto..

on another note.. may nabuhay ako ng frend... nag aaya na mag aral kami ng espanyol or mag part time barista sa strabucks...hahaha.. fifth job?

malapit na pala ang december.. kailangan ko na talaga mag enrol sa hiphop class at boxing..malapit na kasi ang aking high school reunion... hay payabangan lang naman iyon...talagang kailangan ko na tumama sa loto

Wednesday, October 13, 2010

Galleon Fail

ay octoberfest na pala, at ito pa lang ang unang entry ko...super bisi-bisihan kasi...dahil ngayon apat na ang trabaho ko.. kaya hala, delinquente lahat..

last weekend nag try ako ma sight ang galleon andalucia.. kaso pagdating ko naman sa pier 13 e pagkadami namang tao!! susmarya.. ayoko ma wowowee second edition..kaya, masama man sa aking kalooban.. iniwan ko na ang lugar.. isang tulak lang from a stampede ang lugar, tapos expose pa ako sa sun.. howelll...sana bumalik ang galleon by next year

so, go na lang to watch eat pray love with the ever love julia roberts... me rason kung bakit hanggang italy lang ang nabasa ko sa librong ito... at me rason din kung bakit ko inindure ang less than three hours of fighting sleep sa loob ng sinehan.. love ko si julia at sayang ang bayad ko..

yes, dahil ke julia e biktima ako ng istorya ng white woman angst.. na hindi marunong magpasalamat sa kanyang natatamasa sa buhay..