Wednesday, April 20, 2011
The Script Live in Manila
Ay ang tagal na pala mula ng aking last post!! and im sorry, this is another concert post.. next post na lang ang Sing lafang adventure..
Lab na lab ko ang The Script.. nakilala ko ang bandang ito nang marinig ko ang unang hit nila na the man who can't be moved.. sobrang sweet kasi naman..kaya nung nalaman ko na mag coconcert sila sa Araneta e umober sa tuwa ang aking small heart..I love you Danny O!
Kaso, parang lahat ng kaibigan ko na ayain para manuod nito e walang nakakilala sa kanila.. so feeling alone ako in my fandom..(or it could be na mga jotans ang mga friends kong ito at di updated sa trends)
So i tot, safe na ipagpabukas na lang ang pagbili ng tickets, anyway wala naman siguro following ang mga boys na ito sa Pilipinas..
Pagbalik ko from Sing, saka ko na realize that i was sooo wrong.......
Pucha, ubos agad ang Lower Box at Upper Box tickets... e ang susunod na ticket e tig 4k plus na.. lab ko ba sila dat much?
eniwey...after ko magising kinabukas, na realize ko na baka isang josh groban experience ito (meaning .. di ko napanuod kahit gustong-gusto ko tapos nag downhill na ang karir) pikit mata akong tumawag sa tiketnet at nagpareserve ng patron..pucha, wala na rin!! meron na lang daw VIP! which is 6K ++.. naman! at of kors may G.A. pa.. pero naman, since natuto ako manuod ng concerts e di ako nag G.A. ever...
so ano ang nangyari?
nadiscover ko na kung bakit big dome ang tawag sa Araneta...eto ang view pag tumingala ka from my position
grabe, ang daming tao.. ang saving grace na lang.. hindi mga pasaway ang kasabayan at katabi ko..
sa loob loob ko habang naghihintay, kung mananatili lang nakaupo ang mga tao sa harapan ko okay na rin (kasi naman, isa lang ang tumayo, im sure, wala na ako makikita)...then, hintay-hintay..hanggang me sumingit na malaking lalaki sa tabi ko.. yung mukang na overdose ng steroids at ym..tapos me dala pang malaking dlsr..hmmm...hindi naman kaya kalabisan na mag squeze sa 2cm space ang isang 8 footer at 350 lbs na mama?okay ka lang dong?
tapos nun, dumilim na ang mga ilaw.. at pumasok na sila!
ay tilian ang mga tao.. at tayuan na silang lahat! syempre, tayo na rin me.. kasi wala ako makikita.. hindi ko na namalayan na me katabi akong wrestler...
Ang saya pala dito! sus isa na namang malaking rockeoke event ito. maryosep, me katabi nga ako, nasa galaxy tab ang lyrics ng kanta ng grupo.. hahaha... at siguro hindi na nailipat sa tablet, nung mga kanta na sa second album ang tinutugtog, naglabas na ng papel at flaslight, dun na naka print ang lyrics! wahahaha!!!
muka naman masaya ang mga boys.. sold out kaya ang concert...Please come back!
Subscribe to:
Posts (Atom)