Wednesday, June 15, 2011
Boracay
after 25 years narating ko rin ang boracay...
sus me, i do not know kung pihikan lang ako..pero aside from the white sand na super powdery, e hindi naman ako na impress...
maliit lang ang isla...ang patag na daan can accomodate only two vehicles.. pag me humintong tricyle, trapik na.
walang development plan at tabi-tabi ang mga hotel/inns at kung anu-ano pa..buti na lang sa station 1 ang hotel namin.. medyo tahimik pa at walang tao mashado...
nung dumating kami dun, walang araw.. as in.. me bagyo ata...
so we were holed up in our hotel room...ang kwarto ko e asa ikatlong bundok.. i swear..hillside daw ang tawag dun. tatlong bundok ang dapat akyatin para makarating dun...
pagkatapos pag enter ko ng room ko e me papaalagaan pa atang mga pato dito..
on second look.. tuwalya pala.. at yan lang ang maganda sa hotel room na iyon.. kung me mabasa kayo review na the bathroom shower leaks or the room is old, etc.. totoo yun. i swear di na ako magtitipid sa accomodation. this is the worst hotel room i've been. amoy molds. really. tapos ang tv e di pa flat screen, malabo ang cable at grainy ang images..malamang naka tap lang sa kapit bahay ang linya. tapos when i asked for the room to be cleaned.. i have to ask twice..lekat! at since umuulan nga, wala kami choice but to eat sa resto nung hotel for our first night.. potah.. an sarap magtaob ng mesa... hindi masarap nag fud!!
then we walked with our hotel towels as raincoats..in search of firedancers...at di naman kami nabigo nung gabing iyon...
mas magaling pa sila kay kokak! i swear, fun experience. kaso, wala masyado party nung gabing yun kasi nga, its raining...kainez...
the next day, we braved the rain.. ker ko na umuulan. gugulong ako sa dagat. sayang naman ang binili ko bathing suit. pucha, nasayang ang sunblock ko na 100SPF! syempre pa, ever present ang mga the boatmen na panay ang alok kng gusto mag island hpping. haller, kasing laki kaya ng 10 story buildings ang alon that time kasi nga me bagyo..kaya wiz water activity talaga...
syempre, go to D Mall to eat, then sa lemon cafe...
then gabi na ulit...malakas pa rin ang ulan.. pero since ayaw na namin paloko sa cooking ng hotel na yun, we braved the rains.. dala ang aming mga basang tuwalya..walk galore to where there are restaurants...kaso karamihan sarado! nyeta....bad trip talaga yung hotel na yun kasi yung ibang turista me papayong nung hotel nila....
me napuntahan kami resto, eat all you can tapos dun sa kabilang mesa me nakalagay na RESERVE FOR BIKINI OPEN .. so inintay namin dumating yung mga nag pareserve..
only to be disappointent.. kasi bikini open pala ng mga butete yun..leche!
when we left the island.. nagpakita na ang araw. wala ako boracay experince really.. no nightlife to speak of. yun pa naman ang habol ko. ni hindi ako umitim at nadisplay ang mga bathing suit na bagong bili..ni hindi ako nalasing.. at yun ay hindi dahil sa deadline ko na dapat i submit by monday. i'm sorry pero di ko iisipin ang trabaho dahil nakabakasyon ako. mag intay kayo...
Subscribe to:
Posts (Atom)