Wednesday, April 25, 2012

Tasty Dumplings, Binondo Manila

At bakit ako nasa Binondo? dahil andun ang doktor ko sa tyan. ewan ko nga ba bakit may fixation ang pamilya ko sa mga doktor na monosylabic ang surname. one night, halos hindi ako nakatulog sa tindi ng aking stomach ache. feeling may ulcer na akesh... so early morning, i decided not to go to work for half day (sayang ang leave) at kumarir ako na pumunta sa Binondo para mag intay sa aking doktora. kasi aalis daw sya in the near future so dapat na nya ako ma sight before sya umakyat sa Nepal.

ewan ko nga ba kung bakit kailangan natin bayaran ang mga doktor na pinaghihintay naman ang pasyente.. ay oo nga pala..kasi pasyente kailangan bigyang buhay ang word, "patience". sus.

so after 1 hour of waiting, dumating na sha.. e syempre pang number 4 pa ako. ewan ko nga ba kung bakit dedspot pa rin ang binondo sa service ng globe. wala 3g!

and then after ko maka level 7 sa street fighter, ako na daw ang titingnan..

the usual question and answer portion..
dok: ano kinain mo?
me: e syempre the usual, wala naman bawal sa akin. 
dok: baka mahilig  kumain ng maasim or maanghang? 
me: wiz di ko keri ang maanghang. 
dok: mahilig sa chocolates? 
me: maanghang ba yun?

sa madaling salita.. bawal kape, softdrinks, tea, at chocolate. kill me now.
tapos nag prescribe ng sandamakmak na gamot. 

e since lunch time na nung matapos ako, duon na lang ako sa binondo naghanap ng makakainan..
buti na lang may branch pala ang tasty dumplings duon!
hay, miss na miss ko na ang porkchop rice...
hindi ko alam kung paano nila napalaki ang porchop na mas malaki pa sa plato. hindi nga magkasya sa picture o.
pero yumminess pa rin sya.




porkchop rice with ginisang coleslaw


Saturday, April 21, 2012

Nomama Ramen House










Somehwere sa vicinity ng Scout Area, may ramen house na itinayo na artisinal daw.  I love ramen. and japanese food..ang catchlang, ito ay pag aari nung chef/cook sa east asia na matatagpuan sa Rustan's Makati. e wiz ko na like ang cooking nya. So..para wag naman judgmental..anoder chance....


Nomama Ramen..




Stuffed Squash Flowers ala tempura ...(winner)



Tofu fritters



edamame



twice cooked pork belly



beef curry



ebi tempura

ang verdict ...hmmmm...majalia jackson. maybe because of the ambiance, bago kasi ang mga gamit nila. but in terms of food taste, ordinary lang din. pareho lang din ng lasa sa ibang filipinized japanese restawrant. how can you go wrong with pork belly eh? luz lang talaga ang beef curry nya. akala ko dinuguan.

Wednesday, April 4, 2012

Looking for butandings


at dahil ako ay friendly, a friend to visit her sa kanyang little kingdom somewhere in Sorsogon.

included sa activity ay ang paghanap sa butanding sa Sorsogon and firefly watching.

natakot nga kami kasi the day before our flight, may na cancel na flight dahil sa lakas ng ulan. buti na lang the sun came out tomorrow at natuloy ang aking flight to the land of pilinuts. sa kinasamaang palad, kasabay namin buong grupo ng mga banda na over... as in over ang feeling sikat status na may i singit sila ng linya sa check in baggage. hello! ilang cymbals, guitara, drums at kung anu ano pa ang dala ng mga hitad na p.a. di vah? more than 1 hour ako sa check in na nakapila!

eniwey, i will not let that ruin my mini vacation..

on time naman ang AirPhil.. pero ang tagal ng eroplano bago mag take off. feeling ko tuloy may iniintay sila na darating na nakakabayo at sisigaw na buksan ang pinto!!

since ang mga butandings ay asa Sorsogon, land travel from legaspi to matnog. Last year e may eyebol na ako sa mga gentle giants but i want to lublob myself again sa sea so gora.(libre naman e) checked in sa AGM resort. Hmm.. ok lang, pero service could be better. facility wise, ito daw ang newer resort sa area. kaso feeling ko kailangan nila ng orientation as to the proper beddings and linens.. kasi ito ang kumot provided nila..




hindi ba dapat e nakasabit ito sa bintana?


since libre ang aming night, we trekked to the oslob river to watch the fireflies.. sus, P250.00 per perso kasi ride ka ng boat to the river to go to the fireflies. when we got there, 2 trees lang ang may fireflies tapos kokonti pa. .. disappointment...

we arranged a buffet dinner so that after ng firefly watching, e lafang galore na kami.
for 350.00 per person, eat all you can kanin, laing, hipon, alimango, fried fish at pinangat (?) ba iyon which is actually, shark daw. tinikman ko, masarap naman. pero wiz ko keri much kasi maanghang!





so early morning, breakfast agad. we were 6 sa group, at wala pang tao sa restaurant pero ang order taker ay nalito na sa order namin na 4 na filipino breakfast at 2 continental breakfast. hindi dumating ang daing nung isa, yung isa naman tinapa ang binigay. yung mga alalay namin kinain ang tira kasi di dumating ang order nila. pambihira!

so off to the sea...

kasama sa adventure ang risk na walang sighting...kaya when you pay for the boat and the registration fee na 100 each, kailangan na magdasal kay neptune na hindi naman masayang ang binayad mo at makakita naman sana ng butandings.

according to our guide, the day before, totally zero sighting. sayang nga daw kasi german tourists pa ang kasama nya. according to him, paunti na ng paunti ang nakikita, kasi na i istress na daw ang mga butandings.

i agree. e tingnan naman ang mga bangka na naghahanap sa kanila. portion lang yan ha.





sabi ni guide, the local government does not have any program to protect the tourism attraction na ito. di daw maisara kasi nga malaking revenue..well sayan naman, kasi, sooner, wala na talaga pupunta sa Sorsogon as there is nothing to see (literally)

since wala pa kami ma sight, they took us somewhere to look at the corals muna.. e wiz naman kagandahan ang corals at mga fishes there. until we got a signal na me butanding na nga.

sus, daig pa ang hide and seek. go around ang boat with the other boats. pabilisan ng pagbaba sa dagat. only to catch a shadow. after 3 attempts, nakakita din kami. pero di na kasing laki ng bus. kasing laki na lang kotse...disappointing....

buti na lang masarap ng pagkain...like the tiwi halo-halo and the sili ice cream. unbelievable..sili naging ice cream.. pati malungay...

malunggay flavored ice cream to the left, sili ice cream to the right. at bottom is the pili ice cream.

pero ang pinaka bet ko na flavor sa lahat ay ang tinutong icream..

according to them, it is made from tutong ng kanin. winner, lasang green tea lang.