Saturday, August 25, 2012

da.u.de tea salon





most expensive dessert place i've been. okay lang to pay more kung masarap, but, as it was, weh.



 tea brulee- super tamis





supposedly nutty-mango shake. nutty lang. and the paper straw doesn't work




i love macarons, but these are pacencia cookies pretending to be macarons. hello, P80- for a pair. Bizu na lang tayo. and no, its not a camera trick, maliit talaga ang "macaron" nila. parang kasing laki lang ng piso


peppermint tea. in some fancy contraption.


for everything, we paid P600+. yes, nakapagpasweldo na kami ng isang minimum wage earner for 8 hours of work sana. 

Thursday, August 23, 2012

Wildflour


At dahil may mini-reunion with a Sto. Nino, kinarir ko ang pag gora sa fort to meet old friends.

Dito sa Wildfour kami napadpad..at dahil hindi kami sanay dito, walk kami ng how many blocks just to get to Net Lima (considering that we parked near Net Square at saka ko na discover na ang Net Series of building is not constructed sequentially, buset)

Strictly by reservation, buti na lang we have our charms and cash to get us seats. (they don't accept credit cards)





sabi sa menu, raost chicken it. pero pan fried naman.




quasi pizza (caramelized onion, bacon and gyuere cheese) winner


libreng appetizer. baguette with salted butter, literally.


vegetable tempura


not in pictures, mojito green tea (non-alcoholic) and green salad.
Food is very good but for the price..hmmm.. mahal ang renta sa BGC i suppose.
Service is a okay considering that they are in soft opening pa.


Wednesday, August 1, 2012

Nolita Pizza Place


Kahit na bumabagyo last friday, adventure ako sa Fort to see my lafang friends sa bagong pizza place na Nolita ang pangalan. Halos magkawala wala ako sa paghanap ng C5 kasi last time na pumunta ako sa fort using EDSA e 3 hours ang driving ko. Tapos pag dating sa fort, e nagkawala wala naman ako kasi ibang iba na ang itsura nya. Buti na lang at may talent ako to follow the wind.


jampack ang resto since friday night iyon. ang theme ng resto is NY pizza place. Per slice ang order. Parang P160 per slice on the average..



cheese burger pizza and mushroom pizza. not in picture is the chicken parmesan



onion rings




potato fries



chicken wings, better than bonchon. may slight anghang kick.


imported beer na matabang, mas masarap pa ang san mig light


hay nako, ordinary lang. para lang sbarro, achuli mas gusto ko pa nga ata ang sbarro. hindi maganda ang kanilang exhaust system, paglabas ko ng establishment nila, amoy ulam na ako. hate na hate ko pa naman yun. pati yung jacket ko amoy ulam. tapos wala pa sila sarili CR, kailangan pa bumaba ng ilang flight of stairs just to go to the restroom.

ay masarap naman yung dessert namin, we ordered cannoli (ordinary taste) and tiramisu (winner!!) kaya walang picture, nalafang agad.

o sige, next!