Thursday, May 30, 2013

Panic time!!

One month vacaytion??? hindi totoo yan. meron kasi ako naloko na mag sponsor ng aking upuan panghimpapawid kaya ako ay tatawid sa karagatan ng pacifico by june 1.  pero, since ako ay pinaglihi kay curacha, kaliwa't kanan ang deadlines ko plus di pa tapos ang show and tell presentayshen ko. add this to the fact that mag eenrol ako this coming sem for my, ahem, master chef course. buti na lang may napaniwala ako na prof na payagan ako mag absent for one month! at humabol na lang pagdating ko. syempre, me kapalit na reaction paper na yun. Salamat na lamang at may kaibigan ako na magtityaga na i enrol ako sa Unibersidad ng Pila. Kailangan ko ba mag apply ng STFAP? palagay ko qualified naman ako kasi wala naman ako source of income and livelihood.


Friday, May 17, 2013

Crystal Jade Restaurant, BGC





Since may isa kaming friend na napromote to AVP status last February, na pressure sya na manlibre ng dinner na three times na napopostone dahil sa kanya.

So one Thursday night, trek ako sa Bonifacio Global City to try Crystal Jade Restaurant. Syempre dahil galing sa rampage ang byuti ko, lost na ako sa inorder nila na appetizer na ang kwento sa akin ay made from duck.




prawns with salted egg




brocoli with crab meat. ang token vegetable for the night


at kahit na may bird flu, sige laban kami ng three way peking duck...

 first way - duck skin with onion and cucumber wrapped in chinese pancake


 second way --minced duck meat to be wrapped in lettuce leaf

refillable lettuce leaves, free of charge

third way - may bayad na. deep fried duck bones with salt and pepper. deadly!


sayang lang at madali kaming natapos, kasi naman its my fault, kailangan ko pa  rumampa naman sa PICC that night!

Salamat kay Sto. Nino...

Saturday, May 4, 2013

Not Boracay

Bago mag Mayo at matapos officially ang summer, sumabit ako sa office outing ng isang kaibigan ko ng may opisina (compared to me na wala).

Ang venue ng outing is somewhere in LAiya, Batangas.







Exclusive only to 75 party goers at a time, with infinity pool and beach front. More than courteous staff, di nga lang pwede magdala ng food pero okay naman ang food selection ng restaurant nila.  Unlimited coffee or tea plus pwede magdala ng chips and softdrinks.

Jumped in the pool ng 2Pm at umahon ako ng 5Pm.

Kinabukasan, 8 am nasa beach na ako at nagpapatangay sa alon then jumped again sa infinity pool from 9am to 11am.

nognog na ko.

Medyo malayo lang ang lugar, mga three hours ang byahe from Q.C. tapos ang dami pang toll fees na dapat bayaran.

Hay nako, bibili na nga lang ako ng bahay na may beachfront para di na ako mag bibiyahe ng malayo at magbabayad ng toll.