Sunday, July 24, 2016

Anong next adventure?

Ewan. wala pa. I thought change is coming. ChangeScamming pala.

hindi pa rin ako nanalo sa lotto, kaya wala pa rin katuparan ang mga pangarap ko.

hay. ang hirap ng walang pedigree. at walang famous peyrents.

gusto ko magpa tubo na lang ng mga kabute. kaso paano naman ako hahanap ng dwendes to act as my caretakers?

Mag gho ghost month pa. lalong walang activity... hay nako.

Saturday, July 23, 2016

LOCAVORE




Dahil may naglibre, kinarir ang pagpunta sa Pasig.

Mahirap mag park ha. I suggest you just Uber to go here.

Masarap naman ang food (libre e)

Kaso, parang di bagay ang aming choices.




Some kinda sago drink. Masarap, refreshing, mahal. Hindi refillable.




Gising-gising na sosyal





Lechon and Oyster Sisig. Napaka dedli.



Crispy dinuguan. Masyadong viscous ang dugo. 


di ba hindi bagay ang aming mga order? parang lahat e me gravy. Buti na lang hindi ako nagbayad.

Friday, June 17, 2016

Sunflowers sa UP

Since nag palit ng academinc calendar ang UP, ang graduation ay tuwing June na.

That means kailangan mabuhay ng mga sunflowers during rainy season.

E since parang summer pa rin naman ang JUne ..keri lang nila ang mabuhay.


 Sunflowers along University Avenue



 Bawal mamitas ng bulaklak








Isang subject na lang, mag eexam na ako. And maybe, sasablay na rin. FINALLY!

Sunday, May 15, 2016

Libreng Entrance sa NAtional Museum

Dapat may raket ako dito sa National Museum e. kaso.. like any government agency, masyado sila territorial. (ayaw sa mga outsiders)

Dahil National Heritage Month and May, libre ang entrance sa National Museum. Since madami bago installation, kinarir ko sya one weekend (in preparation for the New Toho adventure)

Naka install na ang mga bagong restored na Manansala, at nilabas na nila ang mga Luna collections nila. Plus, for the Month, may exhibit ng works ni Ben Cab.





 Manansala


Manansala





 Luna's study for the Battle of Lepanto.



Ben Cab Sabel Series

Saturday, May 14, 2016

New Toho Food Center

Matagal tagal nang project ang pag adventure sa Binondo para sa New Toho Food Center.



Andito kasi ang masarap na shrimp rellenado at asado.  Kaya isang Staurday matapos ang high culturari project sa National Museum, e gorabels na sa New Toho Center. Buti na lang at walang trapik (dulot kaya ng Du30 win?) eniweys...


Yang chow fried rice, asado, camaron, pancit canton. Not in the picture is the kikiam. 







Yup, worth the wait.  Total bill is Php846. Sayang walang camaron rellenado at that time, pero pwede naman i project next time ulit.

May New Toho Antigua sa SM Bicutan, but it is not the same. Mas masarap pa rin ang original.

Next time, I should try the kangkong with lechon.