at dahil nga may bugaw ako sa teatro, nung biyernes e hada na naman ako sa CCP. pinagplanuhan namin patusin ang theater recital ng mga mag aaral na ga gradweyt sa Philippine High School for the Arts sa Makilig
syempre pa, pahirapan ito papunta dahil asa bulubundikin ako ng ortigas at ang CCP e asa kabilang bahagi ng metro manila..from the bundoks to the manila bay ang drama ko..
nag paalam na ako sa bosing ko na aalis ako ng maaga, pero syempre na overrule iyon ng me dumapong ligaw na utos sa akin nung bandang 6PM na..umasa pa ba ako umabot sa call time na 730PM? e 639 na ako nag out sa office
ayun, SM Mega pa lang wiz na ako makaandar kaya minabuti ko na mag ortigas na lang at baybayin ang araneta avenue tuloy-tuloy sa tulay papuntang quirino avenue..
ayun, kanto ng ortigas at p. guevarra trapik na...naubos na ata ang aking good karma points ng saklaan, iniisip ko nga bumili ng sampaguita from an unano vendor para makapagkawangga at baka bigyaan ako ng maluwag at trafik free na lugar ng kalangitan..pero, nakakaawa naman kasi talaga yung unano vendor ng sampaguita kasi di niya maiabot dun sa buyer nya yung paninda nya.. e gago naman kasi yung driver ng Pajero, dapat binuksan na lang nya yung pinto..pilitin ba yung unano na ipaabot sa bintana nya yung binili nya sampaguita? wala naman estribo..kaya binalibag nung unano vendor yung sampaguita sa loob ng sasakyan.
at syempre pa nakaranas na naman ako ng trapik sa may sta. mesa, sa lugar ng mga motel..ang dami nga nagkakawayan sa akin..helo..nag iisa kaya ako sa kotse nuh..anu yun me service provider na rin sila?
ndi ko alam kung paano ko narating kaagad ang CCP, basta parang wala ako naramdamang lubak..
awa naman ng Dyos, hindi pa masyado ako na late, act 1 pa rin naman ang drama..kaya lang since nag start na nga..sa balcony na ako napaupo..si shiela e nauna nang pumasok at nakaupo sa orchestra..
ok lang naman ako sa upong dyip na naman, at least katabi ko si tuxqs (first name basis?) kasi sya yung director..
ay na move ako sa dulang ito..ang kwentong bata e halaw sa play na "A Children's Hour" ni Lillian Hellman..ang gagaling ng mga bata (mga high skul pa lang sila, ilan lang ang graduating) mabuti naman at di nasayang ang pagpapaaral ko sa kanila (bakett, taxpayer ako at public school ang PHSA) nakakatakot ang dula, in fairness..dahil lang sa tsismis..(na hindi naman pala talaga tsismis) nagulo ang buhay ng lahat, me na call off na wedding, me na destroy ang career with matching suicide in the end!! hay, everything was there...ang layo ng performance ng mga taga public school na ito from those performers from the gated school of loyola..magaling sila mag emote at mag project...in fairness, muntik na ako maiyak ..pagtumamaw ako sa 400M lotto, magpapagawa ako ng teatro!
at since mga 10Pm e tapos na ang dula..tumambay muna kami sa lobby habang iniintay ang isa pang kasama na nanunuod naman ng zsazsa zaturnah..e naubusan na kami ng kwento kaya pumasok na rin kami kahit na second act na ito..si vince de jesus ang play ng role ng ada that night (syempre nga dahil asa kabilang stage si tuxq) mas malandi ang portrayal nya..at somehow, hindi ko buy..gwapo rin ang dodong na si arnold reyes....ang maganda lang sa zsazsa (dahil pang 2.5 times ko na napanuod ito) lagi me bago na nadadagdag that doesn't fail to surprise me...
kaya, bukas..go na naman ako to watch its farewell performance..ata
No comments:
Post a Comment