Friday, May 29, 2009

Ang haircut

titigilan ko na talaga ang mag experimento sa pagpapagupit ng buhok..

nung minsan tinry ko na sa ibang parlor, ang end result e muka akong miyembro nung beatles na me apple cut...

kanina, dahil sobrang traffik, di muna ako umuwi at nag experimentong i try ang parlor sa tabi ng beto-beto office..

ayan ang resulta, either kamuka ko si dao ming tsu ng f4 o si katrina halili habang iniinterbyu sa senate floor kahapon..

leche..babalik na lang ako ke pinky da barber..

Wednesday, May 27, 2009

isang text

Kahapon, habang nag iintay ako sa isang public servant sa SEC, may nag text sa akin..
"muni, pautangin mo naman ako ng pampuhunan, gusto ka kasi magtinda" from 0917 x x x x x ..

chorvah ko dito..e ni hindi ko kilala ang number nya..

saan kaya nya nakuha ang celphone ko? baka naman me mga nagsusulat na sa likod ng upuan ng bus ng "need puhunan? contact muni at celphone number 0917 x x x "

e kung gagawin naman ako famous, sana kahit sa CR na lang isulat ang number ko..pero syempre dapat me service fee..

Tuesday, May 26, 2009

Much has been said

..about the infamaous video..

e sa totoo lang..wala naman bago dun..ano ba, e ni hindi naman educational ang mga videos..ano ba ang bago mo mapupulot dun? me matutunan ka ba? if ever, matututo ka na wag mag record at baka mapunta sa ibang mga kamay..

kung di naman nag privelege speech sa senado ang kuya panday e walang isyu..

sino ba naman ang papansin sa mga videos na almost two years old na?

hayy..hanubayun..

Monday, May 25, 2009

The Spa

the real SPA... kasi nga di ko na nabibigyan ng gift for mader's day si inay kaya nagpa spa kami nung Sunday sa the Spa..yung truling spa.. dapat dun sa Greenbelt kaso fully booked so dun kami sa Podium branch napulot..

aba okay naman.. kasi nga e mader's day gift, yung javanese royal scrub ang package na kinuha namen..

kaso, si inay na sanay sa tabi -tabi lang na masahehan e walang alam sa spa etiquette..aba tawagan ba naman ang maid sa bahay at buong tapang na pag utusan ng "o mamya yung apritadang bboy iinit mo nalang para me pagkain kayo dyan..tapos yung sinigang na bangus ilabs mo din para me ulam ang lola mo.." kinuha ko nga ang celphone at in-off! kainez, nabisto tuloy sya nung receptionist na pretenders..


aba naman..libreng shower with sauna na ito.. tapos while waiting for the preparation ng aming room e me libreng ginger tea pa ang drama..
at habang naghihintay e malambot pa ang mga unan..apparently, di pa natatapos magtanggal ng petals sa talulot na syang isasaboy sa aming bathtub ng staff kaya kami nag iintay..

so ang siste e me whole body massage muna...tapos..mega scrub naman (kasi kailangan ko na matanggal ang aking mga dead skin cells from too much sun burn)

ang scrub na ginamit e yung lulur scrub..achuli clay iyun na parang corn flakes na ginadgad..after nila ipahidpahid iyun ol over my bodi..nag saboy-saboy naman ng milk..o..di ba..at least low fat milk ang pinaligo sa akin, di masyado makalori...

tapos nun, shower and then bath sa jacuzzi..with ginger tea ulet..

pagkatapos ng shower e meron pa rin extra service na pagpapahid ng lotion all over the body..o di ba..e sa bahay ni hindi ako nag lolotion...

buti na lang gerlah ang masahista..kasi totally neked ang drama dito..as in..kasi naman ultimo ka singit -singitan e kanilang iniiscrub..

Sunday, May 17, 2009

Dating Wah Yuen

Love namin kumain ng chinese...fud...

isa sa mga paborito naming chinese restaurant e yung wah yuen located sa escolta..(me branch din ito sa banawe)

kaso, na shocked na kami na bago na pala ang pangalan ..e di ko na natandaan kung ano kasi ito pa rin ang original wah yuen for me..

in fairness, mas maganda at mukang malinis ngayun ang lugar.

for starters, syempre order ng asorted dimsum delights

chicekn feet


hakaw


siomai


beancurd skin



sharfin (wag ako husgahan, di ako umorder nito)


at ang main course

da best sweet n sour pork


oyster in x.o. sauce

walang kupas na yang chow rice

polonchay in garlic (para healthy)

at for dessert


special asado siopao!





Saturday, May 16, 2009

Malas na tuesday

Last Tuesday, habang ako ay bumabaybay sa julia vargas avenue, ay me nangyari na di kaaya-aya..



kasi stop na kaya ang oto ko e nakahinto at nag iintay na umabante..hanggang sa naramdaman ko na lang na me nag crash sa likuran ng oto ko..
kukinang ina, me bumangga sa akin!!!!!

eto ang pruweba..
o hindi ba? hindi ba obvious na obvious na si car no. 2 ang me kasalanan?
at ang driver e ayaw pa bumaba ng kotse na para tingnan ang ginawa nya!!
wala naman daw sira ang bumper ng oto ko..helooooo, wala ba sira??? e kaya pala sya nakakabangga e..bulag!

nag-aaway ata sila mag-asawa (?) kaya aligaga ang boylet na nagmamaneho..

ang nakipag ayos at humingi ng pasensya e yung gerlahh..

at tanong nyo kng bakit me (?) after the word mag asawa? ganito kasi ang observation ko..
una..mas matada ang boylet sa gerla..
pangalawa..di binigay ni boylet ang nameshung nya kahit na sya ang nakabangga sa akin..ang gerla ang givsing ng nameshung
pangatlo..give ni gerla ang telephone number sa office at celphone, syempre wiz ako papayag na yun lang ang number sa akin, give nya dapat ang landline ng bahay..kaya forced sya mag give ng landline with a caveat na huwag ko daw tatawagan unless emergency kasi bahay daw ng nanay nya yun..o sige nga do the math..

Friday, May 15, 2009

Weekend!

Kalokah ang linggong ito...

buti na lang at Saberdey na bukas..but then me kailangan ako attendan na seminar..
pupuntahan namin ni brother dog yung tilapia farming seminar under the baton of the famous gerry geronimo of ating alamin productions..

kasi, meron kaming bakanteng lote ..iniisip ko na patayuan ng apartment kaso wala naman tumatanggap na bangko na ang collateral e lupa sa malabon.. ang pag-ibig naman ang dami pa requirements bago ka makautang..e doubtfuly din naman na ma mag re-rent to own dun sa pinaplano ko na apartment..

kaya lalagyan ko na lang ng aqua farm..i will try to raise tilapia in tanks..tapos pag summer, tatanggalin ko yung laman na tilapia at papaupahan ang mga tanke bilang swimming pool..di ba diversify the busines ehehehe...

anu ba ang adventure ko sa beto-beto factory?? naku, me niluluto na naman sila dun..mukang bubuhayin ang aming showbiz arm, last thursday, andun si ronnie henares..sabi ko lang i'm not ready yet..so wait and see again..
at nag resign yung HR supervisor namin..masyadao kasing sensitive ang mga tao..ewan ko ba..napansin ko lang, it takes a lot of maturity talaga to work for a boss na iba ang kulture..naks, mature na ako?? hinde muka lang pera...

Wednesday, May 13, 2009

Pagudpud

Last weekend, nag venture ako sa northern part of the philippines..dat is pagudpud..

so bago nakarating dun, nag ikot muna kami sa fort ilocandia (kasi dapat dun kami sa playa beach resort e magaling yung driver namin kaya for two hours e umikot-ikot kami sa ilocos..nung napansin ko na papuntang nueva vizcaya na ang kalsada e nakumbinse ko sya na tumawag sa resort para magtanung kung asa tama kaming lugar..awa ng jios..malayong-malayo na kami)..kaya ayun sa fort ilocandia kami napadpad..na puno na rin ng koreano..hay buhay...

tapos nun syempre..ikot -ikot..hanggang mapunta sa Paoay Church..ganda sa picture pero ngets ang loob..



kinabukasan, off we go to pagudpud..pero syempre stop over kami sa lighthouse of cape bojeador and bangui windmills..

then tuloy -tuloy na sa dulo ng pagudpud..

e kaso nakita namin na me sign going to kaibigan falls..so stop over agen..just to walk 1.2 km (one way) going to the falls..kaya dito palang sunburned na ako


eto ang daan



at eto pa

buti na lang di ko nakasalubong ang mga anak ni zuma

at eto ang falls



sus, grabe ang biyahe dito..ang tugtug na nga sa radyo nung marating namin ang resort e tunog chinese..tongkwayla na


dito kami nag stay..kapuluan resort




maganda ang lugar..tahimik..kasi asa dulo na ang resort..wala nga sya beach front..


eto ang bed..kaso suffocated ako nung gabi kaya tinggal ko ang kulambo..



at eto ang banyo

me sariling garden sa loob!!


mabuti na lang at marunong mag transform ang oto ko..from highway to rough road to mountain climbing to the beach..kayang-kaya...

Sunday, May 10, 2009

Yoga try-out

since december e hindi na ako nakakapag yoga..una, nalipat nga ako sa bundok ng ortigas..tapos lumayas pa ang aking yoga master...

kaya on the look-out ako sa ibang pwede tambayan..

nadiskubre ko na me yoga center sa tabi ng beto-beto haus..kaya nung biyernes e na ki join ako sa kanilang free one time try out..

muka naman ok ang lugar..madami salamin...

at me kasabay ako na mga ex-pat..

e nak ng pusa naman, yung asa harap ko na puti mukang di naliligo..ang oily ng hair tapos wala pa sarili yoga mat..saka me amoy talaga..amoy carefree na di pinapalitan..

yung asa kanan side ko naman, koreana ata..e hapon na, achuli..gabi na nga..parang expired na ang kanyang deodorant..

tapos sa yoga e kailangan ang breathing method e yung inhale deeply, exale slowly...kaya imaginin nyo na alng kung ano ang nalalanghap ko nung mga panahon na iyon..


tapos, yung yoga instructor namin, parang drill sargeant...ndi ngumingiti...pinag invert nga ako agad e yung tipong stand on your head..syet buli na lang at medyo limber pa ako ng konti (hay .. i miss my yoga master..)

pinag iisipan ko pa kung mag si sign up ako dito...siguro kung iibahin na nila ang seating arrangement baka sakali.

Saturday, May 9, 2009

Tapos na ang summer...?...

Last Thursday, alas onse na ng gabi ako nakauwi..and to think na umalis ako sa opis ng 7PM (kasi nga coding ako pag thursday).. e nung araw na iyon nag wreak havoc in metro manila ang bagyong emong..di sya nasiyahan na sa ilocos region lang maminsala...

eniwey..since si rudolp lang ang dala ko, alternate route lang ang pwede ko daanan at iwas baha...
e lahat ata ng tao alam na ang alternate route kaya sobra naman ang trapik...

pag dating sa 5th avenue sa may caloocan sa tabi ng riles, hanlaki ng tubig!!! kalahati ng gulong ng six-by-six truck ang lubog..

kaya ang siste..parada ako sa edge ng river habang hinihintay na magsubside ito..
marami naman kami sa pampang kaya okay lang while watching the rampaging trucks go by..
me isang city na matapang na tumawid..i'm sure kulang ang 5t sa pagpapagawa ng oto nya later on..

ang masama lang sa mga ganung sitwasyon e ang presence ng mga miron na namimilit na tawirin ang baha para kumita sila sa pagtulak sa oto if ever na na gumive-up ito in the middle of the stream. kung me baril lang ako nung gabing yun, malamang headline na sya kinabukasan.