so bago nakarating dun, nag ikot muna kami sa fort ilocandia (kasi dapat dun kami sa playa beach resort e magaling yung driver namin kaya for two hours e umikot-ikot kami sa ilocos..nung napansin ko na papuntang nueva vizcaya na ang kalsada e nakumbinse ko sya na tumawag sa resort para magtanung kung asa tama kaming lugar..awa ng jios..malayong-malayo na kami)..kaya ayun sa fort ilocandia kami napadpad..na puno na rin ng koreano..hay buhay...
tapos nun syempre..ikot -ikot..hanggang mapunta sa Paoay Church..ganda sa picture pero ngets ang loob..
kinabukasan, off we go to pagudpud..pero syempre stop over kami sa lighthouse of cape bojeador and bangui windmills..
e kaso nakita namin na me sign going to kaibigan falls..so stop over agen..just to walk 1.2 km (one way) going to the falls..kaya dito palang sunburned na ako
eto ang daan
at eto pa
at eto ang falls
sus, grabe ang biyahe dito..ang tugtug na nga sa radyo nung marating namin ang resort e tunog chinese..tongkwayla na
dito kami nag stay..kapuluan resort
maganda ang lugar..tahimik..kasi asa dulo na ang resort..wala nga sya beach front..
eto ang bed..kaso suffocated ako nung gabi kaya tinggal ko ang kulambo..
at eto ang banyo
mabuti na lang at marunong mag transform ang oto ko..from highway to rough road to mountain climbing to the beach..kayang-kaya...
No comments:
Post a Comment