Thursday, December 17, 2009

Lusso, Greenbelt Makati

Matagal ko na gusto kumain dito kaso nga hectic ang skejul ko...

tapos nalipat pa ako sa bundoocs ng ortigas kaya career ang pagpunta ng Makati City..

after ko manuod ng sweeny todd..ginutom ako.. (ang haba kasi ng play..)

kaya minabuti ko na hanapin ang Lusso..

sus ka hirap naman makita nito kasi since maliit ang kugar, wala pa sya sign sa harap..

asa tabi na pala ng balenciagga na store..

eto ang pictures..

for starters..


ang US angus burger with foie gras



lobster and shrimp sandwich


ang verdict..
hindi naman kasaraan ang lobster sandwish kasi hindi ko man lang nalasahan ang lobster. dapat shrimp sandwich na lang ang title with special guest star na lobster ball.. hindi rin fabulous ang mayonaise eklay nya.. hindi nagblend sa celery..

okay lang ang burger, infairness, maayos ang pagkakaluto kasi nasunod nila ang medium well na instruction ko

at something is wrong with the bread dun sa prosciutto, i'm sure hindi kasi nila iyon i tinoast na mabuti dahil sa.....

MATAPOBRE SILA...

bakit?

ganito kasi..

mga 6:00 PM ako dumating sa restaurant na iyon..
wala pa kumakain except me 2 white girl na kumakain sa loob..
pero napansin ko naman na me mga card ang table na nasakasaad na iyon e reserved..

pero since nabuo na nga ang isip ko na dito ako kakain..try pa rin na magchance passenger sa loob..
ang sabi ng waiter, wala daw space na sa loob (kahit na 2 tao lang ang kumakain duon ha) at mga nakareserve na daw.. so kung okay lang daw sa akin na sa labas (open air) e since malamig naman ang panahon at wala pa naman naninigarilyo..fine..

PERO feeling ko nirefuse entry nila ako kasi muka akong maglulupa at naka tshirt lang ako na donald duck..bakit ko nasabi ito?? kasi after a few minutes e me pinasok sila na mesa at nag set-up ng table for two sa loob! so hindi totoo na wala ng space sa loob di ba?

at natapos at natapos ako kumain na wala naman dumating at na occupy dun sa mga reserved tables (kuno) nila.. a meron pala, na occupy un isang table for four..

kaya, kung di kayo naka dress at me bitbit na bitton bag wag na kayo mag attemp kumain dito sa pretensious fine dining place na ito..they judge the book...e ni hindi nga plantsado ang damit ng mga waiters nila..

1 comment:

Anonymous said...

Achuli, I agree with you. Mga mataPOBRE nga ang mga tao sa LUSSO. Bihis pa nga kami nuong ni-refuse kami at fully booked daw sila. Hala, BIG MISTAKE! HUGE!