last saturday ay mag aanak ako dapat sa kumpil.. ang venue, st. james parish ayala, alabang ...
e me pupuntahan din kami patay ni bossing sa paranaque.. so ang drama ko dapat saglit lang sa st. james tapos go na sa paranaque..
ang nangyari..pagpasok ko sa ayala alabang, hindi ko makita ang simbahan.. nyeta, naubos ang gas ko kakaikot sa loob ng village na yun.. dalawang iskuwelahan na ang naikutan ko at isang country club at football field e di ko pa rin na site ang venue! at ang hirap pa wala man lang taong pwedeng mapagtanungan dun!!
grabe, sobrang layo nga ata nung pinuntahan ko kasi nung me matiyempuhan ako na pwedeng pagtanungan ng direksyon e ibang lenguahe na ang sagot sa akin..hindi kami tuloy nagkaintindihan..
dun lang ako nakakita ng speedboat ang naka garahe sa parking lot.. e wala naman body of water na malapit.. in preparation kaya iyon for another ondoy?
dahil sa aking adventure nuong sabado, isinumpa ko na di ako bibili ng bahay dun.. aba walang sense of community and neighborly love.. walang mga tambay na pwedeng pagtanungan at pwedeng pagtulakin ng kotse pag tumirik ang oto mo.. wala ding tricycle na pwedeng bayaran para maging guide.. tapos ang security guard e asa malayong gate na ka position..mahal pa ang toll at skyway.. pati na gas..
No comments:
Post a Comment