Friday, April 30, 2010

Los Angeles, California

One week mula ng dumating ako ng Seatle, go around na ako sa entire universe of the US to visit friends and create my own adventure...


ang first stop is Van Nuys, California..nagpakupkop ako sa aking friend for ten days...buti na lang at di sila nagsawa sa akin...


eto ang aking first tourist stop.. ang cathedral kung san kinasal si Lea Salonga..


cathedral of our lady of the angels



syempre, three wishes ito agad...

then the usual tourist spots..Staples Center, Hollywood Blvd.,


Mann's Chinese Theater


Farmers Market


the grove



Nokia Plaza, andun din ang restaurant ni Wolfgang Puck



Universal Studios


ang kotse sa fast and the furious


ang kotse sa little rascals


ang set ng Kingkong



wisteria lane ng desperate housewives





Santa Monica Beach, sayang di ko dala ang aking two piece kaya ayun walking along the beach ako ng naka maong..so out of fasshon!

ang tunay na adventure ay nang pumunta kami sa Getty Center.. syempre commuting galore ito with matching print out ng what bus to take and where to get off...

habang naglalakad kami papuntang bus stop me nakasabay kami old white lady.. tapos nung andun na kami sa crossing, may i push sya ng button ng "for pedestrian"..at humarap sa akin at sinabing, "you have to press it if you want to cross the street" , e na press ko na nga e, di lang nya nakita dahil ang bagal nya ako abutan..at syempre dahil friendly sila sa mga asians, tinanung nya kung saan ako galing.. e di sabi ko from the beautiful island of the Philippines! Tapos sabi nya , you know why I know you're from Manila, it's because you can speak English not like the others (meaning mga mexicano)" achuli mabait naman si mudra, panay nga ang god bless nya sa amin nung nalaman nya na mag aadventure kami sa Getty Center via Bus 237. bahket kaya??

at eto na ang dahilan... kasi naman, although me bus number na pwede sakyan, at me bus stop number din.. alin bus stop naman ang tatayuan ? kasi me bus stop na pareho number at pareho ng bus na dumadaan, pero nagkaiba lang kasi meron southwest direction at northwest direction.. me east at west pa..pootah..

after so many crossings and may i ask the people in the neighborhood, narating naman namin ang Getty center at the top of the mountain..

Ang ganda at ang laki ng museum pero hindi ganun ka extensive ang kanilang collection ng impresionists but then me painting si Van Gogh dito


irises


at saka si Degas




sculpture sa labas


ang ganda ng garden!!





sa sobrang libang, nakalimutan na namin mag lunch..e kasi wala rin namang restaurant, dahil nagpunta ako dun ng ordinary day, pa weekend lang ata open ng restaurant nila..kaya nag tiyaga ako dito...

mahal kumain dun ha 16USD lahat ito e di naman masarap..yung sandwich wrap is portabello mushroom with roasted bell pepper chorvah. di masarap..

kaya on the way back, stop over muna kami sa isang mall at nag partake nito


pinay ang order taker kaso parang ang sungit nya, di sya tulad ng ibang noypi na xcited pag me nakikitang kababayan.. siguro TNT yun

hindi na naituloy ang aking plano na mag roam around downtown LA kasi naubos ang oras sa Getty, at saka dumidilim na rin hindi pa ako nakabili ng compass.. baka mawala kami..eniwey, nalibre na naman ako ng ibang friends ko sa downtown at nakakain na ako ng pink berry yoghurt

Monday, April 26, 2010

Seeeatle, Washington

dumating ako dito nung March 13.. kaaliw, umalis ako ng march 13 sa pilipinas pero dumating ako ng america ng march 13 pa rin in time for the pakyaw fight..akala ko pa naman e full force ang aming mga kamag-anak na sumalubon samin, yun pala makikinuod lang sa pay per view ng tiyuhin ko kung saan kami tutuloy..

contrary to popular belief, hindi naman madalas umulan ung mga panahon na andito ako... pabugso-bugso lang...

masyado laid back ang atmosphere dito.. parang gusto ko matulog lang ng matulog...

hindi ko alam kung bakit tourist attraction ang palengke nila.. in fairness, hindi amoy malansa at festive an atmosphere kasi na an daming turista..




nang abutan ako ng gutom, dito ako kumain


at eto order ko.. chicken gyro


andito rin sa pike market ang unang store ng starbucks

pero walang upuan sa loob.. tapos amoy luma pa ang store..


may office din ang Google dito sa Seattle.. actually sa Kirkland na ata yun..


try ako mag apply kaso wala daw opening.. mukang aliw magtrabaho talaga kasi me mga tambayan at gym sa loob ng building..

me museum of flight na sponsored ng boeing..



me picture ako sa loob nyang blackbird..asa fezbuk..


eto lang ang city na makakakita ka ng highway at tubig in the same plane.. floating bridge daw kasi ito


eto ang space needle from a distance


pag asa taas ka, eto ang view..


nagro-rotate daw yung spaceship na yun kaso nung andun naman ako sa taas, di ko naman naramdaman na umiikot..ni hindi ako nahilo..mahal pa ang entrance.. 17USD

cherry blossom sa University of Washington


sandamakmak ang naubos kong film ka po pose dito

tapos eat kami sa salmon house ng ivars by the lake...lake washington ata yun..

eto ang mga nakisalo sa amin





galit pa pag di nabigyan..

nag boat tour kami aroung lake union and lake washington..


pinakita sa amin ang bahay ni bill gates

basta somewhere behind the bushes yun


mga boat houses, sosyal version ng badjao natin

eto daw is a separate nation na.. nagdeclare ng independence from the US.. ang may ari daw nito ay may sariling currency, ewan kung paano sya nag go grocery..

maraming houses by the lake na millionaire's row kung tawagin nila



ang boathouse sa sleepless in seattle

One Sunday Afternoon

kahapon nagsimba ako..


ang tema ng sermon...the good shepherd .. so ang drama ng pari, pinagsalita nya yung isang brother na nag-aaral pa lang na mag pari..ayon ke brother, ipagdasal daw sila kasi paunti ng paunti ang pumapasok sa seminaryo para maging pastol..

ang sagot naman ng katabi kong matrona, "ang gwapo namang brother nito"..

i think, marami lang tukso sa paligid kaya konti na lang ang nagpapari.. saka e di tumanggap sila ng mga babae sa kaparian.. i'm sure di sila mawawalan ng supply

Tuesday, April 20, 2010

I'm back in the Philippines

pero pagod pa ako mag download ng pictures.. dumating ako ng madaling araw ng lunes, pasok na agad sa office at 9:30 AM dahil kailangan na ako pumasok at iyon ang aking pangako ke boss..
me deadline kasi na dapat magawa at maisubmit...

e since ayoko naman magkwento ng walang visual aids, abangan na lang ang next chapter nitong kwento..

as of now e asa pang 400 picture pa lang ako.. 1, 200 to go pa..

..as a result of my more than one month vacation.. ang joba-joba ko na.. as in.. kasi naman, ang dami friendship na kailangan i -meet.. e san ba nagkikita ang mga friends na pinoy? shempre sa restaurant...

umitim pa ako as a result of my rampa sa washington dc..bakit kasi walang trisikel dun? at bakit itinayo ng layo-layo ang mga buildings/monuments?

Tuesday, April 13, 2010

I'm back in cold Seattle..and it's raining here...

back to seattle na ang beauty ko after going around Washington DC at New York...

ang daming adventure...at syempre pa pictures...

since wala naman ako computer at nakikidutdot lang ako dito... intayin na lang ang kwento sa susunod na mga panahon...

sa sabado fly back na to manila..arrive ako ng sunday ng gabi at papasok na ng monday morning dahil papatayin ako ng boss ko pag di ko ni review ang financial report namin for submission the next day.. ngayon ko lang na tanto.. 5 weeks pala ang bakasyon ko.. kaya pala wala ng laman ang wallet ko...hahahah...kayod ulit...

Sunday, April 4, 2010

I miss da Pilipins na...

ngayon ko napatunayan talaga ever na hindi ko kaya mangibang bayan...

i tot pag asa sunny california na ako ay di ko na ma mi miss ang pinas, but then, i am mistaken...

umuulan dito sa vallejo.. pati sa san francisco.. in two days fly na ako to washington d.c. to get my photo op with obama..then straight to new york at back to seattle.. hay hectic.. at laundry day na naman bukas...

madaming kwento.. pero since nanghihiram lang ako ng computer, pagbalik ko na lang sa pilipinas....

i miss u ol...