Friday, April 30, 2010

Los Angeles, California

One week mula ng dumating ako ng Seatle, go around na ako sa entire universe of the US to visit friends and create my own adventure...


ang first stop is Van Nuys, California..nagpakupkop ako sa aking friend for ten days...buti na lang at di sila nagsawa sa akin...


eto ang aking first tourist stop.. ang cathedral kung san kinasal si Lea Salonga..


cathedral of our lady of the angels



syempre, three wishes ito agad...

then the usual tourist spots..Staples Center, Hollywood Blvd.,


Mann's Chinese Theater


Farmers Market


the grove



Nokia Plaza, andun din ang restaurant ni Wolfgang Puck



Universal Studios


ang kotse sa fast and the furious


ang kotse sa little rascals


ang set ng Kingkong



wisteria lane ng desperate housewives





Santa Monica Beach, sayang di ko dala ang aking two piece kaya ayun walking along the beach ako ng naka maong..so out of fasshon!

ang tunay na adventure ay nang pumunta kami sa Getty Center.. syempre commuting galore ito with matching print out ng what bus to take and where to get off...

habang naglalakad kami papuntang bus stop me nakasabay kami old white lady.. tapos nung andun na kami sa crossing, may i push sya ng button ng "for pedestrian"..at humarap sa akin at sinabing, "you have to press it if you want to cross the street" , e na press ko na nga e, di lang nya nakita dahil ang bagal nya ako abutan..at syempre dahil friendly sila sa mga asians, tinanung nya kung saan ako galing.. e di sabi ko from the beautiful island of the Philippines! Tapos sabi nya , you know why I know you're from Manila, it's because you can speak English not like the others (meaning mga mexicano)" achuli mabait naman si mudra, panay nga ang god bless nya sa amin nung nalaman nya na mag aadventure kami sa Getty Center via Bus 237. bahket kaya??

at eto na ang dahilan... kasi naman, although me bus number na pwede sakyan, at me bus stop number din.. alin bus stop naman ang tatayuan ? kasi me bus stop na pareho number at pareho ng bus na dumadaan, pero nagkaiba lang kasi meron southwest direction at northwest direction.. me east at west pa..pootah..

after so many crossings and may i ask the people in the neighborhood, narating naman namin ang Getty center at the top of the mountain..

Ang ganda at ang laki ng museum pero hindi ganun ka extensive ang kanilang collection ng impresionists but then me painting si Van Gogh dito


irises


at saka si Degas




sculpture sa labas


ang ganda ng garden!!





sa sobrang libang, nakalimutan na namin mag lunch..e kasi wala rin namang restaurant, dahil nagpunta ako dun ng ordinary day, pa weekend lang ata open ng restaurant nila..kaya nag tiyaga ako dito...

mahal kumain dun ha 16USD lahat ito e di naman masarap..yung sandwich wrap is portabello mushroom with roasted bell pepper chorvah. di masarap..

kaya on the way back, stop over muna kami sa isang mall at nag partake nito


pinay ang order taker kaso parang ang sungit nya, di sya tulad ng ibang noypi na xcited pag me nakikitang kababayan.. siguro TNT yun

hindi na naituloy ang aking plano na mag roam around downtown LA kasi naubos ang oras sa Getty, at saka dumidilim na rin hindi pa ako nakabili ng compass.. baka mawala kami..eniwey, nalibre na naman ako ng ibang friends ko sa downtown at nakakain na ako ng pink berry yoghurt

No comments: