Wednesday, May 26, 2010

on with the adventure to the east coast..

at syempre pa, dahil na nuknukan ng mahal ng airplane fare nung time na andun ako sa tate dahil nag srping break, look ako for ways to save on fares.. e wala naman piso fare dun..kaya i need to wait for two weeks para makakuha ng mura-murang tiket to the east coast.. buti na lang at ang husbandry ng aming friendship ay nag offer na kupkupin kami sa kanyang tinutuluyan sa Virginia which is only one train ride away from Washington D.C..

so habang asa LA kami ay may I hiram da computer and internet axess.. pati na rin printer to print my tickets ... nadiscover ko ang jet blue airlines, unlimited snacks and colas plus pwede mo na piliin ang upuan mo via internet .. in fairness mas okay yun kesa sa southwest airlines na unahan sa upuan.. kaya lang yung flight namin from vallejo to boston, matagtag ang eroplano.

so eniwey, nag umpisa ang adventure to DC via oakland airport.. teka before that, me kinailangan kami i meet sa Oakland na pinay na self made millionaire.. so get together muna kami sa isang seafud buffet restaurant 3 hours before our scheduled flight...e pambihira naman, buffet nga ang kainan e di naman ako makabalik sa buffet spread kasi i have to be polite and listen to the millionaire's story on how she got there..chorvaluh, eklabu.. so in short hindi ko na maximize ang buffet...dahil 2 hours before the flight dapat naka check in na di ba??

so anyway, on with the story..so check in pa lang ng mga bags, nakatikim na si Z ng descrimination from the itims.. kasi ako walang kahirap-hirap na nakapagcheck-in. ni hindi pinatanggal ang lock ng aking bagahe..pero si Z, initerview na at initerogate kung me dala sya deadly weapon of mass destruction, *which she answered of course none* e pinatanggal ang padlock ng kanyang bagahe dahil hindi daw iyon airline certified.. e pareho lang kaya kami ng lock na gamit..me tatak na YALE. so during the course of the trip, nangangarag sya kung binuksan ang bagahe nya o hindi...

so ang flight is from oakland to boston then boston to dulles airport.. lesson learned, hindi na ako magco connecting flight sa boston airport!! nakakalito..ang gulo ng numbering nila.. dito ko naranasan kung paano maging contestant sa amazing raze pramis... paglabas ko ng terminal from our plane me 1 hour to kill pa dapat to get to the connecting plane.. awa ng juice, asa other side of the airport ang terminal nung connecting flight..naawa siguro ang supervisor ng jet blue, pinasamahan kami dun sa isang staff to the correct gate.. e hanep tumakbo yung gerlah, e di takbo din kami.. kasi mag sesecurity check pa daw, baka maiwan kami ng plane..o di bah, celebrity status agad kasi pinapanuod kami ng mga katauhan.. buti na lang at nag check in kami ng mga bagahe..

pagdating ng dulles airport, mabait naman ang mga lolang nag ma man ng information desk at tinuruan kami kung saan maghihintay ng bus papuntang virginia..

buti na lang na research ko sa internet na dapat exact fare ang dala.. e pucha naman ang bus duon, ang taas ng overhead bin na agayan ng maleta, di ko naman pwde ilagay sa lapag kasi sisikip.negra pa naman ang driver at wiz helpful. so may i step sa seats para lang maibalibag ko ang mga maleta over head. i was hoping na later on e me tutulong sa akin pagkuha ng maleta ko..syempre, wala.. so step sa seats at hila to the max.. lecheng indiano yun, nakatingin lang habang nag aacrobatic ako na abutin ang bagahe ko..

dumating kami ng virginia ng mga 9:30 AM, from the bus station, nilakad namin to get to the hotel..habang hila hila ang aming mga trolley.. e pataas ang daan..hay.. buhay..

napahinga lang ng isang oras at gora na to the train station to go to DC..

buti na lang, mabait yung isang negrong station supervisor sa Arlington,Va. kasi sya nagturo sa amin kung magkano ang dapat i load sa metrocard at kung saan bababa na mga istasyon. saka ko lang nadiskubre kung bakit sya mabait sa amin.. kasi daw ang jowa nya e filipina at kaya daw nya nahulaan na pinoy ako kasi me nunal ako sa mukha? ganun? me epektong ganun si GMA?

so, ang unang stop e sa foggy bottom.. para sa bahay ni obama..







eto ang vicinity






and then, off to the washington monument...at world war ii memorial







hindi ko talaga alam kung bakit me mountain utoy dito..


akala ko malapit lang sa isa't isa ang mga monuments dito.. mali pala, hindi drawn to scale ang mga mapa....walk galore ang beauty ko kaya umitim ako dito sa DC..



reflecting pool nga!


then walk again to Lincoln Memorial



achuli, dulot't dulo ito ng pool..on one end lincoln memorial on the other end washington memorial...bago ako nakarating ng lincoln memorial, ang dami ko pit stop..




after lincoln memorial, di na kineri ng powers ko maglakad to the other side of DC.. kinabukasan na lang.. so may i zoom in na lang ng camera to get these statues

art of war at art of peace daw yun.. which is which.. ma.. its so far...

then i have to find out kung saan ang malapit na train station.. buti na lang at tourist friendly ang state na iyon, ang sabi ni park ranger, walk 8 blocks and when you see I street, turn right you'll see the train station..

e nampucha, ang equivalent ng isang block sa kanila e isang station ng Lrt natin..at saka asa A st. pa lang ako.. kaya pagdating ko sa train station, lawit na dila ko..ang masklap nun, after one station, bumaba na ako..dapat ba nag lakad na lang ako papunta hotel??

the next day adventure, medyo sanay na ako sa train stations at medyo me huwisyo na sa plan of attack kaya medyo organized walking ito...


library of congress kung asan ang US constitution na di pwede picturean

US Supreme Court

Capitol Hill

National Gallery of Arts


Museum of Natural History


Smithsonian Castle


National Museum of American History dito nakadisplay ang mga inagural gowns ng mga first ladies like:

tita hillary

ateng michele obama


andito rin ang kitchen ni julia childs


at ang sapatos ni dorothy
masyadong famous ang safatos na ito, 45 minutes ang pila para lang mapicturean ito..

ngayon ko lang na realize, hindi kami nag lulunch while in DC.. puro pretzel at tubig lang pantawid gutom tapos lafang galore pagdating sa hotel.. kasi naman buffet breakfast din kaya medyo me na istore na energy at para di masayang ang oras...pero in fairness, mainit sa DC while andun kami tapos nung gabi, me bagyo..abnormal na talaga ang weather condition..


after two days sa DC, we took a 4 hour bus ride going to new york.. eto na ang susunod na kwento

Thursday, May 20, 2010

Bwiset

iwanan muna natin ang pagmunimuni sa aking trips and travels to make way for my rant of the week...


last tuesday e nabangga si troy.. yes, the new karu..ni fader...lintek naman kasing jeepney yun bigla nagsakay at para maiwasan ko sya, i have to swerve to the left.. e leche sya, na ka protrude ang kanyang tambutso.. kaya ayun tinamaan ang ulong ko sa harap at ito ay nabutas.. parang donut na tinusok ang dating.. keber ko naman na mag cause ng monstrous trafic jam sa gitna ng samson road, basta hindi ako ang magpapalit ng gulong na yun..

nagkakandarapa tuloy ang mga traffic aide sa pag ikot sa amin kasi super dupper traffic na talaga.. aba e asa gitna ba naman ako at si troy na 4x4, asa pa sila makadaan at umabot sa edsa..

kaya, hala picture sila at tumawag ng magpapalit ng gulong.. then off we went sa police station...

while at the police station, syempre call a fader ako.. at sinabi ko sa kanya na nabangga ako pero wala naman bangga yung katawan, yung gulong lang talaga.. which is my stand.. kng ako ang may kasalanan bakit walang galos si troy?? e ang sabi ni fader, asan ka ba? sagot ko.. "asa likod nya tapos overtake ko sya kasi nagsakay sya..e me nakausli syang tambutso kaya sumabit yun sa gulong".. ang sagot ni itay , "ikaw me kasalan, umuwi ka na at papabili na lang ako ng gulong".. o di ba.. and that was after mausukan ako at mainitan sa gitna ng samson road..

so desidido na nga ako na own damage ito at papasagot ko na lang sa insurance, e kaso, ang operator ay sumugod sa istasyon at ang bungad agad sa akin "e bat mo kami binangga?".. aba parang present sya ng nangyari ang lahat!!! sabi ko, kaya ako andito e para makakuha ako ng dokumento pag claim sa insurance ko ng own damage..at ayoko kita kausap dahil wala ka naman pambayad..sabay irap.. then siguro nakita ng police from my info sheet na ako ay boabogads, pinapasok ako sa loob ng office while the driver and his operator e andun sa tabi ng nag xexerox..

so kinausap ko si SPO4 madlang sakay (i swear ito ang real name nya) at tsika tsika.. knows nyo naman me, sobrang friendly..nahihiya nga sila at mainit daw ang aircon nila..
e tinatanung nila kung ano ang gusto ko, tinanung ko kung pwede pugutan ng ulo ang operator kasi masama ang tabas ng dila..e kaso they don't do that na pala.. baka daw pwede ako mag settle for water teraphy na lang or baka daw gusto ko kilitiin na lang nila ng open wire... hay, i don't have the time to watch.. so sabi ko, i will just instruct my driver/bodyguard (who incidentally arrived at the police station na rin) to get the police report at paki ayos na lang para makarecover ako sa insurance.. tapos sabi ko sila na ang bahala sa driver at operator, perahan nila, istorbohin nila for all i care...

sabi nga nung isang pulis dun na nag take up ng law, takutin ko pa daw at sasabihin ko na papa eastimate lang ako at i ho hold nila ang mga mokong until i arrive again..bwahaha.. kawawa naman kasi i will not come back.. sabi ko, di ako magaling mag acting..

so i went out of the office na, e kaso yung isang pulis di talaga nakatiis.. nung nasa labas na ako, in full declamation voice pa na pinarinig na" o sige atorni, intayin ka muna namin, impound muna namin yung jeep at yung driver hanggang di ka pa bumabalik" which i answered.. sige po, papa estimate lang ako....

i wonder kung nagfile na ng arbitrary detention yung mga yun..

Tuesday, May 11, 2010

California, Bay Area

Nagstay kami sa bahay ng friend ni friend sa Vallejo, California for this leg of my adventure into the US of A.

Vallejo is 15 minutes away from Napa Valley, so ang unang tourist stop namin e ang pagbisita sa mga vineyards... ang friend of a friend ay may isang friend na umaktong tourist guide/driver namin for the whole time na andun kame..

so ang isang araw ay inubos namin sa paglilibot ng mga winery at grape plantation..



sayang at naharvest na ang grapes nung dumating ako

may kastilo sa California.. ito ay isang winery din..



Nag lunch kami sa Culinary Institute of America (yes, may branch sila sa Greystone)


achuli, mas masarap pa ang mga restaurant dito sa atin kesa luto sa CIA. this is fish wrapped in prosciuto.. malansa pa ang isda..

maganda sana ang scenery dun sa pinuntahan namin na church for easter mass kaso umuulan naman..


di tuloy ako nakapagpapicture ng matino sa redwood forest at di ko nakita si little red riding hood


from Vallejo, San francisco is only 45 minutes away...

buti na lang nag work ang aking mind over weather...at nakapag ikot -ikot kami sa SF

the usual golden gate



cable car


union square


SF Cityhall

Pier 39

mga food stall sa Fisherman's Wharf.. masarap ang clam chowder dito, gusto ko nga mag open ng ganitong store sa Malabon

alcatraz from afar

the wharf



the palace of fine arts..wala naman art works


japanese tea garden..wala naman tea

masaya naman ang adventure dito sa bay area... e achuli, nagvolunteer pa ako magluto para sa isang reunion of filipino friends... bumenta naman ang cooking skills ko prompting my friend to say na pwede nya ako pa isponsor sa may -ari ng Max's restaurant para kunin na lang ako na chief cook.. kaso duon ko na realize na hindi ko keri mag cook everyday of my life.. pang special occasion lang ako..

happy naman kami at very thankful sa mag asawang kumupkop sa amin.. ang husbandry ng friendship is russian pero appreciate nya ang ating turon na niluto ko..
at dahil din sa kanila, kulay brown na ang buhok ko...





Monday, May 10, 2010

eleksyon sa pilipinas

yep.. first automated election sa pilipinas today kaya karambola na naman ang pipol of the pilipins..

9AM pa lang go out and attempted to vote na ako sa aming munting paaralan.. kaso..syet, ang haba ng pila... wiz ko feel pumila for 2 hours under the heat of the sun at feeling ko e entrance ito para sa wowowee para makapag participate sa willie of fortune.. so go home ako..kahit pa me dala ako ipod, wiz ko gusto pumila with them anuh?! dami pa naninigarilyo, baka me mademanda ako ng violation ng clear air act...

nang umuwi si grandma sa bahay para mag lunch (si grandma kasi ang head ng PPCRV sa aming baryo) sabi ko ihanap nya ako ng pipila para sa akin na babayaran ko na lang at i text ako pag malapit na ako bumoto.. naoverhear ni yaya at nag volunteer naman sha..kaso madami work ngayon sa bahay, di pwede sha mawala at ayoko maghugas ng pinggan..

sabi ni grandma, papakuha na lang daw nya ako ng number..

so around 4PM, umuwi si grandma para ako sunduin at malapit na daw tawagin ang number ko..go ako with her, past the pila and the whatever..me magtanung sa akin kung pumila daw ako, sabay sagot ko ng "me number ako!"

at syempre, wiz naman care ang head ng BEI kung pumila ako o hindi anoh! dati ko naman teacher yun at ako ang favorite former student nya na hingan ng mga graduation gifts for her students.. bat nga daw late na ako bumoto.. o see masaya pa sila na nakita ako..

less than 3 mintues tapos ako..

in fairness to me after ko na bumoto saka ko binigyan ng imported chocolates sila maam.

Sunday, May 2, 2010

Biggest Rockeoke ever




yes, nag attend ako ng one night engagement ng tears for fears sa araneta. sobrang brasohan ang ginawa ko just to get the tickets kasi naman late na nang ma realize ko na once in a lifetime event ito...nakalimutan ko nga na me wedding ako na dapat puntahan e...howell kaya ko mag teleport


grabe ang pipol of the pilipins, puno ang araneta pati ang kaitaas-itaasan sulok ng general admission..SRO pati ang patron section at VIP

mag 8PM na nun pumasok kami ni L, kumakanta na si Raymund Marasigan ng sandwich..

tapos tinawag nya ang college friend nya na si Ely Buendia to perform after him.. intro pa lang ng "alapaap" nagwawala na ang mga tao! grabe, babayaran na kaya ni Ely ang utang nya sa amin na Second Half ng concert na binitin nya nuon? apparently hindi kasi after "alapaaP" wiz na sya kanta ng any e-heads song.. forgetable naman ang mga songs nya ngayun..

then, sabi nya wag daw kami aalis kasi me susunod pa na banda..helo! hindi ikaw ang pinunta ko dito...

unang kinanta ang everybody wants to rule the world..pero me intro muna ito nang mad world..kaya dumadagundong ang big dome...

tuwang tuwa naman ang mga katauhan kasi pareho pa rin ang boses nila..walang pinagbago..

kaso yung mga katabi namin e order ng order ng beer..me plano atang gawing beer garden ang araneta..


namputsa naman, unang bumigay ang memory card ko so may i palit ako ng card in the middle of the dark concert venue, then ang next na bumigay, yung battery ko na.. shet..talk about preparedness



nagpunta na ang duran duran, spandau ballet at tears for fears.. can menudo be far behind??