akala ko pa naman e tungo na sa bagong daan ang edsa.. puro press release lang pala kasi mula pa nung lunes e 10:30 na ako dumadating sa opis... nampucha, lahat na naman ng kolorum na bus e asa edsa na naman...
katulad kanina, halos 2 oras ko tinugaygay ang daan mula malabon hanggang ortigas.. e muntik na nga kami magkadevelopan ni enchong dee kasi na co conscious na ako sa tingin nya sa akin habang inaaya nya ako mag apply sa convergys...(kasi sinisundan ko yung bus na me advertisement ng convergys anubah...) feeling ko nga pag nagkita kami ng personal ni enchong, close na kami...
at dahil din late na ako dumadating, wala na ako space sa aking favorite parking slot.. duon pa ako malapit sa podium napapadpad.. imagine, nababasa ang shos ko papunta sa oto ko pag uuwi na ako kasi lagi umuulan pag uwian na.. ewan ko ba naman jan sa ortigas kung bakit ganun ang skejul ng ulan, kung kelan uwian ang mga tao saka bumubuhos.. leche..
hay buhay... sana tumama na ako sa lotto...
No comments:
Post a Comment