hayan.. dahil nga expanding na ang aking network, may bago na naman ako frend..na mukang demanding... achuli frend ito ni blu boss na nareto sa akin.. mabait naman, kaso nga ang dami nya problema.. kaya hayun kahit na november1, nag tatrabaho pa rin ako.. sus marya, ito ang longest meeting of my life.. 11:00 am to 6 PM, ay iyon ay natigil dahil kailangan ko na umuwi...
muntik na ako lumabas sa TV tuloy dahil sa kanya, buti na lang at me sumalo sa akin, otherwise, baka nadiscover pa ako ni kuya eli..
eniwe, back to my new frend.. okay naman sya..it's nice to know na kahit na ang mayayaman ay down to earth din naman pala..nagtatagalog nga kami kung mag usap e..yun nga lang, napansin ko lang na sa halos araw-araw nya na pinasusundo nya ako sa ofis ko para puntahan sya sa ofis nya which is two kantos away, e hindi sya nag-uulit ng sasakyan...
nung isang araw e naka lexus na suv.. kahapon naman benz ang pinahiram sa akin para lang pumunta sa tv station somehwere in q.c., tapos kanina akala ko e armored car na ang susundo sa akin kasi me armored car na huminto sa tapat ko.. apparently, close relative nun ang susundo sa akin..kasi HUMMER ang school bus ko... iniisip ko nga kung papayagan ako ng driver na ma drive e.. howelll....sabihin ko kaya sa new frend ko na bertdey ko na bukas?
No comments:
Post a Comment