Tuesday, February 22, 2011

I love you Taylor!!

salamat kay super friend Y na nagbenta ng kaluluwa at kami ay nakakuha ng tickets para sa once in a life time opportunity to see taylor swift live in Manila!!



sus mas maganda pa ang seat ko sa kanya..


she is sitting at the left side of the stage..patron syempre.. but i will not exchange my seat kasi di naman nya makikita si taylor ng matino... sus, wiz naman masyaho pumansin sa kanya.. saka all through out the concert e panay ang text. I'm sure di kasi sya naka relate sa mga songs!




maganda pala siya sa personal

may dahilan kung bakit sya na ang new girl ni captain barbel..

wait kami ng almost an hour bago lumabas si taylor.. that is after kami pumila sa isang long ang winding road tapos masingitan ng babaeng naka prada at ni judy ann santos.. kaya pala wiz sya nagpapakita sa public..mashoba pa rin sya.. para syang mini me ni ate shawie...

at heto na nga!! the biggest sing along party event in araneta!

ang pretty nya dito sa blue dress na ito


talented talaga ang taylor!! sing, dance, play guitar, piano, ukelele..

kaso hindi masyado marami ang kinanta nya.. ni hinid kinanta ang aking all time favorite na "breathe".. at pahabol nga lang ito...as encore pa.. BITIN!


Saturday, February 12, 2011

Theater Marathon

Since si shiela, ang aking teatro p.a. ay may 4 cities tour during the time na art's month, kinarir namin na pagsamasamahin ang panunuod ng dalawang play sa isang araw.

kamusta naman ito?

kakapagod.. at iyon ay dahil na rin sa alas 3 na ng madalin araw e nag lalaba pa ako para sa isang parukyano na sobrang demanding...tapos alas sais na ako nakatuyo, tapos me follow up question pa nung 8am na..sus...kamusta naman ang travel time di ba from malabon to MOA, ang scene ng unang pagtatanghal?

first Stop... SM Centerstage for OROSMAN AT ZAFIRA

kamusta naman ang dulang ginawa ni francisco balagtas (ang tanging rason kung bakit ko pinilit ang lahat na panuurin ito dahil sabi nila e kamag-anak daw namen)..winner! kaso lang, susme, ang lalim ng kanilang dialogue.. hindi pala, hindi ko alam kung dahil pangit ang sound system ng sinehan. ang galing ng choreography.. daig pa nila ang streetboys at manuevers! winner ang set.. kaya lang it was a bit dragging in the end...

nice attempt to stage it sa MOA.. to be accessible ba ito sa madlang pipol? but then, ang mga wachers that time ay puro estudyante rin na feeling ko e pinuwersa ng kani-kanilang mga guro to make a reaction paper on the matter. but then if that is the only way to expose them, why not..kaya lang sana matuto din sila ng proper teather decorum... (naks, as if naman...)

so after the far far away MOA, run ang mga byutis namin to catch CAREDIVAS sa PETA theater sa may New Manila.. Bwiset, natuto ako kumain ng siomai habang nag di drive. kasi naman, baka mawalan kami ng seats..at sabi if we are not there by 2:30Pm e irerelease ang tikets! naman.. alam ba nila kung gaano katrapik from MOA to Quezon City???

Buti na lang in effort namin ang play na ito... winner ang musical score..who else by Vince de Jesus...storya ito ng mga buhay-buhay ng mga kafatis na OFWs... sayang lang at walang CD soundtrack available.. but mga mare grabe ang mga production numbers...daig pa ang burlesk queen!

It was a fun play.. sayang, wala ako pektyur with the cast!

Thursday, February 3, 2011

Blog hiatus and ang bagong pangako

I am sorry for not posting anything for the past few months... Na miss ko tuloy ang christmas at new year.. Kasi naman between pagsusulat ng libro at paglalaba para sa tatlong amo na puro demanding, nawalan ako ng time for my blog...ang dami pa namang followers, jus mio! Im sorry for disappointing you all..as if...

Eniwey, since new year (of the chinese) nag umpisa muli akong mag exercise. Last tuesday e nag survey ako ng surroundings kung ano ang pwede ko gawin sa buhay ko.. May gym sa tabing building na pinapasukan ko pero di ko keri ang membershio fee..minsan tinary ko na mag attend ng hip hop classes dun which were free of course, pero wala talaga akong timing sa katawan...nakakahiya sa mga kasabay ko..gusto ko pa naman sana ng hip hop kasi si nicole s. ng pussycat dolls e full of abs dahil sa kakasayaw...

Minsan, nakita ko me elordes along metro walk... E di nag adventure ako to go there.. Awa naman ng dios, hindi ko natagpuan.. So nag adventure na lang ako sa ibang boxing gym....

Kanina, nag boxing na ako after two years of hiatus (see hindi lang blogging ang me jiatus) as usual, mga kamuka ni manny p at navarette ang mga trainor. Okay naman pero may gash, i am so unfit... Feeling ko e mag bablack out ako after one round of sparring pa lang. E impress naman si trainor sa akin kasi alam ko pa daw ang mga jab at strit, hook at aperkat. Pinapagalitan nya ako kasi di ako marunong ng difens. Hindi ko naman masabi na baket pa ako mag di dipens e hindi naman nya ako sasapakin di ba?! Eniwey.. Sus after nung round na iyon, pinainom nya akong water from my jug..o sweet di ba.. Kasi naka gloves ako! E sabi ko, nagdidilim ang paningin ko.. Kaya sabi nya walk around ako at wag hihinto.. Aba e di walk around ang byuti ko...kasi feeling ko baka bigla na lang ako tumumba.. E totoo naman pala yun na dapat hindi ka hihinto kasi mejo nahimasmasan naman ako. Then another round. Potah, ayaw ako tigilan, natuwa ata na marunong pa ako mag jab at aperkat after two years! After three minutes ayoko na talaga.. Kaya pinag crunches na lang nya ako.. Sabi nya, tin rands daw.. Hindi ko alam kung naapektuhan na ang hearing capacity ko kaya i asked again, ano? Tin rands.. Sampung beses na tig sa sampu.. Ahh, ten rounds..pootah..syet 100 crunches in all. Ni hindi ko pa nagagawa yun in my whole life i swear!

After the crunches, sus another round. 3 minutes of sparring.. E 1.5 minutes pa lang ayoko na.. Sabi nung trainor ko (itago na lang natin sya sa pangalan na roy) na kaya ko pa daw naman.. ay o sige.. jab jab. stret..aperkat.. ..nang pumito ang bell sabi ko ayaw ko na talaga.. so pinaglakad na naman nya ako... tapos sabi ko di ko na talaga kaya so pack up na ako... syempre may i turn over sya sa assitant trainor.. (ang assistant trainor ay yung maglalagay ng hand wrap sa iyo at magdadala ng bag mo later kasi di ka na makagulapay after the round) aba e di cooling down streches ito at syempre pa masahe ng iyong tired muscles... dati sabi nung friend ko na nag introduce ng boxing sa akin, wala daw masahe dito sa gym na ito kaya dun kami sa ibang gym nagpunta, kasi pag di daw namasahe after, e naninigas daw ang muscles.. ay don't know if dat is tru...si assistant e siguro hindi pa of legal age, gusto ko nga itanung kung me permit ito from DOLE, pero in furness, magaling magmasahe. narinig ko naglagutukan lahat ng buto ko sa likod... magaling pa sya ke ton-ton massage! at di sing mahal...

okay naman ang aking first time boxing.. tapos sabi ni roy kailangan ko daw 4 days a week mag work out kasi ang taba ko.. sasapakin ko sana but i'm too tired...

ay will come bak.. i pramis.. panindigan na ito.. at ito ay di dahil ang daming gwapo sa gym.. may gash, me isa ang kinis ng kutis tapos me six packs at nung tumalikod me tatoo ng vitruvian man!! ay intellectual ba sya? tapos parang si geoff eigenman andun din..parang mga la salista ang mga andun.. me malapit bang la salle dun?

isang timbang pawis ata ang lumabas sa katawan ko tonite.. di pa naman ako nakapagdala ng pamalit na shirt. malay ko ba naman na maglulusaw na agad ako ng taba ano? naku, im sure magagalit si troy dahil mag aamoy pawis sya..di na lang ako nag aircon pauwi.. pero totoo pala na exercise releases endorphines.. i was sooo happy driving home..singing to the tune of this guy is in love with you pare...

pagdating ko sa bahay, ano ang dinner ko? ay panindigan ko ito... boiled kamote! yes, machete diet ito.. kailangan ko i reclaim ang aking rightful name.. by june dapat me six packs na din ako!