Saturday, February 12, 2011

Theater Marathon

Since si shiela, ang aking teatro p.a. ay may 4 cities tour during the time na art's month, kinarir namin na pagsamasamahin ang panunuod ng dalawang play sa isang araw.

kamusta naman ito?

kakapagod.. at iyon ay dahil na rin sa alas 3 na ng madalin araw e nag lalaba pa ako para sa isang parukyano na sobrang demanding...tapos alas sais na ako nakatuyo, tapos me follow up question pa nung 8am na..sus...kamusta naman ang travel time di ba from malabon to MOA, ang scene ng unang pagtatanghal?

first Stop... SM Centerstage for OROSMAN AT ZAFIRA

kamusta naman ang dulang ginawa ni francisco balagtas (ang tanging rason kung bakit ko pinilit ang lahat na panuurin ito dahil sabi nila e kamag-anak daw namen)..winner! kaso lang, susme, ang lalim ng kanilang dialogue.. hindi pala, hindi ko alam kung dahil pangit ang sound system ng sinehan. ang galing ng choreography.. daig pa nila ang streetboys at manuevers! winner ang set.. kaya lang it was a bit dragging in the end...

nice attempt to stage it sa MOA.. to be accessible ba ito sa madlang pipol? but then, ang mga wachers that time ay puro estudyante rin na feeling ko e pinuwersa ng kani-kanilang mga guro to make a reaction paper on the matter. but then if that is the only way to expose them, why not..kaya lang sana matuto din sila ng proper teather decorum... (naks, as if naman...)

so after the far far away MOA, run ang mga byutis namin to catch CAREDIVAS sa PETA theater sa may New Manila.. Bwiset, natuto ako kumain ng siomai habang nag di drive. kasi naman, baka mawalan kami ng seats..at sabi if we are not there by 2:30Pm e irerelease ang tikets! naman.. alam ba nila kung gaano katrapik from MOA to Quezon City???

Buti na lang in effort namin ang play na ito... winner ang musical score..who else by Vince de Jesus...storya ito ng mga buhay-buhay ng mga kafatis na OFWs... sayang lang at walang CD soundtrack available.. but mga mare grabe ang mga production numbers...daig pa ang burlesk queen!

It was a fun play.. sayang, wala ako pektyur with the cast!

No comments: