May kliyente ang grupo namin under the blue boss na me ari ng isang adventure park sa Camsur. So dahil libre ang adventure dito, we herded ourselves to CamSur for a weekend adventure getaway..
pucha, sa bus pa lang adventure na...
ang trip na kinuha namin is Penafrancia Bus, nine hours ang biyahe from cubao to naga ziti!
buti na lan lazy boy ang mga upuan kaya kasyang kasya ako...
dumating kami ng 5am ng umaga sa CWC (Camsur Watersports Complex) buti na lang at pwede kami mag check-in kahit wala pa 12PM. dapat lang at baka masunog ang buong complex pag di nila ako pinatulog muna...
at dahil di naman ako masyadong adrenalin junkie.. on the first day e nag ikot muna kami sa legaspi ziti to see the Mayon Volcano..
the next day, nag donsol, sorsogon naman kami to swim with the butandings.. cost of boat P5,300 for 6 pax lang. Up to 30 boats lang ang pinapayagan pumalaot per day. so dapat maaga pumunta dun. at that time, medyo marami turista kaya unahan sa paghahanap ng butanding. fortunate naman at me nakita ako.. sus, mabait naman pala ang whale shark..kahit na kasing laki ng bus ito...di naman nangangagat. at saka sa sobrang mahal ng bayad sa boat, five times ako bumababa sa tubig...kaya hala, hanggang ngayon feeling ko e me tubig pa ang left ear ko...
sa dami ng tao nag kukumpulan ag nakakita ng butanding, me nasipa ata ako na forenjer sa likod ko...
then we went to sorsogon city proper to visit a friend na nadestino sa kanyang bagong kaharian...sus, ang tagal ng biyahe! buti na lang nagpaluto na sya ng tangghalian!!
on our last day, sana ay mag wake boarding ako dito
kaso sabi ni bossing number 1, wag na wag daw ako mag try maglublob sa water within the vicinity kasi ....wag na baka ma libel ako...
so the whole day was spent bumming around lang...then uwian time na..kaso me problma talaga ang aking bladder...by the time na asa bitukang manok na kami, kailangan ko na mag CR.. infurness malinis naman ang CR sa bus.. kaso, ang liit lang talaga nito.. tapos yun sinundan ko gumamit di marunong gumamit ng portable CR, hindi nag flush!!! e asa bitukang manok nga ang bus di ba? so nag swi swirl around ang jingle sa bowl! syet, this is one of those instances na wish ko e patayo ako jumingle!..at dahil nga pasirko-sirko ang bus, alam ko na ang feeling ng dice sa beto-beto or ng mga numbers sa bingo or ng mga bola sa lotto...awa ng jus, paglabas ko ng CR, muntik na ako matumba dun sa isang pasahero...
No comments:
Post a Comment