Matagal ko nang hinahanap ang actual restaurant ng Sincerity Fired Chicken. Tuwing makakakain kasi ako ng famous fried chicken na ito ay palaging take-out lang at uwi ng tatay ko. At kung mag aatemp naman ako na hanapin ang restaurant, either hindi ko makita or naliligaw akosa binondo. Saan naman kasi ang Carvajal St. ano? Tapos, hindi pa sa ground floor loacated ang restaurant kungdi sa second floor pa! good luck na lang talaga na makita ko ito ng matino.
Buti na lang napadpad ako muli sa Masangkay nung isang araw para sa aking yearly consulta with my internist. And after nya ako sabihan na mag li low muna sa mga karne at baboy, nag hanap ako ng pwede kainan na chicken na lang. Buti na lang at ako ay napadpad sa Lucky China Mall sa tabi ng 999 Mall. May Sincerity Fired Chicken branch dito!! hahaha happy!
Fresh Lumpia na dumating after ako kumain ng main dish. Pwede na ito i forego.
oyster cake
the famous sincerity fried chicken. crunchy on the outside, moist and tender inside. walang sinabi ang savory at kfc, kahit chiken joy ng jollibee!