Monday, February 11, 2013

WHY BDO?


Nakatanggap ako ng nakakarimarim na text kaninang umaga. Galing sa Branch manager ng banko na pinagtataguan ko ng aking mumunting salaping naipon mula sa aking pawis at dugo. Ang text? Tinatanung ako ng BM kung nag widraw daw ba ako sa aking ATM lately. Aba e di sabi ko hindi kasi hindi naman ako magastos ngayong panahon na ito saka ayoko na may dala dala ako cash kaya nga ako nag banko. Apparently, may movement daw sa aking account na unusual (kasi nga di naman ako nag wi widraw!) mula ng nakuha ko ang aking ATM di ako nag widraw dun. Ang huling ginawa kong activity dun ay nag enrol ako sa online banking nila para ma monitor ko ang balanse ng aking accounts sa kanila. Ayun, mukang duon ako nadale. Nyeta. According to the BM, sa Italy daw na widraw ang pera ko. Hello, ni wala nga ako visa papuntang Italy e. at All the while e asa wallet ko ang aking ATM. bwiset na BDO yan. we find ways pala ha. they find ways!!! Long time user na ako ng online banking ng BPI pero never ako ma victima ng ganito. I refuse to be a victim! Kasi naman, bumili dapat ng mamahalin na security software anoh!

No comments: