Friday, April 18, 2008

Tanong

Serious itu.

Asan ang happiness? Dati iniisip ko ay ito, sana pag nagkatrabaho ako, yung wala masyado gagawin, pero maayos ang sweldo. Sabi ko na nga ba, be careful what you wish for..kaya eto nga ako ay isang official tower guard. mag to two years na nga. except na kung minsan maiinit ang sikat ng araw, wala naman masyado aksyon. alas singko, uwian na. (kaya nga nakakabadminton at boxing ako every MTW, plano ko nga mag enrol na ng wushu para sa aking thurs) yun nga lang, walang growth itong aking career ngayon. i'm sure ten years from now, tower guard pa rin ako. malamang malipat ako ng isteyshun, pero sigurado ako, tower guard pa rin ako, sa north gate nga lang. patuloy na nakatanaw sa kawalan. kaya lang, with this position, para kang nakasandal sa pader..kahit paano me tinatanggap tuwing kinsenas. minsan si amo, nagbibigay ng barya. katulad nung isang bwan, nag pamudmod sya ng barya sa mga sekyu kaya damay kami. kaya lang yung nanay ko nung sinabi ko na yung bonus ko e naipambayad utang ko lang, nag reminis nung panahon na dati daw ang bonus e napapambili ng stereo o tv. buti na lang, di na uso ang stereo ngayon at me TV naman kami.

sabi nila hindi ka talaga yayaman pag namamasukan ka lang..kaso gustuhin ko man mag spread my wings and fly baka sa lupa ako pulutin. kakatakot tumalon ng walang sasalo.

but then, sabi nga ng best friend ko duon, basta you have your health, God will provide. or something to that effect. (oo nga, in everything else, there's mastercard) Sana i provide na ni God ang winning number sa lotto pagtulog ko mamya.

I miss...

my compyuter...
kaya rin hindi regular ang update ng kwento at pag check ko na e-mail, nakadepende ako sa mabait kong kapatid na magpahiram ng kanyang ibook. Sosyal kasi sya. Ako, nagpapagawa ng laptop kasi wala ako pambili ng hi-tech na computer..hindi tuloy ako makapag pload ng mga photos dito sa blog na ito (as if me digicam ako) pero dadating din yun.

miss ko rin ang pag ba badminton ko at boxing, magagalit na talaga yung trainer ko na kamuka ni navarette kasi isang buwan na ako absent. yaan na nga, at least nag lose naman ako ng timbang nung nagkasakit ako..

anu ba ang mga pangyayari sa buhay ko? wala, last weekend nagkita kami nung isang kaibigan ko at nagpa "spa" kami. oo, me spa dito sa kinalalagyan ko. hindi sya kagandahan, pero okay na rin, at least nagalaw ang aking mga kalamnan. before kami nag "spa" ey namitas muna ako ng duhat sa puno nila. sayang wala pa yung pictures, di pa kasi na dedevelop ahahay! kakatuwa kasi dati me puno kami ng duhat (kaya sanay ako gumamit ng sungkit), bayabas, chico, alagaw, aratiles at saging. kaso nung nagpa gawa kami ng bahay (circa 1988), tinapyas lahat ng puno. buti na lang di pa crime nuon ang illegal logging. sayang kasi dati every mahal na araw, me mga nagpupunta pa dito sa bahay para manghingi ng dahon ng alagaw. gamot daw kasi iyon. Pag naman "halooween" e ang star of the day/night e yung puno namin ng chico kasi me kapre daw duon, minsan tikbalang din. hay naku, talaga ang mga kapitbahay namin, napaka creative. minsan tuloy iniisip ko san kaya sila lumipat kasi wala ng puno dito sa barangay namin.

Monday, April 7, 2008

Absent na naman

ako tiyak bukas. kasi naman, aside sa di ma alis-alis kong pagtahol, dingdagan na ng lagnat ang aking karamdaman. kaya sayang ang three day weekend ko. wala akong narating. nag ubos pa ako ng kuryente para mag aircon sa kwarto dahil umaabot na ng 37 deg ang init dito. sa dami din ng gamot na iniinom ko, malamang mag kakasakit na ko sa liver o kidney ba iyon? baka kailangan ko na ring mag kidney care...

me friend ako, kalilipat lang nya ng office. ang unang tanong sa kanya ng panginoon nya ey, (sa ingles ha) san ka nag gradwedyt? syempre sagot si friendship ng ____. sabay interject ang panginoon ng "is that a good school?" hellow? alangan naman sabihin ng friend ko na hindi. bakit ba sila ganun? lahat na lang pre-occupied kung saan gumradweyt ang mga tao. hindi na lang tingnan ang sariling kakayahan. hindi naman ang school ang magtuturo ng mga dapat matutunan. sa totoo lang, hindi naman yung school ko ang nag turo sa akin kung paano magbantay sa torre ng dalampasigan, pero look kung san ako naroon ngayon..nakatanaw sa kawalan.

Tuesday, April 1, 2008

Dumadami na Sila

Last Saturday ina nawns na ng Supreme Court ang resulta ng bar examination na ginanap nuong September 2007. According to news, inadjust ng mga justices ang passing percentage from 75% to 70%, pagkatapos inadjust din ang disqualification grade from 50% to 45% (kung may isang subject na below 50% automatic bagsak ang examinee). Kung di daw kasi gagawin yun e 300 lang ang papasa..so dahil sa adjustment, ewan kung ilan na sila.

Ang una kong reaksiyon dito ay..huwat!!! lintek, e ako nga naubosan ako ng dasal pumasa lang nuon? tapos pwede naman pala mag adjust ang mga kinikining ina nyang mga magistrate na yan! but then, after ko ma calm down, naalala ko ang parable nung mga manggagawa sa fields. remember, yung sa bible..(naks!) there was this haciendero na kailangan magpagapas na sa kanyang bukid, pero kulang ang mga manggagawa nya so nung umaga pa lang kumuha sya ng mga tambay at inalok ng trabaho. sinabihan nya yung mga tambay na babayaran nya sila ng 1 piece of gold para sa maghapon na trabaho. syempre, tambay nga lang sila, agree naman ang mga mokong, better than nothing ito. Nung tanghali na nakita nung may-ari na di matatapos ang pagharvest sa kanyang big hacienda so go na naman sya to look for more tambays to help in the fields. same compensation, 1 piece of gold. at nung maghahapon na, same story, di matatapos, needed more hands, get more workers. all for the same price. nung bigayan na ng sweldo, unang tinawag yung mga na hire nung hapon, at binayran ng 1 piece of gold. nung nakita ng mga morning tambays ang bayad sa mga late na nagtrabaho ay 1 piece of gold, umasam sila na mas malaki ang makukuha nila. pero nung bayaran na ng kanilang wage, 1 piece of gold din ang binayad sa kanila.

ang moral ng kwento..may mga tao talagang madali mauto.

sabi nga ni SGV founder, Wash Sycip, "we have too many lawyers". True, kaya nga di rin umuusad ang Pilipinas. Napakadaming argumento. But then, flourishing ang ating legal outsourcing industry kaya okay na rin na marami na sila.

Basta ako, may bright future. Pero secret muna ito..