Last Saturday ina nawns na ng Supreme Court ang resulta ng bar examination na ginanap nuong September 2007. According to news, inadjust ng mga justices ang passing percentage from 75% to 70%, pagkatapos inadjust din ang disqualification grade from 50% to 45% (kung may isang subject na below 50% automatic bagsak ang examinee). Kung di daw kasi gagawin yun e 300 lang ang papasa..so dahil sa adjustment, ewan kung ilan na sila.
Ang una kong reaksiyon dito ay..huwat!!! lintek, e ako nga naubosan ako ng dasal pumasa lang nuon? tapos pwede naman pala mag adjust ang mga kinikining ina nyang mga magistrate na yan! but then, after ko ma calm down, naalala ko ang parable nung mga manggagawa sa fields. remember, yung sa bible..(naks!) there was this haciendero na kailangan magpagapas na sa kanyang bukid, pero kulang ang mga manggagawa nya so nung umaga pa lang kumuha sya ng mga tambay at inalok ng trabaho. sinabihan nya yung mga tambay na babayaran nya sila ng 1 piece of gold para sa maghapon na trabaho. syempre, tambay nga lang sila, agree naman ang mga mokong, better than nothing ito. Nung tanghali na nakita nung may-ari na di matatapos ang pagharvest sa kanyang big hacienda so go na naman sya to look for more tambays to help in the fields. same compensation, 1 piece of gold. at nung maghahapon na, same story, di matatapos, needed more hands, get more workers. all for the same price. nung bigayan na ng sweldo, unang tinawag yung mga na hire nung hapon, at binayran ng 1 piece of gold. nung nakita ng mga morning tambays ang bayad sa mga late na nagtrabaho ay 1 piece of gold, umasam sila na mas malaki ang makukuha nila. pero nung bayaran na ng kanilang wage, 1 piece of gold din ang binayad sa kanila.
ang moral ng kwento..may mga tao talagang madali mauto.
sabi nga ni SGV founder, Wash Sycip, "we have too many lawyers". True, kaya nga di rin umuusad ang Pilipinas. Napakadaming argumento. But then, flourishing ang ating legal outsourcing industry kaya okay na rin na marami na sila.
Basta ako, may bright future. Pero secret muna ito..
No comments:
Post a Comment