my compyuter...
kaya rin hindi regular ang update ng kwento at pag check ko na e-mail, nakadepende ako sa mabait kong kapatid na magpahiram ng kanyang ibook. Sosyal kasi sya. Ako, nagpapagawa ng laptop kasi wala ako pambili ng hi-tech na computer..hindi tuloy ako makapag pload ng mga photos dito sa blog na ito (as if me digicam ako) pero dadating din yun.
miss ko rin ang pag ba badminton ko at boxing, magagalit na talaga yung trainer ko na kamuka ni navarette kasi isang buwan na ako absent. yaan na nga, at least nag lose naman ako ng timbang nung nagkasakit ako..
anu ba ang mga pangyayari sa buhay ko? wala, last weekend nagkita kami nung isang kaibigan ko at nagpa "spa" kami. oo, me spa dito sa kinalalagyan ko. hindi sya kagandahan, pero okay na rin, at least nagalaw ang aking mga kalamnan. before kami nag "spa" ey namitas muna ako ng duhat sa puno nila. sayang wala pa yung pictures, di pa kasi na dedevelop ahahay! kakatuwa kasi dati me puno kami ng duhat (kaya sanay ako gumamit ng sungkit), bayabas, chico, alagaw, aratiles at saging. kaso nung nagpa gawa kami ng bahay (circa 1988), tinapyas lahat ng puno. buti na lang di pa crime nuon ang illegal logging. sayang kasi dati every mahal na araw, me mga nagpupunta pa dito sa bahay para manghingi ng dahon ng alagaw. gamot daw kasi iyon. Pag naman "halooween" e ang star of the day/night e yung puno namin ng chico kasi me kapre daw duon, minsan tikbalang din. hay naku, talaga ang mga kapitbahay namin, napaka creative. minsan tuloy iniisip ko san kaya sila lumipat kasi wala ng puno dito sa barangay namin.
No comments:
Post a Comment