Saturday, August 30, 2008

The Reunion Concert (?)

Umaga pa lang e naghahanda na ako ng mga paraphernalia na dapat dalin para sa reunion concert na ito. Since nagkaron na kami ng training sa pag attend ng concert sa Fort during the Beyonce Experience, alam ko na na kailangan namin ng matibay na mailalatag para maupuan habang naghihintay sa kagrabahan ng venue. So, nag tiklop ako ng matibay na sako, libro, double mint gum, ipod, pamaypay, payong at kamera concealed inside the sako. 5Pm pa ang usapan namin na magkikita-kita sa tapat ng Fullybooked, sa High Street.

At around 5Pm, nagkita kami ng friend kong si M sa tapat ng Fullybooked. Syempre dala nya ang kanilang portable banig na reflectorized. Proceed kami to Pancake House to eat muna while waiting sa kanyang sisterrette na si A, at wait din namin si L na magmumula naman sa S&R kasi nagcarbo load on pizza.

Nakapasok kami at around 6PM na, sus ang sikip at ang daming kaartehan sa gate.."bawal po ang ballpen sa loob, baka me dala kayo." Sagot, "wala ako dala bolpen...kutsilyo meron"..since wala sa listahan ng prohibited items, pasok ito..bawal din ang kung anu-anong form of body spray at pabango so imagine na lang kung gaano katagal na ho hold ang pila sa bawat babaing mag rereklamo at magrarason na "eye liner ito...conditioner ito...tear gas ito..."pati tubig bawal ipasok..so dilema ito sa mga me baon ng tubig na nakalagay sa mamahaling starbucks jug..iiwanan ba nila ng 500 pesos na jug o babalik sa dulo ng pila?

since mejo matagal pa ang aming dapat ipaghintay, nag ubos kami ng oras sa panunuod sa aking ipod..at ano ang showing?? enchanted..


hindi ko nabasa ang libro ko dala since agaw dilim na nuon, baka lumabo ang mata ko..


tilian ang mga tao ng nag flash na sa screen ang digital count down of 10 mins before show starts..



at baket kaya ang daming naninigarilyo..e di ba hindi na ito sponsored ng Philip Morris?
hala paypay ako para umikot ang hangin

grabe ito..ang daming tao..sa may bandang likod na kami nakapuwesto dahil akala namin e mag pupush toward the front ang crowd pag nagumpisa na tumugtog ang banda...mali kami...apparently, puno na ang front at wala na pwede usuran pa

kaya ako, nagtiyaga manuod sa projection screen located sa likod namin..sa halip sa stage ako nakaharap, nakatalikod ako..

ang unang kinanta e "alapaap"..tilian ang mga tao at daig pa nito ang biggest rockeoke in the Philippines..iba talaga ang hatak ng bandang ito..parang isang time machine ang concert..lalo na nung nagpakita sila ng clips on UP when the band played Sembreak..dati rati 40 pesos lang, mapapanuod mo na sila ng malapitan..ngayon..1,300 na ang nilaglag ko asa malayung lugar pa ako...etong mga shots na ito e kinuha ko na naka super zoom ang camera over the top of my head..


kapansin-pansin na parang mga mekanikal robot ang apat na ito..ni wala man lang light banterings..ni hindi nag uusap..at ayon sa aming bubuwit, kahit daw sa rehearsal e hindi nag uusap ang mga ito..maybe hindi naman nila talaga gusto mag reunion..sana nga hindi na lang sila nag reunion kasi pinaasa lang nila ang madaming tao..na all will be well and that they will live happily ever after...

after so many songs (15 ata) nag break sila for the second set..at syempre pa hindi na sila bumalik dahil sa "medical emergency" ni ely..ewan ko lang..pero ako , including my friends did not bite..baka nastress sya at ayaw niya pagbigyan ang clamor ng mga tao for a GROUP HUG. sabi nga ni L kung tutuong kailangan i rush ito sa hospital, baket wala kami narinig na alulong ng ambulansya?

since wala naman magagawa ang mga tao, unti-unti na slang ag proceed sa exit..at baket nga pala walang nag reklamo ng refund ang kalahati ng binayad namin sa tiket??

so sa sama ng loob namin, ikinain na lang namin ang gabi..ang hirap pa naman maghanap ng makakainan sa serendra..si A pa naman e nde pa kumakain ng hapunan..

sa Mary Grace Cafe kami pinulot..






pati dessert tinira namin.

Kaso, hindi na appease ng pagkain ang aming mga damdamin na daig pa ang nadaya sa jueteng.
so, ang siste, habang pauwi kami e panay pa rin ang diskusyon sa pangyayari..natural kailangan panindigan na me slight attack ang lead singer..baka bawiin ang talent fee noh..hay...kahit ba sya
hate na na magkaroon ng happy endings?..

kanina sa the buzz e pinakita pa ang ambulansya na naghatid ke ely sa Makati Med. me friend ako na doktor na inutusan ko i research ang mga pangyayari kasi me balita na nilipat si ely sa heart center..until makakuha kami ng report about dis, we stay with our assumptions.

Thursday, August 28, 2008

The Eheads Ticket Adventure


So, gabi pa lang ng August 27 e nag papanic na kaming magkakaibigan kung paano kukuha ng tiket para sa reunion concert ng Eraserheads. Andami kasi tsismis na nag susulputan kung matutuloy nga ba ito o hindi..meron pa problema kung saan pwede bilin ang tiket, etc. etc..

Hindi birong telecommunication expense ang naubos ko coordinating and plotting kung paano kami makakakuha ng tiket..alas dose na nang madaling araw e naka online ako at nag susurf sa site ng ticketworld na nag ha hang naman! dahil daw sa dami ng users! arrghhhh...kaya hayun, sa awa ng ina ng kaibigan ko na si L, nag volunteer na ito na ikua kami ng ticket sa NBS, SM Manila..ok..natulog na kami ng matiwasay...

Kinabukasan at around 6:30 am may natanggap ako text from my secret boss na kailangan ko daw puntahan ang isang public pulong for my secret project..at since hindi sya makakapunta, ako na lang daw ang umekstra..9:ooam ako dapat sa pulungan, e matagal ako maligo sa umaga noh..kaya 9:00 na ako nakaalis..at dahil nga wala si rudolf..wala ako choice kungdi gamitin ang malaking sasakyan..pag dating sa garahe, hindi ko pwede ilabas yung malaking karwahe kasi me nakaharang na isang sasakyan pa..na nakalagay sa jack..(yaman kasi)..at ang pwede ko lang gamitin ay yung dati kong sasakyan habang ako ay nasa "finishing school" ko. ito ay yung owner type jeep na silver stainless pero aircon..pero 10 years ko na ito hindi na da drive...

since kailangan ko na talaga umalis, yung owner ang ginamit ko..ang problema lang, na modify na ito after so many years na di ko nagagamit.. imagine ..ang transmission nito e baliktad..galing ata ng england! ang reverse e asa standard primera at ang primera e asa kinta..ang secunda e kwarta at ang tercera e primera..gets nyo ba? ang tigas pa ng shift stick..grabe talaga itu...pero since good soldier ako..go ako..

after tavelling some kilometers, tumawag si L informing me na walang ticketnet sa SM Manila..oki, ako na lang ang bibili ng tiket..tutal parepreho naman kami wala pera, i ca card ko na lang ito..

pagdating ko sa dapat pagpulungan..walang pulong..yung pulong na dapat inatendan ko e nangyari na kahapon..grrrr...pero wala naman ako magagawa di ba..so go ako sa MOA to get the tickets..

pagdating sa NBS, madami na bumibili ng tiket..at ang siste..down daw ng server nila ng credit card kaya cash transaction onli..powtah! WALA NGA KAMI CASH! at hello! ilan ang bibilin ko tiket? wala ako pang abono noh! e di nag close account ako! syempre telecommunications expense na naman ako sa aking mga friendship, yung isa nagtanong kung tumatanggap daw ng dollar..ang nakikilan ko tuloy, si L. effort ito kasi, from her bank account e kailangan pa nya mag withdraw para mag deposit sa account ko sa BPI..buti nalang pareho kami BPI account holder (BPI talaga ang savior that time) so inintay ko lang na ma credit at saka ko winidraw at pinambayad sa bwiset na ticket world..aba san ka naman nakakita ng 1,300 na ang tiket, first come first serve pa...at walang silya!!!

sana lang ang effort at anxiety na naramdaman namin e worth it sa sabado..at as of this moment..me news na namatay daw ang nanay ni ely buendia..sana lang e showbiz sila, at the show must go on..kasi unless si ely ang na ded, hindi ako tatanggap ng ibang rason para mapostpone ang concert na ito.

Wednesday, August 27, 2008

Eraserhead Reunion Concert

matapos ang pagkarami-raming pasakalye at kadramahan..tuloy na ang concert ng Eheads sa Sabado. Sa halip na sa CCP grounds e sa Fort Open Field ito gagawin, kung san nag concert si Beyonce..kaya ang kukunin namin tiket e yung mas mahal..ayaw kasi ng mga kasama ko na dun kami sa generl admission na 800 lang..hello..e first come first serve din kaya dun sa mas mahal..
eniwey, since outvoted ako dito, sa 1300 kami pupulutin..assuming na me makha kami tiket pa..
ang hirap!

abangan ang susunod na kabanata

Tuesday, August 26, 2008

party in progress

Pagod ako..ndi pala... pagod na pagod ako..today ang bertdey ni lola, at as reported earlier, ako ang punong abala..from the cook to the events coordinator ako ang volunteer...at para ata hindi ako makatakas sa obligasyon na ito, hiniram ni itay ang aking karu..kaya immobilized talaga ako..

eniwey, last nyt e inumpisahan ko na ang magluto ng embutido..konti lang naman niluto ko mga 3 kilos na na stretch ko na maging around 15 rolls..tapos kanina umaga, wala pa alas syete, up and about na ang byuti ko para mag supervise ng cleaning at pre-preparation processes.

ang in charge kasi sa purchasing ng wet items e ang aking sisterrette kaya di ko na site muna ang logistics. 3 kilo cicken wings lang pala ang binili nya, so feeling ko hindi ito kakasya, kaya hala may i taga the chicken wings into two at nag pa buy pa ako ng additional chicken legs and thighs..pati additional apples e nagpabili ako para maisama sa aking fruit salad (na tatlong kilo rin), syempre ang inutusan ko bumili e si lola..wala naman angal ang matanda, ni hindi ko nga sya binigyan ng pambili e..siguro naman kalabisan na na manggaling pa sa akin ang additional emergency purchases na ito..

so..eto ang sistema ko...umaga nag pa floor wax ako at nagpa floor polisher.. tapos pinakuluan ko na ang mga chicken na ipipirito at i sasama sa pansit..ang mga longkatuts e nagchop na rin ng mga gulay..pagkatapos nun e inayos namin ang party place, ang garahe..ayoko kasi na pumasok pa sa loob ng sala ang mga bisita..so sa pagkakataong ito e nagamit ko ang aking skills, may i skirt ako ng mga tables, pati water dispenser nilagyan ko ng skirting! tapos, ang kubyertos e nakapaloob sa magandang table napkin folding..ang tagal ko inaral iyun.. five years!

by 1Pm, ok na ang aing fruit salad with matching cream sauce..piniprito na rin ang manok na iginulong sa FEB (flour, egg, breadcrumbs po)..iniisip ko nga kung gagawa pa ako ng ranch dressing o gravy tapos bigla ko naisip..hmm, baka di nila kilala ang sauce na iyun kasi puro majonda naman ang invitees..tama na sa kanila ang jufran tamis anghang..

plano ko, alas 2 na mag luto ng pansit..kaso..alas 2 pa lang me kumatok na sa aming gate! hala, ni hindi pa ako naliligo nun..so luto agad ako para may maihain...okay ang naman na paghintayin yun kasi kamag anak naman namin..kaso mo, me take out ito..

after five minutes, dumating naman yung dati ko teacher nung elementary..(si lola kasi e retired public school teacher) ..aba syempre since ako ang host e mey i ask sha sa akin ng mga searching question with matching sya nga raw e lima na ang apo sa mga anak nya..(iniisip ko nga kung itatanung ko kung siya pa rin ang bumubuhay sa mga anak nya pero, wiz na lang.... smile..smile na lang..) matapos nya ako alipustain kung bakit wala pa ako asawa, e pinakain ko pa rin naman sya..pero hindi ko hinainan ng masarap kong fruit salad..

pag palo ng als tres ng hapon, parang bahang di pasusupil ang mga bisita ni lola..at nakakatakot kasi by batches ito..ang unang batch e yung mga kasama nyang legionaries sa aming barangay..sabi ko na nga ba e..ang usapan namin na 20 lang na bisita nya applies sa by batch na invitees nya..at me mga dalang bata ang mga mga legionaries ha..talaga naman..syempre dahil sa dami ng tao di na nakuha ni lola na mag change outfit..kaya ako ang sumalo sa estimation (pag eestima...hala bigay pinggan, habang paliwanag na "opo, naka leave po ako today.")

pagkatapos, nagdatingan naman ang school contingent..parang reunion kasi andun pati ang mga retirees na..yung isa sabi aalis agad, e habang sinusulat ko ito nadidinig ko pa ang boses..

by four PM e ang batch na nang mga CWL ang dumating..at sa punto ring ito e naghahanap na ako ng novena para sa miracle of loaves and fishes..pati prayer for rain e sinali ko na rin..kasi mukang di titigil ang datingan ng mga tao..kasi naman si lola, ang binigay na invitation e 3-6 PM daw! susmaryosep...atoo nga pala ..official potograper din ako..at ang dami nila request na take two..ksi daw di nag fa flash! hayy....digicam po ang gamit ko at tinanggal ko ang flash...

hayan, nag me meeting pa ang mga CWL sa aming sala, ang garahe e puno ng reunion ng mga retirees..officially ubos na ang manok, cakes (madami ito ha, selection ng blue berry cheesecake, red velvet at pineaple pie) at fruit salad..hindi pa rin sila nag aalisan...kaya ako nag retreat na sa kwarto..naiingit nga ako ke Sam, my dog, kasi sya nakatikim ng buto ng fried chicken..ako hindi..

ang mga CWL e me baon pa na mani..yes,adobong mani to be exact..kasi nag memeeting sila for their next fund raising project..tama ba ito? baka dito pa maghapunan ang mga to a..

at sabi ng med ko, me dumating pa daw na bagong batch, yung mga currently employed sa school naman daw at ang neighborhood association..haayyy...

ang pasalamat ko lang talaga, kahapon lang officially nanumbida si lola..isipin nyo na lang kung last week pa ito nag tatawag...

P.S. walang picture ng foods..gone in sixty seconds lahat. unless gusto nyo mga group pictures ni lola?

P.P.S. hindi pa dito nagtatapos ang celebration, bukas daw e pupunta si Father kasi di makakapunta today..hayy...mag tiyaga sya sa hotdog at tocino.

Monday, August 25, 2008

I am tired!

Hay, mag uumpisa na naman ang aking mandatory leave from the tore.. so ten working days ako hindi papasok..usually, e kinukuha ko ang mandatory leave ko at around this time kasi uso ang bagyo at baha..ayoko mag effort pumasok, plus, me two additional days na walang pasok ang agosto kaya effectively twelve days ang bakasyon ko excluding saturdays and sundays..sa totoo lang kung convertible to cash ang mga leaves namin, hindi ako magbabakasyon nuh!

kaya, dahil sa mawawala nga ako sa sirkulasyonng tore, pinilit ko tapusin ang mga dapat tapusin (pero meron pa rin naiwan) tapos ang mga labada ko na dapat patuyuin kaso, di pa rin sila natutuyo dahil madalas umulan..

idagdag pa ang papalapit na kaarawan ni lola..kaya pala for the last two weeks e madalas gumagalabog ang pagsara ng aming mga pinto at bintana. pati ang paglagapak ng pinggan sa mesa e me ibang dating, yun pala kasi di pa ako nag sasalita tungkol sa kanyang parti..nakagawian na kasi mula nuon tumuntung sya ng 70 years old na ipaghanda ang birthday nya..kaso wala si inay ngayun to oversee everything..so kanino na naman trabaho ito? tumpak..ako..wahh..

tinanung ko si lola kung gusto nya dun sa MAx's na lang maghanda..ayaw daw nya at di daw masarap dun..at saka malayo daw sa amin..kaya nung sinabi ko na dito na lang sa bahay maghahanda e nagumpisa na maging busy ang aming telepono..mga twenti lang naman daw ang iimbitahin nya..(pero hindi guarantee na yung iimbitahin nya e hindi mag iimbita ng iba) kaya hayan, ang first day ng aking mandatory leave e ma iispend sa pagluluto ng kung anu man para sa kaarawan ni lola..ganda di ba?

Saturday, August 9, 2008

Tony Hadley in Manila

Last night, nahila ako manuod ng concert ng isang icon nuong '80s. Actuali, mag isa na lang sya ngayun, si Tony Hadley, ang dating lead singer ng Spandau Ballet.

8:00 PM ang sabi na mag start ang concert, so since maaga pa naman, eat muna kami sa isang restaurant na malapit sa Big Dome, yung Butter Diner.

Since gutom na kami, nag order kami ng appetizer muna na dumating naman nung mag de-dessert na dapat kami.

Famous daw sila for their steaks and burgers, pero natikman ko na minsan ang burger dito at di naman kasarapan..

Ito ang order ni L, T-bone Steak..P250.00, sulit na ito.





Ang kay Z, tenderloin tips..with pesto sauce





Ang order ko ay fish fillet with lemon butter sauce..




At ang aming dessert, buffalo chicken wings, although me mga portion na maalat, okay naman ito..lalo na yun sauce..



Butter dinner nga ito..ang daming butter e..(sana nga butter ito)





Since, me clout kami ngayon, ang aming seats e PATRON seats.. .. iba pala ang feeling pag malapit ka sa stage..pang 10th row kami from the stage...at ang seat ko ha, mas nauna pa ke Mike Enriquez at Tina Panganiban Perez..andun din si ARN-ARN ... ay si Arnold Clavio pala yun.. pero syempre di ko naman sila pag aksyahan ng film..

ang naunang first act e yung bandang kumanta ng PCSO theme song..wiz ko know ang group name na pero..me nag vi-violin sa grupo ha..

ang pangalawang first act e yung sabado boys...yung samahan ng mga never has been..kasi di pa man sumisikat, wala na ..si paolo santos, luke mijares, top suzara, jimmy bondoc, at me dalawa pa na wala na ko name recal, pero magaling yung isa..human beat box! palakpakan ang mga tao sa kanya..halos gawin nilang comedy bar ang araneta..

medyo late na nag umpisa ang concert, at kagulat-gulat ng lumabas ang lolo mo ha!

akala ko si al gore ito at ang concert e para sa greenpeace save the environment chorva.


nag-iba na ang itsura nya..mejo 50llbs heavier na sya at wala na sya leeg. pero winner pa rin ang lolo ko, muka ngang naka tira ito bago nagperform e..panay ang sabi ng "Cheers!"

syempre, tayuan ang mga tao sa kanyang mga popular songs! lalo na nung kinanta nya ang with or without you ng U2..dun nag umpisa magtayuan ang lahat..
kumanta rin sya ng song ng Duran-Duran at Queen..and iba pa na kinanta ng mga british group din pero, wiz ko era kaya dead ma akesh..

at during the concert me nag marriage proposal pa..yung presindent ng Tony Hadley Forever (Manila Chapter) ay nag propose dun sa Vice President ng Tony Hadley Forever (Manila Chapter) kaya pala masyado todo bigay yung mama sa pag sayaw at pagkaway..pero actually, hindi magandang proposal ito..hindi kasi sila cute..ang jojonda na nuh..muka nga nag lilive -in na ang mga ito...at siguro naman, hindi sa isang Tony Hadley concert dapat nagpropose nuh! ni wala nga ako narinig from the crowd na "awww..sweet..." kasi hindi talaga..it was so TH to me.hindi ito original.nangyari na ito sa Julia Fordham concert..pero yun cute un..kasi mukang bukal sa loob..e eto mukang contrived masyado...nakakahiya ke papa tony..bwiset...

actually, sad nga ako kasi konti lang ang nanuod..siguro 30% lang o wala pa, ang araneta that night..kasi naman walang advertisement e..pero ang galing pa rin nya talaga, pramis..walang intermission ito..puro water break lang sya..

kaya, eto pag tiyagaan na lang ang isang video clip..madami pa sana ako u-upload kaya lang ang tagal mag process e..tama na ito..saka baka mabwiset lang kayo dun sa babae sa harapan ko na binubura si papa tony sa screen, panay kasi ang tayo at taas ng kamay.bwiset...e hindi naman ako pwede mag away dun, baka ma ban ako sa araneta e..

Friday, August 8, 2008

The Greatest Hits of the '80s, Pinoy Version

So ito ang kwento ng isang adventure sa Aliw Theater!!
Since hindi mag jibe ang schedule ng karamihan at dahil na rin sa layo siguro ng lugar, kaming dalawa lang ni L ang nanuod ng Greatest Hits of the '80s nila Randy, Gino, Louie at Raymond.

Medyo maaga kami so nakapag park kami sa malapit sa teatro, mula dun ay naglakad lang kami papuntang Harbor Square. Si L, bilang isang opisyal na miyembro ng mga nakatira sa hilaga ay hindi pa na oorient sa kapaligirang ito ng CCP, kaya gulat na gulat sya sa dami na ng bagong tayong structures duon.

Nagpasya kaming kumain sa Icebergs, altho ayaw ni L nuong una kasi ayaw daw nya ng halo-halo..kasi naman nuong '80s pa ata sya last nakakain so hindi nya alam na me iba na choices dun.

so para sa aming starter, nag tacos kami.


and then, naisip namin na kailangan namin ng energy later on, order kami ng rib eye tapsilog at sisling sisig


Habang kumakain kami may nagdatingan na n pulutung ng mga tsikiting..oo nga pala, me showing din ng Cinderella ni Ate Lea.

Since ang start ng koncert ay 8:00 PM pa at tapos na kami kumain sa ICebergs ng 6:30, tambay muna kami sa Starbucks dun. Mas maraming tambay dun kasi pati mga nag rereview para sa Bar exam e andun. pero nakasalamuha din naman namin sina franco at ayen-munji laurel..gusto ko sana pa picture para me pruweba kaso ayaw nung friend ko na si "Ninor" according sa kanyang starbucks cup of cofi. (Side note: kaya ako pagtinatanong ng mga barista ang aking name for my order ang lagi ko sinasabi, RED, what could go wrong with that?)

Eniwey, after that, trek na kami towards Aliw Theater...8:00 PM na pero dami pa din wala..Buti na lang ang tikets namin yung pinaka mura, 525 lang. kaya asa last row na kami..5th and 6th seat from the door.


LAte na ang umpisa ang concert. Siguro nag intay pa na me mabili na tickets. Mga one hour late ata. so nung nag umpisa na dumilim ang paligid, lipatan na ang crowd sa mga bakanteng upuan na mas mahal at mas malapit syempre. Kami ni L lumipat din pero di naman kami lumipat ng mas malapit sa stage, ok na sa amin ang mapunta sa 750 worth of seats, kasi walang nag bo block ng aming view at malamig ang aircon!

So, ang umpisa is some kind of a medley ng 80s music, actually, na forget ko na nga kung ano man yun. aba, tilian ang crowd...me fans pa ang mga kuya ko.


tapos nun, spiel sila ng kung anu-anu at wat wat na nangyari sa kanilang life chorva..

then, nawala si louie kasi mag change costume daw.. e ang tagal nauubusan na ng ad lib ang mga kuya, kaya sabi ni Randy, mahirap daw mag gown. wehehehe

tapos, nagulat na lang ang lahat kasi umappear ito sa gitna na ng audience. ayun, hindi agad ako naka recover, ang nakuhan ko,likod na lang..


sing nya dito ang kanyang walang kamatayang, "can't find no reason" tama ba ito, double negative?

after singing his song, tell sya na sa kanilang 4 sya na lang ang walang awasa, pero okay naman daw sya kasi me alaga naman sya pusa. at ang bago nya pinag kakaabalahan e ang pagluluto ng paella na pwede raw orderin..actually, me ad nga daw sya sa Mabuhay, ang in flight magazine ng PAL. P3,500 daw ang isang order pero good for 15 na daw yun. aba, domesticated ang kuya ko.

ang sumunod na kumanta ng kanyang hit e si Gino..gwapo pa rin ang lolo at madaming nagtitilian sa kanya in furness..





Let the love begin ang hirit, so since wala naman si Rocky, meron daw sya special guest na kapartner..
Pinag awayan pa namin ni L kung si sarah geronimo yun o si rachel ann go. tama si L, si rachel ann nga. nabasag ang ear drums namin sa kanya..kasi me solo song sya. tibay din naman nitong ate ko...look at the gown,

Te, ang nag susuot lang ng mga ganyan, yung me cleavage....

pero di sya talaga patitinag...bukless pa ito!

After her ear piercing performance, nag balik ang mga kuya ko for thier rendition ng mga songs as popularized by other songers..syempre nung 80's.

si raymond went for robby rosa



ayan, sya lang ang naka achieve ng singing, "If you're not here by my side" opera version.

si Gino naman, si bad boy michael ang ginaya:


si randy, ginaya si Prince at nagkaisyu sa kanyang pantalon

masyado daw kasi bumukol...as if..e halata naman mejas ang nakalagay dun

at syempre pa ang winner sa lahat, ang ate ko, este kuya louie pala,

si boy george ito! and according to kuya randy, si louie daw ang nag insist na ito ang gawin..tapos sabay sabi na baka me gustong sabihin si louie sa audience...anu kaya ito?

ang finale nila for this segment?? group rendition ng "Explosion"




after that, kumanta naman si raymond ng kanyang hits..i need you back at saan darating ang umaga
kainis lang dito ke kuya raymond, masyado nilaro ang kanyang mga kanta..at inopera style. siguro gusto nya ipakita na sya naman ay nag evolve in 20 years..

tapos si randy naman ang kumanta ng hindi magbabago


after that, nag perform sila ng mga soundtrak hits of the 80s..

si randy yung gotta believe in magic, ang theme from zapped; si gino, footloose ata; si raymond yung theme from breakfast club, at si louie, yung it might be you..ang theme from tootsie..


ateh, anu ba talaga ang gusto mo sabihin?

after that, sing sila ng mga slow songs nila kaya inantok ako..pati na rin ibang pipol



pero nung nag umpisa na silang mag sing ng medley ng popular music kagaya ng mga makabagbag damdaming, jump, tenderness, just get lucky at ang walang kamatayang buttercup, tayuan lahat ng tao..at nag sayawan!! pati si lolo, to the left to the right sya!
all in all, masaya ang concert.. mag to tour nga ang mga kuya sa USA at Canada.. o di ba rumaket pa ang mga gurang.

sulit talaga ang aming 525 na tiket.. winner!

P.s. habang ginagawa ko ito ey tumawag yung friend ko asking about y details dahil ikukuha daw nya ako ng passes for eraserhead reunion concert..at ka text ko si Z para naman sa tony hadley concert na araneta later...hay, so many concerts, so little time.

Tuesday, August 5, 2008

Karne

Nuong minsan, last week ata yun, may uwi si itay na karne..hindi ko alam kung san nya nakuha..(hindi naman sana nakasagasa sya ng kalabaw sa high way kaya meron sya t-bone steak na uwi)..hindi ko kasi inurirat mabuti ang lalagyan.

anyway, since wala kami med(kasi lumayas si ate shawie, na "dedbol" daw ang tatay.) si yaya ang nag prepare ng karne..ang niluto? nilaga..oo, nilagyan nya ng sabaw ang steak, pati patatas, pechay at repolyo. tuwang-tuwa pa ang luka-luka kasi ang dali daw lumambot..buset..

kaya, para dun sa remainder na karne na naiwan sa freezer, ako na ang nagluto.
wala kami grill na hitech, so sa stove top ko lang sinunog ang karne..




ang result ..carcinogenic!


gumawa ang kapatid ko ng mash potatoe kai nung tinanung ako kung ano daw ang terno nung karne, sagot ko, e di "kanin". echoz, naglaga sya ng patatas with mashing-mashing at butter at skim milk. ayun matabang.

ang problema ko lang, ang usok ng bahay namin after ng escapade na iyon. parang hindi ako pwede mag bukas talaga ng sisigan sa garahe namin.

Friday, August 1, 2008

Concerts! Concerts!

Mukang panahon ng concerts ngayon..kung kelan naman nag uulanan.

First project ko e yung Eraserheads reunion concert sa CCP grounds on August 30. Libre daw ito pero meron din gate pass na ipamimigay dahil sponsored ito ng isang yosi company. An aking friend na si L, na dati ko nang nakasama sa "beyonce experience concert" sa da fort, ey game na sumama sa aking escapade. Hindi sya takot ma stampede..me panlaban ata sya sa mga taong naniniksik sa concerts..nung asa kalagitnaan kami ng "beyonce experience" at sa kanugnugan ng tulakan to get a better view of beyonce, bigla sya nag lagay ng tiger balm.. o ha..disappear ang crowd sa aming tabi.daig pa namin ang may force field! ...maybe, mag wo-work ulit ang gimik nyang iyon..

Kahapon nung nagsimba ako sa Malate Church, nakita ko na me karatula sa Cowboy Grill. May show ang Aegis sa Aug. 6..pinamalita ko na ito sa mga tauhan sa torre, kaso ayaw naman nila sumama sa akin unless ilibre ko sila ng sisig at crispy pata..naman! hindi pa kasi ako nakaka expereince g ganitong concert..tapos, naririnig ko naman minsan ang kanta nila dun sa me sumisigaw na ..kailangan pa ba i memorize yan? ...i heard, sikat ang grupo sa japan...pero bakit ayaw nila ako samahan? por da experience lang naman..

Kanina si Z e tinawagan ako, me ticket daw sya for rick astley..hello...andito na ako sa MAlabon, panu kaya ako darating on time sa cubao? baka di ko na abutan ang aking favorite song na strong, strong man madepress lang ako. sabi ko, i reserve na lang nay yung tony hadley..

Yung best of the '80s daw nila gino, randy at louie e mey repeat sa Aliw Theater. Manunuod sana kami nito kaso, mahal ang tiket sa Music Museum..kaso kasabay nito ang concert ni ate shawie sa August 8. Magkakaroon pa ng botohan tyak kung san kami pupulutin sa araw na ito.

Ang last entry ay hindi concert..sabi nung isang kaibigan ko sa torre, si claire dela fuente daw e tumatambay sa kanyang restaurant sa seaside blvd..tapos nagpapaunlak pa ng kanta..pagpaplanuhan ko din ang adventure na ito. kaso wala ako cd ni claire e.