Saturday, August 30, 2008

The Reunion Concert (?)

Umaga pa lang e naghahanda na ako ng mga paraphernalia na dapat dalin para sa reunion concert na ito. Since nagkaron na kami ng training sa pag attend ng concert sa Fort during the Beyonce Experience, alam ko na na kailangan namin ng matibay na mailalatag para maupuan habang naghihintay sa kagrabahan ng venue. So, nag tiklop ako ng matibay na sako, libro, double mint gum, ipod, pamaypay, payong at kamera concealed inside the sako. 5Pm pa ang usapan namin na magkikita-kita sa tapat ng Fullybooked, sa High Street.

At around 5Pm, nagkita kami ng friend kong si M sa tapat ng Fullybooked. Syempre dala nya ang kanilang portable banig na reflectorized. Proceed kami to Pancake House to eat muna while waiting sa kanyang sisterrette na si A, at wait din namin si L na magmumula naman sa S&R kasi nagcarbo load on pizza.

Nakapasok kami at around 6PM na, sus ang sikip at ang daming kaartehan sa gate.."bawal po ang ballpen sa loob, baka me dala kayo." Sagot, "wala ako dala bolpen...kutsilyo meron"..since wala sa listahan ng prohibited items, pasok ito..bawal din ang kung anu-anong form of body spray at pabango so imagine na lang kung gaano katagal na ho hold ang pila sa bawat babaing mag rereklamo at magrarason na "eye liner ito...conditioner ito...tear gas ito..."pati tubig bawal ipasok..so dilema ito sa mga me baon ng tubig na nakalagay sa mamahaling starbucks jug..iiwanan ba nila ng 500 pesos na jug o babalik sa dulo ng pila?

since mejo matagal pa ang aming dapat ipaghintay, nag ubos kami ng oras sa panunuod sa aking ipod..at ano ang showing?? enchanted..


hindi ko nabasa ang libro ko dala since agaw dilim na nuon, baka lumabo ang mata ko..


tilian ang mga tao ng nag flash na sa screen ang digital count down of 10 mins before show starts..



at baket kaya ang daming naninigarilyo..e di ba hindi na ito sponsored ng Philip Morris?
hala paypay ako para umikot ang hangin

grabe ito..ang daming tao..sa may bandang likod na kami nakapuwesto dahil akala namin e mag pupush toward the front ang crowd pag nagumpisa na tumugtog ang banda...mali kami...apparently, puno na ang front at wala na pwede usuran pa

kaya ako, nagtiyaga manuod sa projection screen located sa likod namin..sa halip sa stage ako nakaharap, nakatalikod ako..

ang unang kinanta e "alapaap"..tilian ang mga tao at daig pa nito ang biggest rockeoke in the Philippines..iba talaga ang hatak ng bandang ito..parang isang time machine ang concert..lalo na nung nagpakita sila ng clips on UP when the band played Sembreak..dati rati 40 pesos lang, mapapanuod mo na sila ng malapitan..ngayon..1,300 na ang nilaglag ko asa malayung lugar pa ako...etong mga shots na ito e kinuha ko na naka super zoom ang camera over the top of my head..


kapansin-pansin na parang mga mekanikal robot ang apat na ito..ni wala man lang light banterings..ni hindi nag uusap..at ayon sa aming bubuwit, kahit daw sa rehearsal e hindi nag uusap ang mga ito..maybe hindi naman nila talaga gusto mag reunion..sana nga hindi na lang sila nag reunion kasi pinaasa lang nila ang madaming tao..na all will be well and that they will live happily ever after...

after so many songs (15 ata) nag break sila for the second set..at syempre pa hindi na sila bumalik dahil sa "medical emergency" ni ely..ewan ko lang..pero ako , including my friends did not bite..baka nastress sya at ayaw niya pagbigyan ang clamor ng mga tao for a GROUP HUG. sabi nga ni L kung tutuong kailangan i rush ito sa hospital, baket wala kami narinig na alulong ng ambulansya?

since wala naman magagawa ang mga tao, unti-unti na slang ag proceed sa exit..at baket nga pala walang nag reklamo ng refund ang kalahati ng binayad namin sa tiket??

so sa sama ng loob namin, ikinain na lang namin ang gabi..ang hirap pa naman maghanap ng makakainan sa serendra..si A pa naman e nde pa kumakain ng hapunan..

sa Mary Grace Cafe kami pinulot..






pati dessert tinira namin.

Kaso, hindi na appease ng pagkain ang aming mga damdamin na daig pa ang nadaya sa jueteng.
so, ang siste, habang pauwi kami e panay pa rin ang diskusyon sa pangyayari..natural kailangan panindigan na me slight attack ang lead singer..baka bawiin ang talent fee noh..hay...kahit ba sya
hate na na magkaroon ng happy endings?..

kanina sa the buzz e pinakita pa ang ambulansya na naghatid ke ely sa Makati Med. me friend ako na doktor na inutusan ko i research ang mga pangyayari kasi me balita na nilipat si ely sa heart center..until makakuha kami ng report about dis, we stay with our assumptions.

No comments: