pala ang driver's license ko..kung di ko pa kailangan mag pa xerox ng ID e di ko mapapansin na isang buwan na expire ang lisenysa ko..ang bait ko tuloy magmaneho..lahat ng red light hinihintuan ko
kaya last tuesday since wala naman pasok sa tore e iniskejul ko na mag renew at makipagkita na rin sa mga friends ko sa Makati..
nung umaga, inatempt ko mag renew sa lto dito sa malabon..hay, di ko kineri ang pipol..last time kasi na nag renew ako dito e inabot ako ng tatlong araw na pabalik-balik..e kanina, unang step pa lang ng medical, retreat na ako..aside for dugyutin ang mga taong kasabay ko..dark and dreary pa ang lugar na paggagawan ng medical..ma holdap pa ako dun.. so walk out ang byuti ko ang go ako sa LTO satellite office sa may ayala MRT. kaso, dumating ako ng makati na mag lulunch na kaya inuna ko muna tsumika sa mga friends ko from my once and future office(?)..after so many tsika saka lang ako nagpunta sa LTO-MRT..awa ng jios, papaunta pa lang sa mRT station nawala na ako..malay ko ba kung saan ang bridgeway from SM to MRT noh..
kaya alas 2 na ako nakapila sa medical..sus ang dami rin tao..pero at least mga muka naman empleyado at mga bosing ang kasabay ko..me ingles speaking pa nga e..tapos para sa medical, kailangan nila ng 100ml na sample ng urine..pasalamat na lang ako at nag iced tea ako nung lunch tapos nag matapang na kape after..ayun..puno agad ang bote..unlike yung iba na kailangan pa nila i induce ng mineral water ang kanilang pantog..
dahil sa dami ng tao sa medical..3:30Pm na ako nakapag start sa LTO proper..in furness, efficient naman sila.mabilis sana ang proceso kung mas madami ang acredited medical facility...ito lang ang mga obserbasyon ko:
1. mababait yung mga lto employee sa ayala mrt, in fairness, work naman sila talaga..kaya nga nung sinabi nung gel na kumukuha ng picture na "smile", smile naman ako for my id..kaya ayun, maganda ang id ko..unlike yung isang friend ko na gusto na iwala yung ID nya para makapag execute na sya ng affidavit of loss at makapagpa picture ulit.
2. masungit ang cashier, kailangan exact ang ibibigay mo sa kanya bayad oderwise di ka nya susuklian ng .35 cents;
3. me isang mama na mukang bisor ng kumpanya, ask nya kung pwede daw palitan ang restriction code ng kanyang lisensya kasi automatic na ang kotse nya ngayon..hello??
4. pag sinisigawan ang mga lto government employee, di ka nila tutulungan..me isang babae tinawag over the mike.."xxxLourdes", lapit si manang at demanded, in a high and angry tone.."wat did you call me?" Lourdes? i had my name changed last 2004 to Mary Lou..tsubalutsubalu..bakit di pa napapalitan sa records nyo"..ang end result..pinabalik sya sa issuing LTO office nya..kasi naman pwede naman makuha sa mahinahon na usapan e..
5. pag me citation tiket ka from the mmda me cross referencing na sila with lto.. 1 yung di naka renew kanina dahil me outstanding tiket from mmda;
6. kahit duleng pwede mag drive sa pilipinas..tru ito kasi katabi ko yung mamang nag renew ng licensya kanina..at doble vision sya..
No comments:
Post a Comment