Wednesday, July 29, 2009

saving Sam



matagal akong di nakapag online


ito ay dahil may sakit si Sam..my dog

si Sam ay isang labrador retriever..


pag umaga ng sabado, nakadungaw na yan sa bintana ng kwarto at nag aayang makibaglaro..





marunong sya mangatok ng bintana..




magnakaw ng panty ng maid...

pero most of the time..nakatihaya lang sya sa garahe..

kaya sobra syang overweight...kaya nung nagkasakit sya..hindi namin alam kung paano dadalin sa vet...hindi namin alam kung me nakakagat na hayop o me natapakan na sharp object si sam...
basta na lang nakita namin last friday night na namamaga ang kanyang right hind leg...naging sin laki ng paa ng elepante

e tapos, mukang nagpagtripan nya yung sugat nya kya mukang naimpeksyon at lumala ito.. para tuloy nagmukang sinabugan ng five star nung bagong taon..no choice kami kaya tiyagaan na isinakay namin ni brotherhood sa pajero si sam, habang ang buong mamamayan e nakatigil sa kanilang ginagawa at nanuod habang nagbubuno ang buong pamilya namin na isakay si sam..

hay, kinailangan sya i confine for two days.. e 1,500 ang bawat araw..daig pa nito ang medical city!! tapos di pa kasama dun ang bayad sa doktor, gamot at pagkain..pati cleaning ng wound e 600 ang bayad...pero naman dahon ng bayabas lang naman an panglangas nila..according to them effective daw yun..

naiuwi naman namin sya ng matiwasay..kaso kinabukasan..nung lilinisan ko na dapat sya ng sugat, nakawala ang doggy..kaya habol naman akesh.. e kagigising ko pa lang..ni hindi pa ako naghihilamos...at nagsusuklay..


asong gate kasi kaya naunahan pa ako..naghabulan kami hanggang kabilang kanto.. e since me sugat nga sya sa paa..after sometime e napagod na sya..at ayaw umuwi..at since malaking aso ito, tawag pansin kami sa buong barangay...e hindi ko naman kaya buhatin since malaki pa sya sa akin...buti na lang yun isang nakatira dun sa bahay na malapit sa tinambayan ni sam, kilala ako..binigyan ako ng monobloc na upuan habang nag iintay ako na sipagin ulit si sam na umuwi ng bahay..nag offer pa nga na lagyan ako ng sign na notaryo publiko..buset..syempre..pagkakataon na rin ito ng mga mahadera kong kabarangay na interbyuhin ako..mega tanung sila kung ketching wiz pa rin nagpapakasal ang byuti ko..ang sagot ko naman, wala pa ako nakikita na magbabayad..alangan naman ako gumasta...
hay, buhay..buset talaga ang asong me sakit...

kaya, eto for 28 days e dapat uminom si sam ng anti biotic na 65 pesos ang isa..to be taken 4times a day..at kailangan pa linisan ng sugat..2times a day...hay...hirap..buti na lang understanding si boss.

Monday, July 20, 2009

panic mode

hindi pa natatapos ang julio e mukang fully booked na ang aking agosto...

staring last week ng july e abala na ang byuti ko sa iba-ibang booking all the way to august.. from binyag to press con to get togethers to reuinon to birthday parties to concerts...

kanina ay tumawag ang secretary ng ultimate boss ko at pina bo block off na ang august 14 ko kasi nga grand birthday celebration ever ng ultimate boss... e iyun pa naman ang powerful of all my former bossesko kasi sakop nya ang lahat ng fields..from political, to showbiz to commercials...
sabi naman ni secretary e smart casual lang ang attire kahit na sa isang grand ballroom ang venue..keri ko naman ang smart, pero ang casual? di ko ata alam ang style na yun..nevertheless...o my gash...i only have less than 3 weeks to prepare! and joba-joba ko pa naman ngayun kasi nga wala ako exercise!!! mukang kailangan ko na talaga mag xenical!!

Friday, July 17, 2009

Bagyo

achuli, according sa PAGASA, wala naman bagyo dito sa metro manila..kaso ang lakas ang ulan at hangin dito sa aming barangay..kaya ang siste, ako na naman ay like a flower, surrounder by water..no one can enter except..

buti na lang nagka kuryente na at me internet na muli...
buti na lang din at understanding ang bosing ko kung bakit ako absent ngaun
hindi ko tuloy alam kung matutuloy kami pag uwi sa nueva ecija bukas para sa grand celebration ng birthday party ng lolo ko...
e nagtext pa naman ang tyahin ko na nagpapalambot na daw sila ng isang kawan na manok..
at nakuha na daw nila ang baboy na lilitsunin..e umuulan kaya..san sila maglilitson, sa sala?
ewan ko ba.. si inay mukang tinatamad na din naman umuwi..
hay long weekend ako, unofficially..buti pa ang gobyerno nagdeclare na walang pasok...

Thursday, July 9, 2009

deadline...

lintek talaga ang SEC..napaka aaaarrrrttteeee....

lupapay ang byuti ko sa pagrerevisa ng aming napakahirap intintihin na information statement..kasi naman.. sa loob ng isang taon me reverse acquisition at share swap na pangyayari kaya ang gulo ng financials...
ang buong araw ko e naubos kakarevise ng report..pagkatapos nito, pwede na ako siguro mag exam for CPA..buset..
kasi naman ang examiner na na assign sa amin e super kalowkah...kahapon nagsubmit na kami at naghintay ng clearance galing sa kanya..aba, alam nyo ba ang ginawa? iniwanan ang trabaho at nagbowling ng 3PM dahil me sportfest daw sila..tama ba ito? tapos kanina naman, waiting agen aketch for her go signal sa aming revised financials pero asan ang lola ko..according to the person who answered the phone..nag ae-aero po..pero babalik ng 6PM..kukukinanginah!!!!

ayun 630PM ko na nakuha ang clearance..leche.. e ilang kopya pa ang dapat gawin at deadline na mamya...hay...as kuya germs would sey...walang tulugan!!!!

Wednesday, July 8, 2009

Transformers vs. Teatro

hmmm, boring naman ang transformers... granted papanoorin mo sya dahil nanuood ka ng trnasformer 1 at medyo mawawala ka sa uso at kwento kug di mo napanood ang transformers2. pero wala namang saysay ang batch 2...napaka cheesy ng storya...
at bawat shot ni megan fox ay puro project..hanubah..oo na, seksi sha pero wiz nya maagaw ang korona ni angelina jolie ever!!

buti na lang at me salvation ako ng teatro..napanuod ko rin sa wakas ang "kalungkutan ng mga reyna" starring of course tuxqs rutaquio as sir marcel at shamaine bunecamino as the queen. in furness, puno ang teatro nung gabing manuod ako together with my teather bugaw..sana sa mas malaking venue ito ginawa..
sa sobrang galing ni shamaine, gusto ko nang maniwala na kailangan nga ng bayang ito ng isang leviathan queen..actually, habang nasa stage sila at nag di dialogue e kinakabahan ako na may biglang pumasok na mga militar at ipahinto ang pagtatanghal..buti naman at natapos ng matiwasay ang dula..

ang galing ni tuxqs sa kanyang performance..winner ang bow ever..sana lang mas maganda ang gowns at costume ni queen shamaine..hay naku, pag tama ko talaga sa lotto....