Thursday, July 9, 2009

deadline...

lintek talaga ang SEC..napaka aaaarrrrttteeee....

lupapay ang byuti ko sa pagrerevisa ng aming napakahirap intintihin na information statement..kasi naman.. sa loob ng isang taon me reverse acquisition at share swap na pangyayari kaya ang gulo ng financials...
ang buong araw ko e naubos kakarevise ng report..pagkatapos nito, pwede na ako siguro mag exam for CPA..buset..
kasi naman ang examiner na na assign sa amin e super kalowkah...kahapon nagsubmit na kami at naghintay ng clearance galing sa kanya..aba, alam nyo ba ang ginawa? iniwanan ang trabaho at nagbowling ng 3PM dahil me sportfest daw sila..tama ba ito? tapos kanina naman, waiting agen aketch for her go signal sa aming revised financials pero asan ang lola ko..according to the person who answered the phone..nag ae-aero po..pero babalik ng 6PM..kukukinanginah!!!!

ayun 630PM ko na nakuha ang clearance..leche.. e ilang kopya pa ang dapat gawin at deadline na mamya...hay...as kuya germs would sey...walang tulugan!!!!

2 comments:

grace said...

hahaha! sa CFD ba to? sino examiner? isusumbong ko ke Chair Barin... :p

muni.muni said...

saan pa nga ba?? buset talaga.. kasi ikaw lumayas ka e..wala tuloy ako clout duon...