matagal akong di nakapag online
ito ay dahil may sakit si Sam..my dog
si Sam ay isang labrador retriever..
pag umaga ng sabado, nakadungaw na yan sa bintana ng kwarto at nag aayang makibaglaro..
pero most of the time..nakatihaya lang sya sa garahe..
kaya sobra syang overweight...kaya nung nagkasakit sya..hindi namin alam kung paano dadalin sa vet...hindi namin alam kung me nakakagat na hayop o me natapakan na sharp object si sam...
basta na lang nakita namin last friday night na namamaga ang kanyang right hind leg...naging sin laki ng paa ng elepante
e tapos, mukang nagpagtripan nya yung sugat nya kya mukang naimpeksyon at lumala ito.. para tuloy nagmukang sinabugan ng five star nung bagong taon..no choice kami kaya tiyagaan na isinakay namin ni brotherhood sa pajero si sam, habang ang buong mamamayan e nakatigil sa kanilang ginagawa at nanuod habang nagbubuno ang buong pamilya namin na isakay si sam..
hay, kinailangan sya i confine for two days.. e 1,500 ang bawat araw..daig pa nito ang medical city!! tapos di pa kasama dun ang bayad sa doktor, gamot at pagkain..pati cleaning ng wound e 600 ang bayad...pero naman dahon ng bayabas lang naman an panglangas nila..according to them effective daw yun..
naiuwi naman namin sya ng matiwasay..kaso kinabukasan..nung lilinisan ko na dapat sya ng sugat, nakawala ang doggy..kaya habol naman akesh.. e kagigising ko pa lang..ni hindi pa ako naghihilamos...at nagsusuklay..
asong gate kasi kaya naunahan pa ako..naghabulan kami hanggang kabilang kanto.. e since me sugat nga sya sa paa..after sometime e napagod na sya..at ayaw umuwi..at since malaking aso ito, tawag pansin kami sa buong barangay...e hindi ko naman kaya buhatin since malaki pa sya sa akin...buti na lang yun isang nakatira dun sa bahay na malapit sa tinambayan ni sam, kilala ako..binigyan ako ng monobloc na upuan habang nag iintay ako na sipagin ulit si sam na umuwi ng bahay..nag offer pa nga na lagyan ako ng sign na notaryo publiko..buset..syempre..pagkakataon na rin ito ng mga mahadera kong kabarangay na interbyuhin ako..mega tanung sila kung ketching wiz pa rin nagpapakasal ang byuti ko..ang sagot ko naman, wala pa ako nakikita na magbabayad..alangan naman ako gumasta...
hay, buhay..buset talaga ang asong me sakit...
kaya, eto for 28 days e dapat uminom si sam ng anti biotic na 65 pesos ang isa..to be taken 4times a day..at kailangan pa linisan ng sugat..2times a day...hay...hirap..buti na lang understanding si boss.
No comments:
Post a Comment