Monday, August 31, 2009

UP


at dahil official holiday, go aketch sa movihaus to catch UP! anoder animated feature from pixar..

as always, madami na naman akong mga kabataan na kasabay manuod.. hmmpp, nag pa late na nga ako ng panunuod nito para wala na gaano ako kasabay manuod e.. madami pa rin sila...

umpisa pa lang e touching na ang istorya..yun katabi ko nga e nanghingi agad ng tissue in the first 5 minutes pa lang ng movie...

pwede pa lang lumipad ang isang bahay by da use of thousand and thousands of helium baloons..kaya lang paano na ang environment nito?

Tuesday, August 25, 2009

sick leave

nag sick leave ang beauty ko today..
umaandar na naman ang aking hyper acidity..
so naiskejul na naman ang aking once a year ata na reunion with my gastro enteritist specialist doctor chubalu...

syempre ang hospital e located somehwere in binondo ( i repeat, hindi kami chinese) papunta pa lang duon e na trapik na ako kasi naman e me beutification project ang MMDA.. pinipinturahan nila ng pink ang lahat ng squatters houses.. buset.. kung gusto nila maganda ang paligid e pulutin ang mga kalat, linisin ang estero, tanggaling ang mga tricyle, pedicab at tindahan sa karsada!!!

eniwey..padating ko sa ospital, pang number 9 na ako...take note, alas 10AM pa lang yun...start dapat ng clinic time ..
e kaso nagugutom na ako..so kumain muna ako ng lugaw with fish..kahapon, ang lunch ko e luag with fish, kanina luagaw with fish ulit.. kaya kanina nang tinimbang ako, bumaba na by 1 kilo ang timbang ko..

e me operasyon ata si dok..kaya waiting game ako, buti na lang me dala ako ipod at libro..aba na low bat na ang ipod ko, at nakaka 3 istorya na ako, wala pa rin..
kaya pala patient ang tawag sa mga pasyente ng doktor..kase patient ka dapat mag intay.. dapat talaga ng doktor na alng ako.. aba, e pag doktor ang na lelate, ok lang..pag napagaling pa nila ang pasyente, hero at bayad agad, me regalo pa.. e ang abugado? ..kung pwede nga lang di puntahan ang abogado, di pupuntahan.. at kung pwede di bayaran, di babayaran..at lalong ayaw sila makita ng mga tao..hay lost.

eniwey.. after 3 hours..yes 3 hours, nakita ko na si dok..
as usual..ganun ganito, bakit masakit, ano kinain, higa sa kama (para mag examine) and then reseta..
bawal na daw ako kumain ng fatty foods, mamantika, at mga karne..at san damakmak na gamot (buti na lang me generic na) at oo bawal na din ang soft drink..huwat???
my gashh.....kaya ko ba ito? paano na alng ang aking favorite cake, ice cream at chocolates?

Tuesday, August 18, 2009

Ristras, Mexican Kitchen (ata)

or whatever....basta pagkatapos namin manuod ng concert ni joey a. gusto ko kumain ng lugaw, with tokwa ta lumpiang toge na pirito...

drive kami sa greenhills at baka sakali me bukas na restaurants duon..aba, maagang nagsara ang mga establishments dun, di ba sila marunong mag nightlife?

eniwey.. sa may bandang san juan na kami napadpad, at inadventure namin ang Ristras..



mga pinatuyong sili..



fish tacos



beef quesadillas



beef burrito

ang chef/owner daw nito ay yung may ari din ng cyma.. so okay naman ang lasa ng fud..pero medyo pricey sha... maliit lang ang place, at siguro kung busy day, mahirap kumuha ng parking...nakatiyempo lang ako kasi 12AM na nung dumating kami dito..tiyempo naman na paalis na sila donita rose...
buwiset lang ang mga maiingay na naiwan nya...open daw ito up to 1AM...

pero parang mas gusto ko pa rin ang lugaw...


Sunday, August 16, 2009

Incomparable..da concert




Back in town ang aking idol na si joey albert for a concert sa SKY dome ng SM City (ang trying hard, copy cut ng araneta coliseum)

in this concert kasama nya sa stage si basil valdez, na idol naman ng aking frend na si X.

kaya trek kami sa Q.C. nung saturday night..mahal ang tiket ha..2250 ang isa...

nakita ko sa venue ang aking hair dresser sa basement salon na si raki..apparently, sya ang hairdresser ni joey a.. hmm.. dapat na ba ako bumalik sa basement salon??

nung kinuha namin ang aming tikets e mejo nakuha ang mga choice seats.. kaya tyaga kami sa 3rd row at the left side from the stage..
ang aming mga seatmates nga e lumipat dun sa mas murang seats kasi mas kita daw nila..ako? wiz ako lilipat..mahal binayad ko noh!! at saka nung umalis na sila, mas nakita ko na ang maayos ang stage...

me front act naman..kaso wiz ko kilala ang babaita.. supposedly e nanalo sya sa isang world wide competition on the performing arts..e kaso, hmm, me pagka trying hard ito.. i medly ba naman ang i have nothing, you'll never walk alone at power of love..aba, sacrilege


opening salvo pa lang ng dalawa ay excited na ang mga katauhan...




still pretty ang lola ko...



syempre kinanta ni joey ang kanyang mga hits..including this one..





hindi ako makapagrecord ng mahabahaba kasi 1/4 pa lang ng show e umiilaw na at nag wawarning ang aking camera na pagod na sya at low bat...

si basil also did his signature songs.. walang kupas ang mama, effortless kung kumanta..at me bago na sya talent.. marunong na sya kumanta in sign language



ang encore piece nilang dalawa ay ang kantang "the prayer", in fairness, mas magaling pa si basil kesa ke josh groban..




asa crowd din si claire dela fuente...gusto ko sana mag papicture with her kaso.. me pagka majongit ang lola ko..sayang..


this was taken sa backstage exit..while wait ako na lumabas si joey..

e tapos me nagsabi na nagpaiwan daw sa loob si joey to greet the fans.. hay, go agad ako sa loob for the meet and greet at medyo maikli pa ang pila...

kaso, wala ako pwede papirmahan...kaya dali-dali ko inutusan ang aking PA to buy a CD sa labas ng venue at yun ang papapirmahan ko...
pagbalik ni PA, ang dala e CD ni basil at sold out na daw ang CD ni joey..hay...panic mode... ang ticket na lang ang papapirmahan...hala nawawala ang ticket!!! 2 people na lang ang layo ko from joey..

kaya eto ang napirmahan nya..


yes, iyan e calling card ko sa office...its a choice between dat or resibo ng mercury drug...

tapos, me picture na kami together, yehey... (look nyo sa FB ko)...
e hindi ko na napigilan ang aking sarili.. since ito naman ang first time na nalapitan ko talaga sya ever..sabi ko, "i've been running after you since i was in high school". tapos sabi nya,"aww, well now you caught me." and after that nag hug at beso kami.. very sweet at down to earth talaga sya...

and all these were not captured in film by my PA.. kasi nanuod lang sya sa mga pangyayari sa amin...at na star struck..
kaya bukas na bukas..wala na sya trabaho...

Saturday, August 15, 2009

Ultimate Boss' Birthday

Last Friday night ay 70th birthday celebration ng aking ultimate boss...sya ang aking unang-unang amo after finishing school (well, technically ..hindi pala sya)..sakripisyo ang pagpunta sa party place..kasi naman asa bundok ako ng ortigas at ang venue e manila diamond hotel...tapos di ba 630PM ang official out namin..kaya drive to the max ako, with the matching rain pa nga..buti naman at pagdating ko e di pa masyado late at me pagkain pa natira..at sa partying ito, nakakasiguro ako na ang nagbayad e yung mga anak ni boss at di malacanang

pagpasok ko pa lang sa lobby e alam ko na mejo late na ako kasi ang daming mga body guards na nakatambay sa tabi-tabi...si ultimate boss kasi e fixture at immovable object na sa mundo ng pulitika

pagkakain e mingle na ang byuti ko with them..so since me dala ako digicam e picture galore ako..
andun kasi si jejobama binay (na hindi ko napicturan kasi ang bilis umalis pagkakain)...si sen. loren, si gov. fr. ed panlilio (e paano ba babatiin si gov. na isang pari? gusto ko nga sana magmano e)..mga justices..pati si baby arenas..kaso di ako nakapagpapicture...
ang ultimate ko na hingangad makapagpapicture e dito sana sa mamang ito..
kaso....




ang mga bruhang ito e nilaglag ako at ako ang ginawang opicial fotographer...
di bale sa akin naman nakatingin si erap...

Wednesday, August 12, 2009

the mudra is back!!!



excited akesh... apparently e bumalik na sa katinuan si mudra dione warwick at fresh from the departure from her psychic network ay mag coconcert dito sa Pilipinas sa Oktubre...

hay, mahal ng tiket ha...

kaya, mga kafatid, save up na tayo for a seat...wala tayo pag - asa mabigyan ng compli..

please e-mail me kung group effort ito..dats wat frends are for....

Sunday, August 9, 2009

ano daw??










patawa ang quiz na ito, pramis.....

Friday, August 7, 2009

da bakeshop


may isang bagong bukas na bakeshop ako na laging nadadaanan ko bago ako makarating ng bahay..

naiintriga ako kasi ang kulay ng kanyang shop e orange..tapos mukang presentable naman ang kanyang mga goodies..

e kaso tuwing dadaan ako sa tapat nung bakeshop na iyon e mahirap magparada ng sasakyan kasi madami lagi naka park..kasi naman palaging puno ang lamayan ng floresco funeral homes... oo katabi ang bakeshop ang isang punerarya.

eniwey, kanina e wala gaano sasakyan kaya ako ay naka tiyempo na isakatupran ang aking matagal ng pakay..

kaso, nung bumubili na ako, namukhaan ko yung tindero..nung elementary ako, nakakatunggali ko ito pag merong mga inter school competition kami tulad ng quiz bee, spelling bee at kung anu-ano pa..

e malamang namukhaan din nya ako.. kasi, tinawag nya ang nanay nya para yun ang magbenta sa akin..

aba, nainsecure ang mama???

e mas lalo siguro nainsecure nung nakita pa kung saan ako sumakay after ako bumili sa kanya..(nakita ko ata sya na sinusundan ako ng tingin from the bakeshop..)

ok naman sana ang kanyang goodies.. kaso, medyo masyado matamis... pero yung caramel brownie (na wala na sa picture, masarap naman) pero malamang di na ako ulit bibili dito.. ano payamanin ko sya??

Thursday, August 6, 2009

Carlo's Pizza

minsan, napadpad kami dito sa carlo's pizza sa morato...


pretending to be don henrico's ito..


presenting, da food:



onion rings...matabang..kung wala itong ranch sauce..ndi ito masarap


buffalo wings.. ang lasa nito ay nagmumula sa barbeque sauce na nakapalibot sa manok..


hindi man lang mozzarella ang cheese nila.. quickmelt ito...at ang sabi e special ang crust..ndi naman
fruit juices..


maliit lang ang lugar...kaya ang problema ng baklita sa tabing table namin tungkol sa pagpapahinto nya ng construction sa kanyang condo unit e dinig na dinig ko habang ang sagot ng kausap nya sa cellphone e nadidinig ko din...


ang verdict...
don't bother..hindi sya value for money kasi ndi naman sya ganun kasarap.. don henrico's pa din...ordinary ang lasa ng mga pagkain dito

Tuesday, August 4, 2009

haircut adventure ulet...

tumitikwas na naman ang hairdo ko..

kailangan ko na naman pagupit..

gusto ko sana i try ang toni and uy kasi si inay e init-na init na pagupitan ako ng maikling hairdo ulet..

go naman ako sa toni n guy essentials sa trinoma..
kaso pag dating ko duon..kahit na 630 PM pa lang e ako ay itinaboy na at di na daw kaya mag gupit ng mga hair technician nila..o di ba?? mag turn away ng customer?

sa bwiset ko..naghanap ako ng parlor na iba..hanggang sa makita ko ang menage salon..

kaya nagpagupit na rin ako.
e kaso ang nakatoka sa akin e gerlah na hairdresser (mas gusto ko kasi na bading ang gumugupit sa akin, mas me oomph.. at dating..)
kaya, haircut adventure fail ito..
kamuka ko si GMA nung me state of da nation address ito...

Monday, August 3, 2009

isang reunion

nagkaroon kami ng mini-reunion last Sunday sa bahay ng aming kaibigan na si Melanie...

last time na nagkita-kita kami e magpapasko...kaya para magkaroon ng dahilan na magkita-kita kahit na asa paligid lang si jolina da bagyo..napagkasunduan na mag potluck na lang..

ang bahay ni melanie e nasa kabilang dulo pa ng express way...

pero gustong gusto namin dito mag ge get together kasi iba ang ambiance..


sosyal..at madami med kaya di kami nagliligpit after..hahaha

mabait pa si mama, pinagluto kami ng pusit at pinagtimpla kami ng kape...nagluto pa rin ng sinigang na baboy kahit sabi ko di na ako kumakain ng pork...



eto ang contibution ng mga katauhan..















sosi na kape..single serve ito.. at high tech ang kopi maker..naghahanap nga ako ng huhulugan ng limang piso e..


ang bilis ng oras...mula umpisa hanggang matapos e panay tawanan at alaskahan lang..varied naman ang aming topics, mula sa mga presidentiables to tita cory's passing to my up and coming showbiz career..pati na rin ang buhay ng mga kaklase namin, kung sino na ang hiwalay, kung sino ang me buhok pa at kung sino ang ubod pa rin ng yabang...

kaya kung wala ka sa reunion na ito, malamang ikaw e naging topic..kaya sa susunod, wag ka na mag aabsent