Back in town ang aking idol na si joey albert for a concert sa SKY dome ng SM City (ang trying hard, copy cut ng araneta coliseum)
in this concert kasama nya sa stage si basil valdez, na idol naman ng aking frend na si X.
kaya trek kami sa Q.C. nung saturday night..mahal ang tiket ha..2250 ang isa...
nakita ko sa venue ang aking hair dresser sa basement salon na si raki..apparently, sya ang hairdresser ni joey a.. hmm.. dapat na ba ako bumalik sa basement salon??
nung kinuha namin ang aming tikets e mejo nakuha ang mga choice seats.. kaya tyaga kami sa 3rd row at the left side from the stage..
ang aming mga seatmates nga e lumipat dun sa mas murang seats kasi mas kita daw nila..ako? wiz ako lilipat..mahal binayad ko noh!! at saka nung umalis na sila, mas nakita ko na ang maayos ang stage...
me front act naman..kaso wiz ko kilala ang babaita.. supposedly e nanalo sya sa isang world wide competition on the performing arts..e kaso, hmm, me pagka trying hard ito.. i medly ba naman ang i have nothing, you'll never walk alone at power of love..aba, sacrilege
opening salvo pa lang ng dalawa ay excited na ang mga katauhan...
still pretty ang lola ko...
syempre kinanta ni joey ang kanyang mga hits..including this one..
hindi ako makapagrecord ng mahabahaba kasi 1/4 pa lang ng show e umiilaw na at nag wawarning ang aking camera na pagod na sya at low bat...
si basil also did his signature songs.. walang kupas ang mama, effortless kung kumanta..at me bago na sya talent.. marunong na sya kumanta in sign language
ang encore piece nilang dalawa ay ang kantang "the prayer", in fairness, mas magaling pa si basil kesa ke josh groban..
asa crowd din si claire dela fuente...gusto ko sana mag papicture with her kaso.. me pagka majongit ang lola ko..sayang..
this was taken sa backstage exit..while wait ako na lumabas si joey..
e tapos me nagsabi na nagpaiwan daw sa loob si joey to greet the fans.. hay, go agad ako sa loob for the meet and greet at medyo maikli pa ang pila...
kaso, wala ako pwede papirmahan...kaya dali-dali ko inutusan ang aking PA to buy a CD sa labas ng venue at yun ang papapirmahan ko...
pagbalik ni PA, ang dala e CD ni basil at sold out na daw ang CD ni joey..hay...panic mode... ang ticket na lang ang papapirmahan...hala nawawala ang ticket!!! 2 people na lang ang layo ko from joey..
kaya eto ang napirmahan nya..
yes, iyan e calling card ko sa office...its a choice between dat or resibo ng mercury drug...
tapos, me picture na kami together, yehey... (look nyo sa FB ko)...
e hindi ko na napigilan ang aking sarili.. since ito naman ang first time na nalapitan ko talaga sya ever..sabi ko, "i've been running after you since i was in high school". tapos sabi nya,"aww, well now you caught me." and after that nag hug at beso kami.. very sweet at down to earth talaga sya...
and all these were not captured in film by my PA.. kasi nanuod lang sya sa mga pangyayari sa amin...at na star struck..
kaya bukas na bukas..wala na sya trabaho...
No comments:
Post a Comment