nag sick leave ang beauty ko today..
umaandar na naman ang aking hyper acidity..
so naiskejul na naman ang aking once a year ata na reunion with my gastro enteritist specialist doctor chubalu...
syempre ang hospital e located somehwere in binondo ( i repeat, hindi kami chinese) papunta pa lang duon e na trapik na ako kasi naman e me beutification project ang MMDA.. pinipinturahan nila ng pink ang lahat ng squatters houses.. buset.. kung gusto nila maganda ang paligid e pulutin ang mga kalat, linisin ang estero, tanggaling ang mga tricyle, pedicab at tindahan sa karsada!!!
eniwey..padating ko sa ospital, pang number 9 na ako...take note, alas 10AM pa lang yun...start dapat ng clinic time ..
e kaso nagugutom na ako..so kumain muna ako ng lugaw with fish..kahapon, ang lunch ko e luag with fish, kanina luagaw with fish ulit.. kaya kanina nang tinimbang ako, bumaba na by 1 kilo ang timbang ko..
e me operasyon ata si dok..kaya waiting game ako, buti na lang me dala ako ipod at libro..aba na low bat na ang ipod ko, at nakaka 3 istorya na ako, wala pa rin..
kaya pala patient ang tawag sa mga pasyente ng doktor..kase patient ka dapat mag intay.. dapat talaga ng doktor na alng ako.. aba, e pag doktor ang na lelate, ok lang..pag napagaling pa nila ang pasyente, hero at bayad agad, me regalo pa.. e ang abugado? ..kung pwede nga lang di puntahan ang abogado, di pupuntahan.. at kung pwede di bayaran, di babayaran..at lalong ayaw sila makita ng mga tao..hay lost.
eniwey.. after 3 hours..yes 3 hours, nakita ko na si dok..
as usual..ganun ganito, bakit masakit, ano kinain, higa sa kama (para mag examine) and then reseta..
bawal na daw ako kumain ng fatty foods, mamantika, at mga karne..at san damakmak na gamot (buti na lang me generic na) at oo bawal na din ang soft drink..huwat???
my gashh.....kaya ko ba ito? paano na alng ang aking favorite cake, ice cream at chocolates?
No comments:
Post a Comment