suddenly.. wala na sa top three ang aming place in flooding history...
worst hit ang Marikina, cainta at pasig...
last saturday ang inakala naming normal weather disturbance turned out to be a super duper typhoon...
alas diyes ng gabi habang walang ilaw ay minomonitor ko ang flood level sa labas ng bahay namin kasi mejo alarming na ito..
by 11PM, tumawag na kami ng tanod sa labas at pinabuhat na namin ang ref.. si rudolp instead na i jack lang as sugested by my mader e pinatakbo ko na sa driver to higher ground.. medyo di maganda ang feeling ko ng gabing iyon..
kaya pala. . by 1230Pm pinasok na ang bahay.. hala in the middle of darkness e natataas kami ng gamit..tanggal ng mga damit mula sa mga aparador, lipat ng mga libro, taas ng mga sofa .. kinalas-kalas ko ang mga wiring sa tv para makawala ang mga speakers at ang cable at dvd player, inabot pati mga electrical socket..buti na lang at walang kuryente kundi fried legs na kami..
kawawa naman si sam kasi naiwan sya nakakulong sa kanyang cage ..e may open wound pa naman ung aso ko sa paa..kaya nababad sya dahil up to his knees ang flood waters na..
kaya nung maitaas ko na ang lahat ng kama si sam naman ang inasikaso ko..
syempre manginig nginig na ito sa ginaw.. tapos madilim pa..kaawa talaga.. pag bukas ko ng pinto ng cage tumalon sya agad e baha nga di ba, buti na lang at me built in swimming instruction ang mga aso kaya nakalangoy naman sya...kaya in the middle of the ulan and madaling araw e naggagamutan kami.. betadine, fusidin at aqua oxinada...
nilagay ko rin sya sa ibabaw ng computer table..
430AM ng linggo na kami natulog..
lumubog ang mga sasakyan ni itay, basa lahat ng kama, pati mga laruan ni teng, libro, damit ng lola ko at kung anu-anu pang kalat (na pinabayaan ko lumubog para matapon na)
kinaumagahan..ang mga kapitbahay namin kanya-kanya na ang harbat sa ilog.. madaming tinangay na bote ng beer at plastic cases (kasi nabuwag ang pader ng cosmos sa malanday) kaya tinangay ng tubig hanggang sa amin ang mga cases.. me ibang bote nga me laman pa ng beer.. tapos me baboy din na lumutang sa ilog ..ayun pag ahon nya kilo-kilo na ang hatian..
hindi talaga galing ilog ang tubig ngayun bagkus galing dam... kulay brown e.. saka walang isdang kasama...yung driver namin, hanggang dibdib daw ang tubig sa kanila at nalunod ang aso nya.. sige na nga di na sya sisisantihin kasi pinalubog nya ang pajero ni itay..
nung sunday afternun naman kailangan na namin lumabas kasi wala na kami kandila at mukang matatagalan bago kami ma restoran ng serbis ng kuryente..wala na rin kami tinapay at kailangan na bumili ng gamot para ke sam..
kaya adventure ito papalabas..
aba, e walang tinapay sa bakery..pati sa palengke wala.. wala ring kandila... tapos yung napuntahan namin na mini grocery e nagtitinda ng kandila na worth 30 pesos!para sa apat na piraso e malaki pa yung kandila sa binyag...sarap i sumbong sa DTI nito!
at since magulo nga sa ibaba, lahat kami asa second floor ng bahay, sa kwarto ni inay at itay..ang higaan ko e ang pinagtabi-tabing foam ng aming sofa kaya pag gising ko sa umaga feeling ko e formang S na ako..nararamdaman ko kasi kung san nagdugtong ang mga foam..
hindi ko talaga kakayanin tumira sa isang one bedroom house...kasama si inay, itay, lola, kuya at asawa nya at maid..i need my space...
at since wala pa ring kuryente nag donate ang nanay ko ng ice cream at buko pandan sa evacuation centers.. pati hotdog, baka, baboy..me anim na kilo kaming adobong manok at 3 kilong murcon..kaya di naman kami nagutom during the ordeal..
kanina nakita ng nanay ko na may tulo ng alcohol ang sahig namin sa second floor, pinagalitan ako kasi di man lang daw ako nagiingat habang nag aalcohol ng aking paa.. yan si inay, di bale na ako magkaleptospirosis wag lang mag dumihan ang sahig nya.. hay...
No comments:
Post a Comment