Sunday, December 30, 2012

ang last day sa beto beto place

Last December 28, 2012 ang aking pamamaalam sa aking tambayan for four years. akala ko pa naman ay matiwasay na matatapos ang araw na iyon, pero hindi. alas 9 pa lang may meeting na ako sa grand ama ng kumpanya na supposedly e turn over rites kuno. matapos ko sabihin sa kanya ang mga pending activities para ma itake over ng kanyang bagong alipin, may i speech pa sya kung bakit hindi ko daw nagawa ang mga dapat nagawa na. hello! sila kaya ang may problema sa communication system? e puro secret naman ang mga plano nila tapos ang gusto nila i achieve ko ang mga iyon thru guessing? im sorry pero hindi pa iyon kasama sa mga talents ko. pagkatapos, may natanggap sila na show cause order the day before, ayun dahil mabait ako, ako pa ang gumawa ng palusot nila para sa isyu na iyon. halos isang araw din ako nag stay sa ofis para lang dun. buti na lang meron ako due for download na 2 tv series kaya may reason to be there.

ayan after ko magawa ang lahat ng dapat gawin, may meeting na naman ako first thing next year! pambilhira! im so glad nag walk out na ako sa kanila!

Friday, December 28, 2012

Brasas, Latin American Street Food




New food find.. Brasas, Latin American Street Food at the Podium.

Ilang beses na namin ito nabalikan eversince madiscover namin ang kanyang pulled pork sandwich. kaso for this posting, walang picture available.  babalik na lang ako ulit.



Grilled Chicken Wraps


grilled beef salad


patacones - appetizers on a saba banana crust. winner itu


grilled beef wrap


 in fairness, hindi sya nag scrimp sa ingredients kaya value for money na rin or siguro kasi kakaopen lang nya kaya pakitang gilas? ang cook/owner (in my hakahaka only) is a girl expat na hindi marunong magdelagate sa kanyang mga crew kaya ang tagal ng service. lahat ata e dapat dumaan sa kanya. sya rin ata ang head quality controller. we once waited for 45 minutes for our order. yes ganun kami ka tyaga para sa kanya kahit ayaw nya kami bigyan ng reservation for 8 seats on a lunch time. kung alam lang nya na madami na kaming customer na dinala for her!

Monday, December 10, 2012

Goodbye beto-beto place

After four looong years of loyalty and devotion, i am saying good bye again to the beto-beto place i call my parking lot. Infurness, ito ang pinaka matagal na tinambayan ko sa buong buhay ko na ako ay nagpaalipin. Aside from walang increase na sweldo for the whole four years, utang na loob ko pa na tinulungan ko sila na magpalayas ng mga aliens! da nerd!  alam ko naman na may mga taong masama ang loob na pumipirma sa tseke ko kada sweldo ko. ewan ko ba kung bakit ingit na ingit sila sa aking glowing white skin without glutathione enhancement. alam ko rin naman na gustong gusto nila na lumayas ako para maipasok nila ang mga taong gusto nilang umupo sa upuan ko.

siguro nga panahon na para ako ay lumipad na sa himapawid. daigin pa si shaider sa pagiging pulis pangkalawakan. pero hindi ako magpapaalam ng walang katumbas na halaga ang aking mga dusa at pighati dito sa lugar na ito. ilang website na ba ang na surf ko maghapon para lang hindi ako umuwi ng kulang sa oras at ma charge ng undertime?  hindi. hindi pwedeng walang katumbas na kabayaran ang sakripisyo kong ito para lang maipasok ang gusto nilang papalit sa akin. hindi pa tapos ang laban..abangan.

Sunday, December 9, 2012

Galileo Enotica (eastwood branch)

 
Para sa libreng treat ng mga September at November celebrants, nagkitakita kami last Bonifacio Day sa Galileo Enotica Deli sa Eastwood. (Sarado na pala ang kanilang Makati branch.) Dahil ako ang utak sa likod ng adventure na ito, sinadya ko pang pumunta ng isang Lunes para lang makapag pa reserve ng maayos at matiwasay.

Hindi ito located inside the new eastwood mall, ito at matatagpuan sa CityWalk 2 above Dulcinea. Nung makausap ko ang staff dun, i requested that our group be seated at the second level kasi we wanted privacy. Nagbigay din ako ng advance order. which they listed nman. So everything okay until the event.

syempre, hindi nila kami nilagay sa second floor as requested kasi may nag pa reserve daw ng buong floor after me. fine. doon kami sa isang sulok nilagay sa first floor before the entry nung isang portion ng kanilang other dining room. di ba dapat when i requested for privacy before and i was bumped off dahil may nag pareserve ng mas marami, i should at least be given the same privilege by giving into my request of privacy? e wala... soo...



complimentary bread ( na hindi ni refill)




 i pre -ordered when i reserved a few days before our gathering, nakalimutan ata na may inorder ako cheese platter kaya i have to order again after namin kumain ng main meal.




 bisteca. the mashed potato was a delight



 in lieu of the chicken wrapped in parma ham (which was pre ordered tapos nung day of the event wala daw prociutto, i changed the order to this fried chicken cutlets and fried potato) luz ito



dory fish. win sana kung hindi sunog ang pagka prito sa isda. as in mapait ang lasa. nag reklamo ako about it, but i do not ask for food to be replaced, mahirap na. i worked in a kitchen before.



seafood pasta. so.so.so.


 mushroom pasta. win naman ito kaso parang kulang ang sahog.


lambrusco. we finished the bottle. hooray!


Over all, hmmm, its not like my first galileo enoteca experience. i wonder why. dahil ba asa mall na ito? the service is fine, sus laki nga ng tip na iniwan namin. hindi ko lang alam kung ano ang kulang. hay.. 

Beijing Adventure



Dahil si iNay ay gustong makita ang great wall this year, nagpa book ako ng tour sa beijing via chinapanoramic tour. at syempre dahil pa winter na nga duon, panic to the max naman ako na bumili ng winter jacket kasi yung winter jacket ko daw ay gagamitin ni inay. buti na lang at ang ever reliable greenhills e bukas up to 8PM! yun nga lang, pagdating ko sa China, kamuka ng jacket ko ang mga jacket ng mga street sweeper duon! 




Beijing control tower


on the way to the hotel




beijing commercial district






temple of good harvest




kasama sa tour package ang panunuood sa kung fu theater


beijing mami (mas masarap pa ang food sa binondo)



the great wall


hindi ko kinarir ang pag akyat. sa kabila na umuulan na, maginaw at madulas ang daan, di ko naman pinangarap na maramdamam ang experience ng mga sinaunang tsino na hindi nakaranas ng escalator.


ang birds nest na hindi ko nalapitan

 summer palace


maganda siguro dito kung summer ang punta. sayang kasi malakas ang ulan at foggy ang paligid. -4C naman kasi nuong mga panahon na iyon. buti na lang may nagtitinda ng mais at kastanyas sa labas.


forbidden city




maganda sana ang china, kaso, hindi maganda ang time na nagpunta kami kasi nga start na ng winter season. maganda daw talaga kung spring ang punta. pero okay naman ang organizer ng tour namin, from the china visa to the accomodation, sulit na sulit na. eat all you can lahat ang drama. okay din lahat ng ka grupo namin. kanya kanyang trip lang. pero ang hirap pumunta duon sa tiangge nila, nakakatakot ang mga tindera, mukang papatay pag di ka bumili at tinawaran mo ang paninda nila. achuli, mas maganda pa mamili sa greenhills, friendly ang mga tindera, maayos pa ang turing sa presyo.





Saturday, December 8, 2012

Hermanos Mexican restaurant


Matagal na ang Hermanos Mexican restaurant na ito na matatagpuan sa loob ng isang gasoline station. Noon akala ko hindi ito magtatagal kasi naman, helo, kainan sa loob ng gasolinahan? Pero nung ma try ko ang kanilang fish tacos, lagi ko naman binabalikan.


at dahil nga malapit na lang ako sa kanila(meaning isang jeepney ride na lang) ay andun na ako, gora ako isang gabing nag crave ako ng fish tacos matapos harapin ang napaka traffic na landas from Makati to Ortigas...


 fish tacos (P175) for two pieces



fries with the works.. mas masarap pa rin ang tacos with the works


located inside Petron Gas Station along Gilmore, along the parol sellers.





Wednesday, December 5, 2012

David




Meet David, ang aking new tool of the trade. 



Dahil malapit nang magtapos ang aking serbisyo sa beto-beto place, kailangan ko ng bagong skills to help me make it to the world. at ito nga ang naisipan ko na pasukan. ang maging isang street musician or weekend wedding violinist. Yun nga lang di pa rin ako nakakakita ng pwedeng mag tutor sa akin kung paano tumugtog ng biyolin... Sad. Paano na lang ako mabubuhay nito?

the name David is inspired by this guy.



Tuesday, December 4, 2012

Ballet Philippines' Rama, Hari



Love na love ko ang Rama at Sita, ang unang unang musicale stage production na napanuod ko. Ang garbo kasi ng design pati na ng effects. It starred Ariel Rivera and Chique Pineda at that time, produced by SK Productions. May CD pa nga ako ng cast recording pero syempre dahil sa sandamukal na baha at bagyo na nagdaan sa aming balur, wiz ko na nakita pa ulit ito. Fortunately there are brave souls out there na tech savvy at kayang magdownload from you tube. hehehe.
so kahit papaano ay may kopya naman ako ng mga gusto kong kanta from the musicale, tulad ng Awit ng Pasinta. That was eons ago...




Recently, ni restage ng Ballet Philippines ang Rama Hari, the original production from the 80's which starred Kuh Ledesma and Basil Valdez. This time, ang lead stars ay sine Karyle at Christian Baustita, with Kalila Aguilos and OJ Mariano as alternate leads.

Sino sa palagay nyo ang kinarir ko panuorin?

Op Kors, kay Queen Femina (a.k.a. Kalila!) who I believe is more voice worthy.





time permitting, manunuod ako ulit nito, ng wala ng katabing maiingay. i swear, kailangan ko maglista ng mga noisy sa blackboard!

pero galing-galing din ng mga dancers! gusto ko na mag ballet! papayat kaya ako at mag kaka abs din katulad nila?



Wednesday, October 31, 2012

Cupcake Lab

I love my new discovery! Cupcake Lab in Podium Mall, Ortigas.

I love the mini cupcakes, specially the tiramisu and red velvet.





pero ang pinaka love ko sa lahat, the green tea cup cake.. na walang mini version. it has a red bean ball inside, which, i am trying to convince the maker to take out para wala na hindrance to my uric acid diet.hihihi.




value for money since this store doesn't scrimp on ingredients.

Monday, October 29, 2012

Carmen in Manila





went to watch the Manila production of Carmen because i like this very much..




tapos, like na like ko ang song na ito by Maria Callas that  was used in UP (yes the Pixar cartoon prod)




the lead of Carmen was played by Camille Lopez Molina with Don Jose  played by Abdul Candao
music was by the Manila Symphony Orchestra.

staged at the St. Scholastica's St. Cecila's Hall, the acoustic was perfect but the space limiting. Naging two dimensional ang dating. i guess set design was the main problem for me. plus, masyado na late nag umpisa at 8PM, considering that this was a four act opera, the ADHD child in me cannot stay beyond act 2. at mukang maraming nag join sa akin when i left after act 2.

Camille was hesitant at first but she got her groove when she sang Habanera. The killer for me was the chorus. Kulang ata ang practice days. It was not "lively" for me. Toreador was not exciting. Maybe, kulang sa colors ang costumes. and Don Jose's costume doesn't seem to fit. masikip.

In French ang opera and it was a welcome relief that there was an english translation provided sa isang giant screen. Clap clap dito.

Friday, September 14, 2012

Zucchini's


Dahil may double celebration ng August, pwede kami humirit kung saan namin gusto na restaurant. Matagal na akong intriga dito sa Zucchini's, along sct. castor somewhere in the Timog area.

Muka lang syang maliit pero malaki pala ang kanyang dining area.  It is another "secret" restaurant na pwede puntahan ng mga ayaw sa "crowds".

Sosyalin ang ambiance.




Menu Card




French Onion Soup (one of the best i've tried so far, hindi lasang beef boullion)


bone marrow (nakaka heart attack daw)


 oven roasted bone marrow on crostini with arugula and cream cheese (da best!)



 citrus salad



salmon pesto (s-o-so, wag na ito uulitin)




Steak, rib eye (superlative)


Average check was Php1,000 / person. But not everyone should order steak ..

Saturday, August 25, 2012

da.u.de tea salon





most expensive dessert place i've been. okay lang to pay more kung masarap, but, as it was, weh.



 tea brulee- super tamis





supposedly nutty-mango shake. nutty lang. and the paper straw doesn't work




i love macarons, but these are pacencia cookies pretending to be macarons. hello, P80- for a pair. Bizu na lang tayo. and no, its not a camera trick, maliit talaga ang "macaron" nila. parang kasing laki lang ng piso


peppermint tea. in some fancy contraption.


for everything, we paid P600+. yes, nakapagpasweldo na kami ng isang minimum wage earner for 8 hours of work sana. 

Thursday, August 23, 2012

Wildflour


At dahil may mini-reunion with a Sto. Nino, kinarir ko ang pag gora sa fort to meet old friends.

Dito sa Wildfour kami napadpad..at dahil hindi kami sanay dito, walk kami ng how many blocks just to get to Net Lima (considering that we parked near Net Square at saka ko na discover na ang Net Series of building is not constructed sequentially, buset)

Strictly by reservation, buti na lang we have our charms and cash to get us seats. (they don't accept credit cards)





sabi sa menu, raost chicken it. pero pan fried naman.




quasi pizza (caramelized onion, bacon and gyuere cheese) winner


libreng appetizer. baguette with salted butter, literally.


vegetable tempura


not in pictures, mojito green tea (non-alcoholic) and green salad.
Food is very good but for the price..hmmm.. mahal ang renta sa BGC i suppose.
Service is a okay considering that they are in soft opening pa.