Sunday, December 9, 2012

Beijing Adventure



Dahil si iNay ay gustong makita ang great wall this year, nagpa book ako ng tour sa beijing via chinapanoramic tour. at syempre dahil pa winter na nga duon, panic to the max naman ako na bumili ng winter jacket kasi yung winter jacket ko daw ay gagamitin ni inay. buti na lang at ang ever reliable greenhills e bukas up to 8PM! yun nga lang, pagdating ko sa China, kamuka ng jacket ko ang mga jacket ng mga street sweeper duon! 




Beijing control tower


on the way to the hotel




beijing commercial district






temple of good harvest




kasama sa tour package ang panunuood sa kung fu theater


beijing mami (mas masarap pa ang food sa binondo)



the great wall


hindi ko kinarir ang pag akyat. sa kabila na umuulan na, maginaw at madulas ang daan, di ko naman pinangarap na maramdamam ang experience ng mga sinaunang tsino na hindi nakaranas ng escalator.


ang birds nest na hindi ko nalapitan

 summer palace


maganda siguro dito kung summer ang punta. sayang kasi malakas ang ulan at foggy ang paligid. -4C naman kasi nuong mga panahon na iyon. buti na lang may nagtitinda ng mais at kastanyas sa labas.


forbidden city




maganda sana ang china, kaso, hindi maganda ang time na nagpunta kami kasi nga start na ng winter season. maganda daw talaga kung spring ang punta. pero okay naman ang organizer ng tour namin, from the china visa to the accomodation, sulit na sulit na. eat all you can lahat ang drama. okay din lahat ng ka grupo namin. kanya kanyang trip lang. pero ang hirap pumunta duon sa tiangge nila, nakakatakot ang mga tindera, mukang papatay pag di ka bumili at tinawaran mo ang paninda nila. achuli, mas maganda pa mamili sa greenhills, friendly ang mga tindera, maayos pa ang turing sa presyo.





No comments: