Sunday, December 9, 2012

Galileo Enotica (eastwood branch)

 
Para sa libreng treat ng mga September at November celebrants, nagkitakita kami last Bonifacio Day sa Galileo Enotica Deli sa Eastwood. (Sarado na pala ang kanilang Makati branch.) Dahil ako ang utak sa likod ng adventure na ito, sinadya ko pang pumunta ng isang Lunes para lang makapag pa reserve ng maayos at matiwasay.

Hindi ito located inside the new eastwood mall, ito at matatagpuan sa CityWalk 2 above Dulcinea. Nung makausap ko ang staff dun, i requested that our group be seated at the second level kasi we wanted privacy. Nagbigay din ako ng advance order. which they listed nman. So everything okay until the event.

syempre, hindi nila kami nilagay sa second floor as requested kasi may nag pa reserve daw ng buong floor after me. fine. doon kami sa isang sulok nilagay sa first floor before the entry nung isang portion ng kanilang other dining room. di ba dapat when i requested for privacy before and i was bumped off dahil may nag pareserve ng mas marami, i should at least be given the same privilege by giving into my request of privacy? e wala... soo...



complimentary bread ( na hindi ni refill)




 i pre -ordered when i reserved a few days before our gathering, nakalimutan ata na may inorder ako cheese platter kaya i have to order again after namin kumain ng main meal.




 bisteca. the mashed potato was a delight



 in lieu of the chicken wrapped in parma ham (which was pre ordered tapos nung day of the event wala daw prociutto, i changed the order to this fried chicken cutlets and fried potato) luz ito



dory fish. win sana kung hindi sunog ang pagka prito sa isda. as in mapait ang lasa. nag reklamo ako about it, but i do not ask for food to be replaced, mahirap na. i worked in a kitchen before.



seafood pasta. so.so.so.


 mushroom pasta. win naman ito kaso parang kulang ang sahog.


lambrusco. we finished the bottle. hooray!


Over all, hmmm, its not like my first galileo enoteca experience. i wonder why. dahil ba asa mall na ito? the service is fine, sus laki nga ng tip na iniwan namin. hindi ko lang alam kung ano ang kulang. hay.. 

No comments: