Last December 28, 2012 ang aking pamamaalam sa aking tambayan for four years. akala ko pa naman ay matiwasay na matatapos ang araw na iyon, pero hindi. alas 9 pa lang may meeting na ako sa grand ama ng kumpanya na supposedly e turn over rites kuno. matapos ko sabihin sa kanya ang mga pending activities para ma itake over ng kanyang bagong alipin, may i speech pa sya kung bakit hindi ko daw nagawa ang mga dapat nagawa na. hello! sila kaya ang may problema sa communication system? e puro secret naman ang mga plano nila tapos ang gusto nila i achieve ko ang mga iyon thru guessing? im sorry pero hindi pa iyon kasama sa mga talents ko. pagkatapos, may natanggap sila na show cause order the day before, ayun dahil mabait ako, ako pa ang gumawa ng palusot nila para sa isyu na iyon. halos isang araw din ako nag stay sa ofis para lang dun. buti na lang meron ako due for download na 2 tv series kaya may reason to be there.
ayan after ko magawa ang lahat ng dapat gawin, may meeting na naman ako first thing next year! pambilhira! im so glad nag walk out na ako sa kanila!
Sunday, December 30, 2012
Friday, December 28, 2012
Brasas, Latin American Street Food
New food find.. Brasas, Latin American Street Food at the Podium.
Ilang beses na namin ito nabalikan eversince madiscover namin ang kanyang pulled pork sandwich. kaso for this posting, walang picture available. babalik na lang ako ulit.
Grilled Chicken Wraps
grilled beef salad
patacones - appetizers on a saba banana crust. winner itu
grilled beef wrap
in fairness, hindi sya nag scrimp sa ingredients kaya value for money na rin or siguro kasi kakaopen lang nya kaya pakitang gilas? ang cook/owner (in my hakahaka only) is a girl expat na hindi marunong magdelagate sa kanyang mga crew kaya ang tagal ng service. lahat ata e dapat dumaan sa kanya. sya rin ata ang head quality controller. we once waited for 45 minutes for our order. yes ganun kami ka tyaga para sa kanya kahit ayaw nya kami bigyan ng reservation for 8 seats on a lunch time. kung alam lang nya na madami na kaming customer na dinala for her!
Monday, December 10, 2012
Goodbye beto-beto place
After four looong years of loyalty and devotion, i am saying good bye again to the beto-beto place i call my parking lot. Infurness, ito ang pinaka matagal na tinambayan ko sa buong buhay ko na ako ay nagpaalipin. Aside from walang increase na sweldo for the whole four years, utang na loob ko pa na tinulungan ko sila na magpalayas ng mga aliens! da nerd! alam ko naman na may mga taong masama ang loob na pumipirma sa tseke ko kada sweldo ko. ewan ko ba kung bakit ingit na ingit sila sa aking glowing white skin without glutathione enhancement. alam ko rin naman na gustong gusto nila na lumayas ako para maipasok nila ang mga taong gusto nilang umupo sa upuan ko.
siguro nga panahon na para ako ay lumipad na sa himapawid. daigin pa si shaider sa pagiging pulis pangkalawakan. pero hindi ako magpapaalam ng walang katumbas na halaga ang aking mga dusa at pighati dito sa lugar na ito. ilang website na ba ang na surf ko maghapon para lang hindi ako umuwi ng kulang sa oras at ma charge ng undertime? hindi. hindi pwedeng walang katumbas na kabayaran ang sakripisyo kong ito para lang maipasok ang gusto nilang papalit sa akin. hindi pa tapos ang laban..abangan.
siguro nga panahon na para ako ay lumipad na sa himapawid. daigin pa si shaider sa pagiging pulis pangkalawakan. pero hindi ako magpapaalam ng walang katumbas na halaga ang aking mga dusa at pighati dito sa lugar na ito. ilang website na ba ang na surf ko maghapon para lang hindi ako umuwi ng kulang sa oras at ma charge ng undertime? hindi. hindi pwedeng walang katumbas na kabayaran ang sakripisyo kong ito para lang maipasok ang gusto nilang papalit sa akin. hindi pa tapos ang laban..abangan.
Sunday, December 9, 2012
Galileo Enotica (eastwood branch)
Para sa libreng treat ng mga September at November celebrants, nagkitakita kami last Bonifacio Day sa Galileo Enotica Deli sa Eastwood. (Sarado na pala ang kanilang Makati branch.) Dahil ako ang utak sa likod ng adventure na ito, sinadya ko pang pumunta ng isang Lunes para lang makapag pa reserve ng maayos at matiwasay.
Hindi ito located inside the new eastwood mall, ito at matatagpuan sa CityWalk 2 above Dulcinea. Nung makausap ko ang staff dun, i requested that our group be seated at the second level kasi we wanted privacy. Nagbigay din ako ng advance order. which they listed nman. So everything okay until the event.
syempre, hindi nila kami nilagay sa second floor as requested kasi may nag pa reserve daw ng buong floor after me. fine. doon kami sa isang sulok nilagay sa first floor before the entry nung isang portion ng kanilang other dining room. di ba dapat when i requested for privacy before and i was bumped off dahil may nag pareserve ng mas marami, i should at least be given the same privilege by giving into my request of privacy? e wala... soo...
complimentary bread ( na hindi ni refill)
i pre -ordered when i reserved a few days before our gathering, nakalimutan ata na may inorder ako cheese platter kaya i have to order again after namin kumain ng main meal.
bisteca. the mashed potato was a delight
in lieu of the chicken wrapped in parma ham (which was pre ordered tapos nung day of the event wala daw prociutto, i changed the order to this fried chicken cutlets and fried potato) luz ito
dory fish. win sana kung hindi sunog ang pagka prito sa isda. as in mapait ang lasa. nag reklamo ako about it, but i do not ask for food to be replaced, mahirap na. i worked in a kitchen before.
seafood pasta. so.so.so.
mushroom pasta. win naman ito kaso parang kulang ang sahog.
lambrusco. we finished the bottle. hooray!
Over all, hmmm, its not like my first galileo enoteca experience. i wonder why. dahil ba asa mall na ito? the service is fine, sus laki nga ng tip na iniwan namin. hindi ko lang alam kung ano ang kulang. hay..
Beijing Adventure
Dahil si iNay ay gustong makita ang great wall this year, nagpa book ako ng tour sa beijing via chinapanoramic tour. at syempre dahil pa winter na nga duon, panic to the max naman ako na bumili ng winter jacket kasi yung winter jacket ko daw ay gagamitin ni inay. buti na lang at ang ever reliable greenhills e bukas up to 8PM! yun nga lang, pagdating ko sa China, kamuka ng jacket ko ang mga jacket ng mga street sweeper duon!
Beijing control tower
on the way to the hotel
beijing commercial district
temple of good harvest
kasama sa tour package ang panunuood sa kung fu theater
beijing mami (mas masarap pa ang food sa binondo)
the great wall
hindi ko kinarir ang pag akyat. sa kabila na umuulan na, maginaw at madulas ang daan, di ko naman pinangarap na maramdamam ang experience ng mga sinaunang tsino na hindi nakaranas ng escalator.
ang birds nest na hindi ko nalapitan
summer palace
maganda siguro dito kung summer ang punta. sayang kasi malakas ang ulan at foggy ang paligid. -4C naman kasi nuong mga panahon na iyon. buti na lang may nagtitinda ng mais at kastanyas sa labas.
forbidden city
maganda sana ang china, kaso, hindi maganda ang time na nagpunta kami kasi nga start na ng winter season. maganda daw talaga kung spring ang punta. pero okay naman ang organizer ng tour namin, from the china visa to the accomodation, sulit na sulit na. eat all you can lahat ang drama. okay din lahat ng ka grupo namin. kanya kanyang trip lang. pero ang hirap pumunta duon sa tiangge nila, nakakatakot ang mga tindera, mukang papatay pag di ka bumili at tinawaran mo ang paninda nila. achuli, mas maganda pa mamili sa greenhills, friendly ang mga tindera, maayos pa ang turing sa presyo.
Saturday, December 8, 2012
Hermanos Mexican restaurant
Matagal na ang Hermanos Mexican restaurant na ito na matatagpuan sa loob ng isang gasoline station. Noon akala ko hindi ito magtatagal kasi naman, helo, kainan sa loob ng gasolinahan? Pero nung ma try ko ang kanilang fish tacos, lagi ko naman binabalikan.
at dahil nga malapit na lang ako sa kanila(meaning isang jeepney ride na lang) ay andun na ako, gora ako isang gabing nag crave ako ng fish tacos matapos harapin ang napaka traffic na landas from Makati to Ortigas...
fish tacos (P175) for two pieces
fries with the works.. mas masarap pa rin ang tacos with the works
located inside Petron Gas Station along Gilmore, along the parol sellers.
Wednesday, December 5, 2012
David
Meet David, ang aking new tool of the trade.
Dahil malapit nang magtapos ang aking serbisyo sa beto-beto place, kailangan ko ng bagong skills to help me make it to the world. at ito nga ang naisipan ko na pasukan. ang maging isang street musician or weekend wedding violinist. Yun nga lang di pa rin ako nakakakita ng pwedeng mag tutor sa akin kung paano tumugtog ng biyolin... Sad. Paano na lang ako mabubuhay nito?
the name David is inspired by this guy.
Tuesday, December 4, 2012
Ballet Philippines' Rama, Hari
Love na love ko ang Rama at Sita, ang unang unang musicale stage production na napanuod ko. Ang garbo kasi ng design pati na ng effects. It starred Ariel Rivera and Chique Pineda at that time, produced by SK Productions. May CD pa nga ako ng cast recording pero syempre dahil sa sandamukal na baha at bagyo na nagdaan sa aming balur, wiz ko na nakita pa ulit ito. Fortunately there are brave souls out there na tech savvy at kayang magdownload from you tube. hehehe.
so kahit papaano ay may kopya naman ako ng mga gusto kong kanta from the musicale, tulad ng Awit ng Pasinta. That was eons ago...
Recently, ni restage ng Ballet Philippines ang Rama Hari, the original production from the 80's which starred Kuh Ledesma and Basil Valdez. This time, ang lead stars ay sine Karyle at Christian Baustita, with Kalila Aguilos and OJ Mariano as alternate leads.
Sino sa palagay nyo ang kinarir ko panuorin?
Op Kors, kay Queen Femina (a.k.a. Kalila!) who I believe is more voice worthy.
time permitting, manunuod ako ulit nito, ng wala ng katabing maiingay. i swear, kailangan ko maglista ng mga noisy sa blackboard!
pero galing-galing din ng mga dancers! gusto ko na mag ballet! papayat kaya ako at mag kaka abs din katulad nila?
Subscribe to:
Posts (Atom)