Thursday, May 29, 2008

Yehey!!!

Hay, after ten years..andito na ang aking laptap..so hapi..
Mejo mabilis na ang pagdownload ngayun kasi nagdagdag ng memory para sa hard drive. buti na lang may sponsor ako para dito.

kanina may pinuntahan akong pulong-pulong kung saan andun ang mga dati kong kasama na nagbubutas ng lambat.. na mi-miss ko na nga ang trabaho ko na iyon. mas exciting sya kesa magbantay lang ng torre..

ang latest chika, ang mga minimum wage earners sa pilipinas ay hindi na bubuwisan, assuming na pirmahan ni ate glow ang batas (which is most likely kasi pogi points ito) ang labo lang nito kasi paano na kami na hindi nga minimum wage pero bente pesos lang ang itinaas sa minimum..ayoko kayo ma bore pero kulang sa pag aaral ang ginawa na naman ng mga clowgressman at syenator ng republika..

on a lighter note..mukang mag kaka reuninon kami ng mga college friends ko..tagal na pala naming gumradweyt...siguro kung ginamit ko lang ang pinag aralan ko nuon, mayaman at sikat na ako..di sana ako taga bantay lang ng tore sa dalampasigan..siguro asa dubai na ako at nag iihaw ng shawarma.

Wednesday, May 21, 2008

Via Mare, Greenbelt 3

Nagkita kita kami ng mga dati kong kasamahan sa pabrika nuong lunes dahil yung isa sa amin ay pinalad na na maging OFW. Aalis na sya sa linggo at dahil sa ibang bansa na sya manunuluyan, e minabuti namin na sa isang kainan magkita-kita. Ang unang usapan ay sa isang italian restaurant mag hahapunan, pero malayo ang lugar kaya sa Greenbelt na lang, plus, since pinoy foods ang gusto kainin, napagkasunduan na sa Via Mare kumain. Mali pala. Gusto ko pa naman ang lugar nila. Nuong nag paplano nga ako ng grand celebration e naisip ko na sila ang kunin na caterer, pero di na ngayon...aba, e, kulang na lang e ipagtabuyan kami nung gabi na iyon... ang bilis mag-ligpit.di ko pa nga tapos kainin yung balut surprise ko e, kinuha na yung plato..i'm sure yung mga kasama ko din, hindi pa tapos kainin ang bagnet at halo-halo nila..para namang fully booked sila, e lunes nga..matagal nga kami pero umorder naman kami..at eto pa..nag-uusap-usap pa kami, take note, di lang naman grupo namin ang nandun kasi me isang grupo pa sa kabilang mesa, e pinatayan ba naman kami ng aircon!! huwat!! e yung binayad naman namin nung gabi na yun duon e sobra pa pambayad ng kuryente at mga waiter..
kaya, never again..hinding-hindi na ako tatangkilik ng via mare...kung gusto ko ng pinoy food, sa gerry's na lang, pwede pa tumambay ng matagal...

Friday, May 16, 2008

The end of summer

Yay, ang aga natapos ng summer ngayon...umpisa na ata ng la ninya. actually, we are on our third typhoon...hayan as a result, baha na naman ang mga kalsada papunta sa aming tahanan...waahhh, sa mga ganitong panahon depress ako lagi. pero me mas depressing dito.. sa news kanina, nabalita yung isang branch ng RCBC sa cabuyao, laguna na hinoldap at pinaslang lahat ng tao sa bangko. kakatakot..at kakaawa rin, wala naman kinalaman yung mga tellers at manager. nakuha naman nila na ang kailangan nila ba't kailangan pang itumba ang mga empleyado ng bangko...affected ako, kasi yung kapatid ko e isa ring tagabilang ng salapi ng iba..paano na lang yung pamilya ng mga napatay na iyon?..syempre isa duon e tatay na, nanay din, pati janitor sinama sa masaker. nakakaawa talaga. sana di matahimik ang mga gumawa nun. sa konting pera lang, ilang pamilya ang sinira nila.

Sunday, May 11, 2008

Notting Hill

Kahapon, wala ako magawa. As usual..ayoko lumabas ng bahay. Bukod sa mainit e P50 na ang isang litro ng gasolina (sabagay mas mahal pa rin ang mineral water kasi 500ml lang P42 na sa restaurant). Hindi ko ng nga alam kung paanong pag titipid ang gagawin. Actually, pati tubig e nagbabaon na ako sa tore. sayang din ang pagbili-bili ng mineral water sa canteen. Anu na nga ba ang kwento ko? ay yun nga, walang magawa kaya ni-revisit ko ang aking favorite film opoltyms. Notting Hill. (Tinry ko mag upload ng photo, ayaw. e di hwag) hindi ko alam kung bakit drawn ako sa movie na ito. kahit nga yung cheap copycat nito (starring robin padilla and regine velasquez) e pinatulan ko. Siguro kasi pangarap ko mapunta ng london. Kaso mukang ayaw ng london sa akin. Kahit ano gawin ko di ako makaipon ng pamasahe papunta dun. Yung isang kaibigan ko na nagtatrabaho sa isang malaking bangko, inaya ako mag backpack sa europa kasi papadala sya dun ng libre. at least, me tutuluyan na kami tapos, mag tren na lang daw kami para makatipid. nung tinanung ko sya kung me tren mula pilipinas hanggang UK, di naman ako sinagot.

I'd rather be doing this


Last year, ang buong koponan ng mga tower guards ey pinalad na makipanuluyan sa isang magandang bahay bakasyunan sa dako pa roon. Nuon ko na realize na ako talaga ay isang salat na mamamayan ng mundo. Ang mga bahay dun, (bahay bakasyunan lang ha, at hindi pang araw-araw na tirahan) ay nag kakahalaga daw, on the average, ey mga 35M. Malamang tutuo ito kasi, ang mga nakaparada sa kanilang mga garahe e puro fortuner, prado at kung anu-anu pang 4x4. yung ngang gamit namin na sedan e hirap umakyat papunta dun sa bahay. aside sa mga 4x4 e me mga nakaparada rin na jet ski sa mga garahe ng kanilang tahanan. o di ba? sabagay, kami rin naman e masasabing pinalad na rin kasi tuwing mga buwan ng hunyo, hulyo, agosto at setyembre e nagkakaruon kami ng olympic size swimimg pool pag labas ng bahay. sige nga sino ang meron ng ganun? This year, wala pa ako summer outing, samantalang patapos na ang summer. maulan na dito pag dating ng hapon at meron pa ngang namataang bagyo na nasa bicol region.

lunes na naman bukas...ano kaya ang pag uubusan ko ng oras? napapagod na ako tumingin sa kawalan...tapos ko na nga basahin yung librong bago ni neil geiman.

Sunday, May 4, 2008

Iron Man

Hayan, medyo maayos-ayos na ang aking pakiramdam. Kaya, go ako sa isang sinehan kanina to watch. Ironman nga. Okay naman sana ang sinehang iyon, pero naman, di ako nagbayad ng P182 para lang makinig sa pangungulit ng isang paslit sa likod ko with matching tulak sa aking upuan. Kungdi ka naman talaga makapatay ng magulang oo! kasi naman, kung bata pa, as in, three years old pa lang at tiyak na di makakaintindi ng palabas, e hwag na isama sa sinehan ano! at kahit anong explanayshen pa ang gawin e di talaga maiintindihan ng bata kung bakit kailangan gawin ni ironman ang kanyang suit para sya magka powers. Hindi sya si Superman! Bwiset.