Sunday, May 11, 2008

I'd rather be doing this


Last year, ang buong koponan ng mga tower guards ey pinalad na makipanuluyan sa isang magandang bahay bakasyunan sa dako pa roon. Nuon ko na realize na ako talaga ay isang salat na mamamayan ng mundo. Ang mga bahay dun, (bahay bakasyunan lang ha, at hindi pang araw-araw na tirahan) ay nag kakahalaga daw, on the average, ey mga 35M. Malamang tutuo ito kasi, ang mga nakaparada sa kanilang mga garahe e puro fortuner, prado at kung anu-anu pang 4x4. yung ngang gamit namin na sedan e hirap umakyat papunta dun sa bahay. aside sa mga 4x4 e me mga nakaparada rin na jet ski sa mga garahe ng kanilang tahanan. o di ba? sabagay, kami rin naman e masasabing pinalad na rin kasi tuwing mga buwan ng hunyo, hulyo, agosto at setyembre e nagkakaruon kami ng olympic size swimimg pool pag labas ng bahay. sige nga sino ang meron ng ganun? This year, wala pa ako summer outing, samantalang patapos na ang summer. maulan na dito pag dating ng hapon at meron pa ngang namataang bagyo na nasa bicol region.

lunes na naman bukas...ano kaya ang pag uubusan ko ng oras? napapagod na ako tumingin sa kawalan...tapos ko na nga basahin yung librong bago ni neil geiman.

No comments: