Sunday, May 11, 2008

Notting Hill

Kahapon, wala ako magawa. As usual..ayoko lumabas ng bahay. Bukod sa mainit e P50 na ang isang litro ng gasolina (sabagay mas mahal pa rin ang mineral water kasi 500ml lang P42 na sa restaurant). Hindi ko ng nga alam kung paanong pag titipid ang gagawin. Actually, pati tubig e nagbabaon na ako sa tore. sayang din ang pagbili-bili ng mineral water sa canteen. Anu na nga ba ang kwento ko? ay yun nga, walang magawa kaya ni-revisit ko ang aking favorite film opoltyms. Notting Hill. (Tinry ko mag upload ng photo, ayaw. e di hwag) hindi ko alam kung bakit drawn ako sa movie na ito. kahit nga yung cheap copycat nito (starring robin padilla and regine velasquez) e pinatulan ko. Siguro kasi pangarap ko mapunta ng london. Kaso mukang ayaw ng london sa akin. Kahit ano gawin ko di ako makaipon ng pamasahe papunta dun. Yung isang kaibigan ko na nagtatrabaho sa isang malaking bangko, inaya ako mag backpack sa europa kasi papadala sya dun ng libre. at least, me tutuluyan na kami tapos, mag tren na lang daw kami para makatipid. nung tinanung ko sya kung me tren mula pilipinas hanggang UK, di naman ako sinagot.

1 comment:

Anonymous said...

Baka kaya ka drawn sa nottinghill e dahil type mo si Hugh Grant!

Ahahay, sabihin mo lang kasi para mga umpisa na akong mag tika sa baclaran.