Nagkita kita kami ng mga dati kong kasamahan sa pabrika nuong lunes dahil yung isa sa amin ay pinalad na na maging OFW. Aalis na sya sa linggo at dahil sa ibang bansa na sya manunuluyan, e minabuti namin na sa isang kainan magkita-kita. Ang unang usapan ay sa isang italian restaurant mag hahapunan, pero malayo ang lugar kaya sa Greenbelt na lang, plus, since pinoy foods ang gusto kainin, napagkasunduan na sa Via Mare kumain. Mali pala. Gusto ko pa naman ang lugar nila. Nuong nag paplano nga ako ng grand celebration e naisip ko na sila ang kunin na caterer, pero di na ngayon...aba, e, kulang na lang e ipagtabuyan kami nung gabi na iyon... ang bilis mag-ligpit.di ko pa nga tapos kainin yung balut surprise ko e, kinuha na yung plato..i'm sure yung mga kasama ko din, hindi pa tapos kainin ang bagnet at halo-halo nila..para namang fully booked sila, e lunes nga..matagal nga kami pero umorder naman kami..at eto pa..nag-uusap-usap pa kami, take note, di lang naman grupo namin ang nandun kasi me isang grupo pa sa kabilang mesa, e pinatayan ba naman kami ng aircon!! huwat!! e yung binayad naman namin nung gabi na yun duon e sobra pa pambayad ng kuryente at mga waiter..
kaya, never again..hinding-hindi na ako tatangkilik ng via mare...kung gusto ko ng pinoy food, sa gerry's na lang, pwede pa tumambay ng matagal...
No comments:
Post a Comment