Gusto ko sana manuod nitong opera na ito na i istage ng Philippine Opera Company sa CCP. kaso, nung nag attempt ako bumili ng ticket e sold out na daw ang matinee for October 5! Hay, ang hirap naman maging cultured...so baka sa gabi na lang ako manuod ng Sabado..i would have to sacrifice my viewing schedule ng Celebrity Duets at Project Runway..
Naka schedule na din ang pag watch namin ng Master Class starring Cherry Gil..ito ay isang play about the life of Maria Callas, the ultimate opera diva. At tony award winner pala ito..
kailangan na lang i organize ko ang tropa for this..but then may schedule ako for Zamboanga ng middle of October, baka last run na ang makuha ko tiket dito..as usual ako naman talaga ang tiket buyer so wag sila magrereklamo sa kukunin ko na seating arrangement..
sana lang pwede magpasok ng kamera sa CCP..(jologs pa rin)
Tuesday, September 30, 2008
Saturday, September 27, 2008
The Bakers Dozen
May isang guwardiya sa torre ang nag tip sa akin sa pakulo ng Power Plant Mall na mag imbita ng mga bakers to sell sa gitna ng kanilang lobby every weekend. According to her, andun din at nagtitinda ang aking peyborit baker from Costa Brava.
So go ako..
Hala, ang dami nga mga nagtitinda..mga isang dosenang stall ang andun.. ung iba feeling ko maganda lang ang packaging...eniwey..since andun nga si costa brava, inintay ko dumating ang kanyang Straberry Cupcakes..tatlo beses ako bumalik for dat..kaya tatlong piraso din binili ko, aba baka naman sabihin ng tindera e purita ako kung isa lang ang buy ko dibah e binalik-balikan ko nga..buy na din ako ng iba pang cupcake para maganda naman ang kahon ko..plus slices ng caramel cake nya..i swear,mas masarap ang caramel cake dito kesa sa estrells.
for P250.00, choice of 6 cupcakes..if buy ka lang ng isa, P50.00 each
habang nag stroll kami, me nakita kami na nagtitinda ng macaroons..na miss ko bigla ang bizu..so buy kami..
P30.00 ang isa nito..mas mura ito kesa sa bizu kasi mas malaki ang serving..altho mas masarap pa rin ang bizu..winner yung chocolate at lemon macaroons
ang aking binalik-balikang strawberry cupcake..hindi ko na kasi kaya bumili ng malaking version, yung strawberry shortcake..P1,000.00 kaya ang isa..e dito na lang ako, P50.00 lang
kaya lang, may orange filling sa loob..so wiz masyado winner ito..nag contrast kasi ang lasa..
i would have to tell juda (yes, close kami) na wag na maglagay ng filling..
eto ang meryenda ko dat day..
kaya bukas, me schedule ako for testing ng blood sugar ko.

The Burger Series (1)
On the prowl ako sa best burger in town..pero i am still contemplating kung eliminated na automatically ang mga hamburger na gawa ng mga fastfud giants like jollibee at mcdo since aside from their regular hamburger may specialty burger na sila inoofer like regular yum with cheese, cheese burger, amazing aloha at quarter pounder..kaso..pareho ako me mga friendships na nag wowork dun so di ko pwede pintas-pintasan ang kanilang produkto ...on second tot, wag na lang sila isali..baka di ako bigyan ng give aways pagdating ng pasko..
So ano ang categories?? taste, presentation at ang importante sa lahat.presyo...
First Candidate..TGI Fridays Jack Daniels Burger
Taste: Winner ito..had it done na medium well (ayoko ng hilaw na karne at ayoko makakita ng tumutulong dugo sa kakainin ko..) kailangan sosyal ka sa pagkain kasi di pwedeng simpleng kagatan ito..so fork and knife ang drama dito
Presentation: Maganda naman di ba? except for the bacon na over cooked..but then di ko naman like ang pork na
Presyo: Sa halagang P365.00 wala pang service charge ito at drinks..buti na lang may sponsor ako na pumayag na hati kami sa hamburger na ito..
Verdict: uulit ako dito, kung me manlilibre

Wednesday, September 24, 2008
Wala..
walang happening sa buhay ko...umuulan na naman..buti na lang andito na ako sa aking tahanan..ayan nagsimba ako kanina at ikinumpisal na ang nangyari nung lunes..as penance, may tumabi sa akin na isang donya..hindi na ako umalis..kahit amoy old rose ang kanyang perfume....at saka nung peace be with you binati ko sya at ang kanyang yaya..sana pagtanda ko meron pa rin akong sense of smell, at peborit ko pa rin si giorgio armani
ang daming friends ang me birthday ng setyembre..kaya ayun awa ng Dios, nagrambulan sila sa utak ko..yung me birthday kahapon, nabati ko kanina..yung me bertdey kanina babatiin ko dapat bukas..ganda..so kung isa ka man sa mga kaibigan ko na nag birthday na at di ko pa nababati..darating din ang araw na babatiin kita..ako pa..thotful ako..
eniwey, nakatunganga na naman ako sa kawalan..lugaw na ata ang utak ko..i need adventure..kaya naisipan ko mag embark sa isang quest..for the best hamburger! ..pag me sweldo na saka ko uumpisahan siguro na mangalap ng mga contestants..
walang coming up events..di ko pa alam kung makakapanuod ako ng concert ni ogie a..altho magaling sya songwriter, wiz naman applicable sa akin ang mga songs nya..ewan ko ba, never ko naging theme song ang nandito ako, bakit ngayon ka lang dumating, at huwag ka mawawala..is dat an indication na boring ang buhay ko?? sa panahon kasi ngayun, ang theme song ko e money,money,money ng abba..
hmmm....siguro papatulan ko na ang pagsulat ng mga romance novels, baka sakaling kumita ako, tutal di na naman ako nanalo sa palanca..nyet.

Monday, September 22, 2008
Patawad po..
Kanina pag pasok ko sa torre, mejo maganda naman ang umaga ko. hindi ko lang alam kung bakit nung patanghali na e naramdaman ko bigla ang kawalan ng pag-asa..dahil kaya sa huwebes pa ang sweldo?? o dahil nakita ko na naman ang boss ko??
eniwey, nagpasya na lang ako nung bandang hapon na, na dumaan sa simbahan..at mag simba ng 6Pm. e 5Pm pa ang uwian na sa torre kaya mga 5:30 asa simbahan na ako.....asa loob pa lang ako ng oto nararamdaman ko na na lumalakas ang hangin sa labas, nagbabadya ng ulan..pero sabi ko..kahit umulan..magsisimba pa rin ako...
mejo matagal ang hintay ko sa simbahan, nakatapos nga ako ng rosaryo..hanggang nakaramdam ako ng pagbabadya na puno na ang pantog ko..pero sabi ko..titiisin ko..marahil e me tumutukso sa akin na me buntot at tinidor..resolved talaga na magsisimba ako...
intay pa ng konti at nag angelus na..pero after the angelus di pa rin lumabas si fader...may bumubulong sa akin na umuwi na lang ako kasi ang tagal ko na naghihintay..pero nanaig pa rin ata ang guardian angel ko..stay ang byuti ko..kaso
....after 10 secs. me tumabi sa akin na pulubi..naisip ko pagsubok ito...kailangan maipaglaban ko ang aking pananampalataya..paano kung si mama mary ito na nagbabalat kayo lamang? pandidirihan ko ba?...resolved ako na mag stay, eniwey 30 mins lang naman ang misa...sabay ihip ang malakas na hangin..
....kaso mag ateh at kuya, one seat apart lang kami..at nag taas siya ng paa sa upuan..with that..in the name of the father, op the son, and op the holy spirit ako..sabay labas ng simbahan at tuloy sa oto...i'm sure iniwan din ako ng guardian angel ko...ikukumpisal ko na lang ang pangyayaring ito..

Thursday, September 18, 2008
Hindi ako si curacha
Sa kadahilanan na ako ay nakatunganga lamang sa kawalan dito sa torre, nagpasya ako na tumanggap ng labada…hindi pala..MGA labada…
Kahapon, nag undertime ako sa torre para lamang maserbisyuhan ang isang proyekto na tinanguan ko..kaso ang luagr ng opis nito e dun sa may burol sa kampo ng army .
.at habang nanduon at nagmamadaling tinatapos ko ang isang dokumento e tumawag naman ang isang amo ko (hindi yung taga torre) para magtanong tungkol sa mga dapat gawin sa pagtakas ng buwis..syempre sinagot ko kahit ngarag na ako noh with matching promise na may I research ko ang kayang tanung later on in life…sayang din ang libreng kape o dinner later on..
Tapos, yung isang kaibigan ko na nababaliw kasi kasama sa biktima ng rescession sa US ang kanyang opisina, ask din ng mga bagay-bagay tungkol sa large taxpayers…buti na lang..na lo bat na ako…
Nakaalis ako sa burol ng 9PM ng gabi..kaya pala pinabili ako ni boss no. 1 ng grande na kape sa starbucks..na walang gatas....after finalizing everything, me habol pa na dapat daw ma review ko ang bagong decision ng korte suprema sa British American Tobacco.. at mag e-mail ng listahan ng sigarilyo nuong 1997….idagdag pa ang tanung ni boss no. 2 …so pagdating ko sa bahay, download ng kaso..only to know that it was 80 pages looooong!!! Haaayyy…ang hirap ng buhay….and to think na mc nuggets lang ang kinain ko...hindi pa meal..

Tuesday, September 16, 2008
Fully Booked Saturdays
Sa mga gustong mag pa book ng schedule for me ng Saturdays..i'm sorry pero busy po ako every saturday nights until further notice..kasi..
1. at 7:00Pm start na ng celebrity duets..ayoko me ma miss na performance ni BF at syempre ni Phil Younghusband
pagkatapos nun..
2. at 8:00 Pm naman, Project Runway Philippine Edition..oo replay na lang ito, pero di ako mag eefort na panuorin ito ng 10PM on a workday..at mula Wednesday up to Saturday e nagpipigil ako na mag internet para malaman ang result..ayoko ng spoilers..

Monday, September 15, 2008
Hay..Lunes
Nagmamadali ako kanina kasi as usual, ma le late na ako sa torre..suot ko na ang aking costume na kulay grey with matching inner shirt na light green at black mejas..nung pasakay na ako ng oto, wala pala ang aking shues na kulay black..kahit anung hanap ang gawin ko e hindi ko makita..kahit yung med namin di malaman kung san nya niligpit ang shues ko..lintik ang natira lang na sapatos ko e kulay brown..syempre..hindi naman bagay ang brown shues sa grey costume di ba? hala, dali-dali ako nagpalit ng brown na suit para bumagay sa aking brown shues..at syempre sa pagmamadali ko, sa tore ko na lang na realize na di ko pala napalitan ang aking black mejas at green shirt..muka akong puno maghapon..
Tuesday, September 9, 2008
Back to work
eto na ang drama ko ngayon..tapos na ang 12 days na "mandatory leave" ko from the torre..kaya maaga na naman ako gumising kanina..
kahapon, bilang last hurray sa aking "pamamahinga" e nag pa "spa" ako dito sa may amin...nagpasya akong mag pa foot spa at whole body swedish massage..syempre dun pa rin sa dating lugar kung san ako nabalian ng daliri..
yung natoka sa akin na mag foot spa e mukang dating labandera na empowered na ng kanilang parokya sa pamamagitan ng libreng physical theraphy classes..so hala since wiz naman ako talaga nag pa pa foot scrub ever, bigay todo to the max ang pagisis niya sa aking talampakan...himala, ang hindi mapalambot ng petroleum jelly, napakinis ng pumice stone..ayan, di na ako mahihiya mag suot ng open toed shues...
apparently, ang aking foot scrubber din ang aking masahista..so si maxima din ang pumisilpisil at nagmasa sa aking mga kalamnan..sana lang at pray ko lang na naghugas naman sya ng kamay bago nya ako minasahe noh..but then, i wouldn't know kasi may oil ang kanyang mga kamay...
in the middle of the masahe, ni ask nya ako, "gusto nyo po tuhuran ko kayo?" ang bilis ng sagot ko na wag na..okey lang..kasi baka mabalian ako..ang laki pa naman nya..nung unang masahe ko dito e di pa bumabalik sa dati yung napilay kong hinlalaki..
so magkano ang damage dito? P400..for bot services...bat naman ako pupunta sa mamahaling spa, e pareho lang naman ng serbisyo..iba nga lang ang ambiance kasi dun ang takip sa bintana nila e advertisement ng smart bro at ang background music ko e si kenny g. lang (na pault-ulit..buti na lang may ipod ako)

Saturday, September 6, 2008
the haircut
sabi nung isang kaibigan ko, iba daw ang dating nung ipinost ko dated September 3..parang pootah daw ang dating ko..sow?! in celebration of dat, nagpagupit ako inspired by the ulimate P__ (pantene..) herself....
so ngayon, everyday kailangan ko na mag blow dry...

Friday, September 5, 2008
The LRT 1 adventure
Kanina ay dinala ko na sa pagamutan si Rudolf para maayos na ang kanyang mga scars. Hindi ko pala naikwento, me buwiset na tricycle na nakaparada sa kahabaan ng Kagitingan kaya sumabit ang pinto ni Rudolf. Alangan naman asarin ko ang sarili at tilian ang me ari ng tricycle, sayang lang ang wrinkles ko. me comprehensice insurance pa naman si Rudolf, so use ko na lang ito. Kaya ayun, dinala ko sya sa isang accredited casa..sa Makati. Nagkaron tuloy ako ng dilema, kasi pag iniwan ko si Rudolf sa casa, paano ako uuwi? Hassel naman na me convoy pa ako na isang kotse, magastos na sa gas, magastos pa sa driver. Kaya minabuti ko na mag commute na lang pauwi tutal pwede naman ako mag LRT. Kung si Hesus nga e bumaba sa lupa, anu ba naman ang mag LRT di ba? Paminsan minsan e kailangan maramdaman din ang sintemiento ng masa. Ehem.
So, ayun, pauwi, wiz ko alam paanu pumunta ng Buendia Station kaya ride ako ng taxicab. Ito ang unang life altering experience. Ang matandang driver, matanda na nga, manloloko pa..inikot pa ako kung san-san..hindi ko lang masabi na hoy!taxi driver din ako! at baka sa halip na P50 lang ang dagdag sa metro ko e holdapin na lang ako. tapos, nakakatulog pa sya habang nagmamaneho! kailangan pa sya businahan nung nasa likod na sasakyan para umandar after a stop light! there was a time na nag swerve na sya to the left! naku, di pa naman updated ang life insurance ko..at hindi sa isang toyota corola taxi ko inimagine na i ispend ang last seconds ko on earth noh!
Pagdating sa LRT station, mga 2:30 pa lang, ang daming tao..at bakit madami sa kanila e ang daming dalang bagahe? pagkasikip -sikip tuloy..muka naman ok ang trains ng LRT1 na, malakas ang aircon at mga bago, yun nga lang, bakit ang hand rail e six feet from the floor? bakit wala yung mga lubid na me tumatawing tawing na circle things at the end? hello, paanu naman maabot yun ng mga tulad ko? san ako hahawak for support aber?! efort tuloy ako abutin ang bakal..sus, nawalan ata ng blood circulation ang right arm ko..
nung vito cruz station na, nakalapit ako sa isang bakal kaya secured na ang posisyon ko. mejo ok na ang pweso ko dun kahit nakatayo lang ako, at least ma nahahawakan na ako "pole". Yun nga lang, pag dating sa UN avenue station, me sumakay na amoy isda..e wala naman wet market sa UN di ba? ang kinasamaang palad, si dyesebel ay tumabi pa sa akin at nakihawak sa aking pole. ayy...at mukang pawisin ang kamay kasi dumaausdus ang kamay towards my hand..inuurong ko na nga ang kamay ko your honor..pero patuloy niyang nilalapit ang kanyang kamay!!huhuhu...siguro ganun sila talaga, gusto na abot kamay ang mga diyos.
..iba't-ibang klase ng tao ang makakasakay mo talaga sa LRT, meron pa nga ako nakita na kumukupas na, literali..or baka nman anan yun..ey buti na lang hindi ko katabi...meron nman kung makapagkwentuhan, kala mo asa bahay nila sila..aba pati ba naman pag aasawa ng supervisor nila e alam ng buong karwahe..at pwede ba ..ang 32 e hindi pa matandang dalaga!
ngayon ko lang nalaman na ang dulo pala ng LRT e wala ng ibang labasan kundi sa ever gotesco grand central.. ay pagpasok ko, para ako nasa perya..ang daming tindahan ng kung anu-anu...at saka ang amoy ha..na miss ko na ito talaga..amoy goma na me rugby...
syempre, after so many lakads, hindi ko pinahahalata sa pipol around me n feeling lost ako..kasi di ko talaga makita ang labasan ng mall..gusto ko na nga patulan yung fire exit e.. tapos me nakita ako na parang pilahan ng mga tao..akala ko palabas na ito..loto outlet pala...hay..
nakita ko rin ang exit..tapos tawid ako para makasakay pa Malabon..kaso..me bagong twist na sa MOnumento, para makapunta sa terminal ng jeeps, kailangan pumasok ulit sa isa pang Mall! anu ba itu!!!??? in furness, bago naman ang mall na yun, kaso, amoy mapanje ha..baka ginawang CR ng mga construction workers ang surroundings...
buti na lang at medyo maaga pa so ang nakapila sa terminal e yung mga jeep at hindi mga pasahero..ung jeep na nasakyan ko e pang 10 pasahero daw. achuli mukang 91/2 lang. kasi yung last na sumakay e kalahati lang ng pwet ang nakaupo. buti na lang, yung dalaginding na last pasenger e mukang maganda ang araw kasi panay ang ngiti sa kawalan at me dala syang malaking stuff toy na teddy bear..baka bigay ng manliligaw. tapos, among the passengers me dalawang pair..si boylet at si gerlet at si gerlet at si gel (nakababatang kapatid ito ni aiza seguerra at portia ilagan)..so pasiklaban sila ng PDA..e di kaming mga psahero me libreng show..naghahanda na nga ako ng mga scorecards e kaso biglang pumara ang pair number 2..sila pa naman ang winner namin...
hay..ayan..yan lang ang adventure for today...all the while ang ilong ko e nakatakip ng panyo..allergic kasi ako sa alikabok, usok at putik..at syempre, baka me makakita sa akin noh!

Thursday, September 4, 2008
Ang gobyerno
Kahapon dinalaw ko ang aking kaibigan sa kawanihan ng rentas internas dahil may kailangan ako kunin mula sa ahensya ng mga impormasyon sa sila lang ang nakakaalam..since mataas naman ang kinauupuan nung kaibigan ko, pwde ko sya i name drop sa karamihan.
aba, pagbigay ko ng liham kung saan nakasaad ang aking gusto e nagkulumpunan na ang mga bruhang babae sa departamentong iyon at pinag pasapasahan ang sulat..yung isa e ayaw pa nga tanggapin ang liham ko..aba, hindi naman tama ito...ang sabi nung bruha number 1, masyado daw matrabaho ang hinihingi ko..bakit, anu ba ang gawain sa gobyerno? hindi ba trabahao? bakit kaya ako binabawasan ng pagkalaki-laking buwis para lang tumustos sa pagtunganga nya? sambit naman ni bruha no. 2, "ano, ire-receive ko ba? ikaw ang gagawa nito"... aba!!aba!!
eskyus me lang ha..ako e nagtrabaho din sa gobyerno pero hindi ko naman nagamit ang linya na sinambit nya. at hello! computerized na sila di ba? hindi ba sya nakakaintindi ng excel? bruhang ito.. isusumbong ko talaga sya ke ate glow..pagkatapos e me panukala pa na dagdagan ang sweldo nila..hindi na makatarungan itu.
tumawag kinagabihan yung isang kaibigan ko dati sa paktori..tumiwalag na daw sya sa samahan ng pagkamananaggol at pagkasingungaling...isa na daw syang certified yoga teacher ngayun..tinatanong nya ako kung gusto ko sumama sa binubuo nyang klase..sige sabi ko..way not tsoknut...
buti pa sya..may pagkakataon na sya na sundin ang gusto ng puso nya...kelan kaya ako pwede manahi?

Wednesday, September 3, 2008
Haleluja!
Kahapon lumabas ako ng bahay after so many days na nakatunganga lamang sa kawalan..ang laman ng wallet ko e 300.00 lang. so bago lumabas e nagdasal ako na sana me magbayad ng lunch ko kung sakaling abutan ako ng tanghalian sa daan.
lo and behold, me nanlibre nga sa akin ng lunch..at nagbigay pa ng panlaman sa wallet!

Subscribe to:
Posts (Atom)