Kahapon dinalaw ko ang aking kaibigan sa kawanihan ng rentas internas dahil may kailangan ako kunin mula sa ahensya ng mga impormasyon sa sila lang ang nakakaalam..since mataas naman ang kinauupuan nung kaibigan ko, pwde ko sya i name drop sa karamihan.
aba, pagbigay ko ng liham kung saan nakasaad ang aking gusto e nagkulumpunan na ang mga bruhang babae sa departamentong iyon at pinag pasapasahan ang sulat..yung isa e ayaw pa nga tanggapin ang liham ko..aba, hindi naman tama ito...ang sabi nung bruha number 1, masyado daw matrabaho ang hinihingi ko..bakit, anu ba ang gawain sa gobyerno? hindi ba trabahao? bakit kaya ako binabawasan ng pagkalaki-laking buwis para lang tumustos sa pagtunganga nya? sambit naman ni bruha no. 2, "ano, ire-receive ko ba? ikaw ang gagawa nito"... aba!!aba!!
eskyus me lang ha..ako e nagtrabaho din sa gobyerno pero hindi ko naman nagamit ang linya na sinambit nya. at hello! computerized na sila di ba? hindi ba sya nakakaintindi ng excel? bruhang ito.. isusumbong ko talaga sya ke ate glow..pagkatapos e me panukala pa na dagdagan ang sweldo nila..hindi na makatarungan itu.
tumawag kinagabihan yung isang kaibigan ko dati sa paktori..tumiwalag na daw sya sa samahan ng pagkamananaggol at pagkasingungaling...isa na daw syang certified yoga teacher ngayun..tinatanong nya ako kung gusto ko sumama sa binubuo nyang klase..sige sabi ko..way not tsoknut...
buti pa sya..may pagkakataon na sya na sundin ang gusto ng puso nya...kelan kaya ako pwede manahi?
No comments:
Post a Comment